Chapter 16
SINUKSOK ko na ang baril sa tagiliran ko at sinukbit ko na ang katana ko sa balikat at tinali ko ang buhok ko. Tiningnan ko naman si, Gracy at nakaayos na ito. Binigyan ito ng kakambal niya ng baril para daw kung kakailanganin nito.
"Tara na?" Tanong ko dito at tumango naman ako.
"Magiingat kayo. Sabrina, yung sinabi ko sayo, iingatan mo yang kambal ko." Seryosong saad nito.
"Opo, bunso HAHA." Tumalim ang tingin nito saakin at inangat nito ang hawak na baril.
"Kita mo ito. Puputok ko sayo to kapag hindi mo iningatan yang kambal ko." Hinawakan naman ito ni, Gracy at ibinaba.
"Tara na, ate. Hayaan mo nayang kambal ko, siraulo talaga yan." Pagtapos nitong sabihin yun ay dumila naman ako kay, Gravy.
Bago namin isarado ang pinto ay tinanguan ako ni Gravy. Ngumiti nalang ako dito at nagpaalam.
"Ate, dito po tayo dadaan diba?" Tumingin naman ako dito. "Bat po jan kayo dadaan?"
Napakamot naman ako ng ulo bago sumunod dito. "Kala ko doon yung daan. Baka baliktad yung mapa."
"Ate naman, eh. Kagabi mupa hawak yung mapa tapos hindi po pala kabisado kung saan yung daan." Paglapit ko dito ay kinurot ako nito sa tagiliran.
"Sorry na, di muna ba ako mapapatawad." Tumawa naman ito at binangga ako.
"Ano kaba, Ate. Magayos ka nga."
Ginulo ko naman ang buhok nito bago sumagot. "Opo, kapag may tao, Gracy sa likod kalang, ok?" Tumango ito.
"Sge, ate. Pero natatakot po akong gamitin ito." Turo nito sa baril. "Ngayon lang po ako nakahawak nito at hindi kopo alam kung matatamaan ko yung kalaban."
Kinuha ko naman ang baril dito. "Kaya mo yan tingnan mo, ganto lang iyan." Kinasa ko ang baril at pinutok ito.
"Nakakatakot parang hindi kopo talaga kaya." Inabot ko naman ito sa kanya.
"Subukan mo."
"Ate-"
"Subukan mo lang, baka madami tayong makalaban at hindi ko kakayanin iyon kaya ikaw ang magsisilbi kong back up." Tinutok nito ang baril at pinutok. Nanginginig niya itong binitawan.
"Ate, ang lakas po pala ng pwersa nito." Saad nito at inilagay na ang baril sa tagiliran.
Nakalabas na kami ng building at ganoon padin paglabas namin. Maraming patay at dugo sa paligid.
"Wag kang lalayo sakin, Gracy." Tumango ito bilang sagot. "Kapag may kalaban, wag kang magdadalawang isip na barilin ito, ah."
"Opo, ate. A-ako po bahala." Ngumiti ako dito at ngumiti din ito saakin.
"Dito tayo, ate." Sumunod lang ako dito.
Kagabi kupa kinakabisado ang mapa at hanggang ngayon ay nalilito padin ako sa daanan. Buti nalangat kasama ko si, Gracy at baka kapag kami nagsama ng kakambal nito ay hindi na kami nakakuha ng pagkain. Matalino si, Gracy. Utak ang ginagamit nito at hindi ang lakas o pwersa kaya parang mas delikado ito sa kakambal niya.
NASA HARAP na kami ngayon ng pinto ng canteen at idinikit ko ang tenga ko sa pinto.
"Talo ka na naman. Palagi ka nalang bang natatalo saakin. Galingan mo naman." At sinundan nito iyon ng tawa.
"Isa pa, babawi ako." Sabi ng isa na nasa loob. Nag signal naman ako kay, Gracy na magtago sa gilid. Sumunod naman ito.
"Babawi ka na naman? Tama na, lalabas muna ako at maghahanap ng mapaglilibangan." Agad akong umalis sa tapat ng pinto at pumwesto sa gilid. Lumabas na ang lalaki habang may hawak na sigarilyo. Nakatalikod ito saakin ngayon at ginawa ko itong pagkakataon para mapatay ito. Hinugot ko ang katana ko at ginamit ko iyon para mapugot ang ulo ng lalaki. Bumagsak ang katawan nito sa lupa at tumapat naman saakin ang ulo nito. Sinipa ko iyon sa tapat ng pinto at nagtago sa pinagtataguan ni, Gracy.
Nakarinig ako ng mga kalabog at pagbukas ng pinto.
"May tao, mga pre may tao dito." Saad ng isa.
"Hanapin niyo at tiyak ay hindi pa iyon nakakalayo. Walang hiya ang mga iyon hindi pa ako nakakaganti dito." Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa sinabi nito.
Nakatago padin kami ni, Gracy sa pinto. "A-ate, anong gagawin n-natin."
"Handa mo yung baril mo, Gracy. Mapalalaban na ata tayo ngayon." Kinuha nito ang baril nito at nanginginig na hinawakan. "Magpapakita ako, Gracy. Barilin mo at wag kang magalinlangan dahil buhay na natin nag nakalaan dito.
"O-opo, ate."
Inihanda ko ang baril ko bago ako lumabas at agad akong nakita ng mga lalaki na may kanya kanyang baril na hawak at may kasama din itong isang babae na may bitbit na shotgun.
Binaril ko ang lalaking nasa harap ko at tinamaan ito sa leeg. Pinagbabaril naman ako ng mga ito pero hindi ako tinamaan. Kinasa ng babae ang bitbit na shotgun at pinaputukan ako pero tumama ito sa lalaking biglang humarang at sumaboy ang laman loob nito. Pinunasan ng babae ang mukha dahil sa nga laman na nagkalat sa iba't ibang parte ng katawan niya.
Babarilin kuna sana ang babaeng may hawak ng shotgun ng bigla itong tumamba at may isang pana na tumagos sa mukha nito at nasa dulo nito ang mata ng babae. Tumingin naman ako sa gawi nito at nakita ko si Ethyl.
"Hi, beh. Miss me?" Hinagis nito ang baril at naglabas ng isang pistol na baril at binaril ang natitirang lalaki na ipuputok sana ang baril nito sa kanya. Lumapit ito saakin at nakahanda na ng yakap pero bigla itong binaril at tumama iyon sa braso ni, Ethyl.
"Gracy, wag!" Awat ko dito dahil mukhang babarilin pa nito si, Ethyl.
"Akala ko, ate barilin ko at wag akong magaalinlangan." Tiningnan ko ito ng masama.
"Gracy, kakampi natin siya."
"Pero, ate-" Aangal pa sana ito pero pinigilan kuna.
"Sge, na Gracy. Susunod nalang kami, pumasok kana sa loob." Pumasok na ito sa loob at inalalayan ko naman si Ethyl.
--
By:LoveisBlind2209
BINABASA MO ANG
Imperial Academy(school of demons) (✔Completed)
Misterio / Suspenso"Lumalaban ako 'di para sa sarili ko, Lumalaban ako para sa pamilya ko at makalabas sa p*tang inang paaralan nato!" -- A school where you are the star of the game, you're the controller and you're being controlled. Don't trust anyone, they gonna tri...