<Jane’s P.O.V>
*Next Morning*
“hija, gising na! nandyan na sa baba si Yanna, sinusundo ka na” *poke* “HUY! RINELLE!”
“AYANAKKANGKALABAW! Ate Bianca naman eh! Bakit kailangan mo akong sigawan malapit sa tenga. Aish! Ansakit eh!” sabay himas dun sa right ear ko. Tss. Ansakit eh, nabasag eardrums ko dun ah!
“eh kasi naman, tulog mantika ka kaya ineng! Osya, maligo ka na at inaantay ka na ng iyong BFF dun sa baba, kanina pa yun dun!” tapos pinagtulakan na ako sa banyo.
*After 20 Minutes*
“hay! Ansarap maligo, kyaaah!” tapos kuskos ng towel sa mukha, nakabathrobe ako ngayon at papunta na sa walk-in closet ko para magbihis.
“Ate BIANCAAAAAAAAAA!” sigaw ko nung nakapasok na ako sa aking walk-in closet.
“HArujusko! Maghunus dili ka day! Anu bang problema mo? Bigla bigla nalang sisigaw.” Sigaw ni Ate habang inaayos yung kama ko at nililigpit yung kalat sa sahig.
“Ate Bianca, bat wala na yung mga damit ko ditto? Nasan na yung mga favorite kong oversized t-shirts at mga jeans? Waaaah! Nsan na yung mga yun?! Padala ni Kuya Chris yung mga yun!” sigaw ko na mangiyak-ngiyak. Kasi naman eh, nawala lahat ng damit ko napalitan ng mga girly fashion. Err.! I hate skirts, dresses and super shorts! Tss.
“Ako mismo nagpaalis nung mga yun. Manghiram ka nalang sakin kapag matutulog ka at gusto mo ng mga ganung damit. Kapag aalis ka yan ang gagamitin mo! Intinde?!” sabi ni kuya Chris kasama si Ate Clarisse na binehlatan lang ako! Err! Pagtulungan bad aw ako! Wala pa naman akong kakampi, no choice kailangan kong magsuot ng ganito!
Pumili ako ng medyo maluwag na t-shirt at di gaanong kaikling short. Kaso wala, same sizes! Err. Bwisit talaga tapos yung mga damit fit na fit. No choise nagsuot nlng ako ng matipuhan kong pagsamahing mga damit. Nagpafrench braid ndn ako kay Ate Bianca. Nung pababa na ako ng hagdan medyo hinihigit ko pababa yung t-shirt para lumuwag pero hindi ko magawa in the end pumunta ako sa dinning ng ganito suot.
Pagkakita nila sakin, para silang nakakita ng multo. Napa O_______O lahat sila.
“WOW!” sabay-sabay nilang sabi maliban kay Kuya Gerlad. Err, parang estatwa lang tong si Gerlad eh. Tss. Parang yelo, walang pinapakitang emotions. Pero halatang nagulat din siya nung nakita ako, nux, masyado bang maganda.?
“DAD! Pengang extra money, kailangan ko ng pera pambili ng mga damit ko dati, hindi ako sanay dito eh.” Sabay pout.
“NO WAY! Tatanggalan kita ng allowance kapag pinaltan mo mga damit nay an, napagaod pa kami kahapon mabilhan ka lang ng mga damit nay an! Pinagod pa kami ni Clarisse” then nagdeath glare lang ako kay Ate Clarisse,
“oh, oh, tama nay an! Kumain na tayo. Yanna, sumabay ka na samin. Huwag kayong papagabi ha? Naiintindihan niyo? Wag din masyadong magastos.” Bilin ni Mama habang naghahain.
Pagkatapos kumain deretso kami ni Yanna sa mall, tss. Nakakainis mga tao ngayon pinagtitinginan ako. Ganun nab a ako kaganda?! Haha, feeler lang mga readers. XDD
“tara! Bili na tayo ng mga gamit nten” sabay higit sakin ni Yanna papuntang mga bags. Err, bag nanaman. Kapag kasama ko to lagging bag, puro tambak na nga mga bags nito sa bahay nila eh. Pagkatapos bumili ng bag, deretso kami sa national bookstore, may sapatos pa kasi ako kaya irerecycle ko nlng, saying din yun rusty lopez eh. :)
“Rinelle, anung mas maganda etong blue or violet” tanong ni Yanna nung namimili na kami ng binder. Tss, andami talagang arte nito sa buhay, pero mahal ko yan!