<Jeremy’s P.O.V>
HI readers! First pov ko to, ayaw kasi ako gawan ni author dati eh.xDD
“J-em, balita ko basted ka kay Yana ah, anung gagawin mo? Diba siya palang naman ang unang babaeng sineryoso mo?” yes! Tama kayo, sabihin na nating playboy ako, pero not in the way na nagpapaasa ako. Ngayon palang kasi alam ko na ang feeling ng umasa, mas masakit pa pala kasi hindi ka kaagad nabalaan.
“anung gagawin? Wala, maghihintay? Ewan. Aral muna dre” pagkasabi ko nun tumawa naman siya ng malakas, si Gerald nga pala tong kausap ko, loko din to. Pagtawanan daw ba ako. May nasabi ba akong nakakatawa?
“tss, ikaw bay an J-em?! Haha, ano may babae ka nanaman ba? Haha. Habulin ka kasi ng babae, di hamak naman na mas gwapo ako sayo” ayun! Nabatukan ko pa. ang hangin din neto eh, nung una kasi hindi kami close neto, ang sunget kasi daig pa ang babae.
“sira! Palagay ko nagbabago ka na ata, hindi ka na masunget. Sinong babae ang nakapagbago sayo?” tanong ko sa kanya ng bigla kamin napaligon sa may di kalayuang playground sa inuupuan naming at nakita naming si Rinelle na buhat ni Steve. Nakita ko nalang na kinuyom ni Gerald ang fist niya at nagwalk-out, problema nun?! Ayy! Oonga pala, girlfriend niya nga pala si Rinelle, kaso parang hindi sila, more like brother and sister relationship lang.
***
Recess namin ngayon at nandito ako ngayon sa canteen, nakain syempre ng may Makita akong hindi kaaya-aya..
*BOOOGSH*
“T*rantado ka! Ang babae ginagalang hindi binabastos. Alis, baka kung ano pang magawa ko sayo” sabay takbo nung lalake, nakita ko lang naman na chinachansingan niya si Yana, sabihin na nating masyadong bitter ako at nasasaktan pero kahit masakit ipagtatanggol ko parin siya noh. Siya lang kasi ang babaeng sineryoso ko.
“Uhm, thanks J-em” tapos umalis na siya, kasama nila Shayne, Angel at Chen. Bakit kaya hindi na sila nagsasama ni Rinelle, dahil nga close naman kami ni Rinelle, matanong nga siya mamaya.,
“Anak! Uy, kamusta ka na?” tanong ko sakanya. Yep. Tatay niya ako sa school.
“uy tay, okay lang. nga pala, ako na nagsosorry sa mga pinapakitang asal ni Yana, hindi ko din alam kung bakit siya biglang nagbago eh” tapos bigla nalang siyang sumimangot.
“SMILE nga, napanget ka eh. Dapat lagi kang good-looking kagaya ng tatay mo!” tapos naglakad na kami.
“Tay, hindi ka ba nasasaktan sa mga pinapakita at inaasal ni Yana, towards sayo? Diba umasa ka? Anung gagawin mo?”
“alam mo, may makapal na maskara ang tatay mo. Sabihin na nating malakas at parang hindi nasasaktan ang mga lalake pero nasasaktan din kami, tao lang kami. Siguro ang gagawin ko nalang ngayon ay magintay at magmove-on kung hindi talaga kami ni Yana para sa isa’t isa kasi walang mangyayare kung aasa lang ako. Mas masasaktan pa ako tsaka, siya ang babaeng sineryoso ko, siguro parusa to sakin kasi dati nanloloko lang ako pero hindi ako nagpapaasa kasi mas masakit umasa noh, kaya pag may mga babae akong napgtritripan pinaprangka ko at kahit pinrangka ko na okay lang sa kanila, ewan. Minsan ang gulo niyo ding mga babae eh” tapos tumawa siya. Ang ganda talaga ng anak ko kapag nakangiti, madalas kasi ngayon nakasimangot na siya para bang pasan niya ang buong mundo.
“sira ka talaga tay! Hahaha, pero hanga din ako sayo, antibay mo!” then tinapik niya yung likod ko. Akala mo lang Rinelle, pero may hangganan din ang pagiging matibay ko.
“look at her! Siguto kaya siya hiniwalayan at iniwan ng bestfriend niya dahil isa siyang malanding babae, napapasama ang image ni Yana”
“oonga girl, kanina lang si Steve, ngayon si J-em?! Hindi naman siya kagandahan diba? Tapos balita ko pa, sila ni Gerlad pero naglalandi siya, kapal talaga ng pagmumukha.”