<Steve’s P.O.V>
“HUY! TOL, lutang ka dyan! Problema mo?!” tanung nung katropa kong si Denzel.
“Wala! Inaantok lang” sagot ko tsaka, sinubsob ang mukha sa may desk. Hindi ko pa nailalapat ang ulo ko ay biglang nagvribrate yung phone ko.
*From : Louise
“Hey, meet me at the park after dismissal I have to say something important.”
“Psh. Important daw, anu naman kaya yun.” Bulong ko at tsaka diretsong nag-nap. Okay, hindi ko siya nireplyan bahala siya, pero ayyy! Ewan. Makapunta na nga lang.
*Dismissal
Ang ganda ng ngiti niya, ngayon ko nalang ulit nakita ang magandang ngiti ni Yana. Mukhang okay na ang lahat, pero kailangan ko paring icontinue ang nasimulan ko. Makapunta na nga sa park.
*At the Park.
“Hey!” salubong sakin ni Louise
“Anong kailangan mo? Sabihin mo na ang sasabihin mo may gagawin pa ako.” Sagot ko na napakunot ang noo niya.
“Psh! Ang sunget mo parin talaga, teka.dadalhin na kita dun sa boss natin.” Boss?! Yung naguutos ba ng lahat?
“K” sagot ko at sinundan ko nalang siyang maglakad, after ilang minutes ng paglalakad tumigil kami sa isang malaking bahay. Bahay nab a ito nung boss namin?
“Pasok na, ininintay ka na ni Papa.” Papa?! Ibig sabihin may galit din kay Rinelle yung Papa niya? Bakit kaya?
Pinapasok ako ni Louise sa isang kwarto at sumalubong sakin ang isang lalaking nakaupo sa upuan niya habang nakangiti, may scar siya sa mukha niya. Teka.. parang familiar yung mukha niya.
“Hindi mo ba ako naalala, or hindi talaga sinabi ng Nanay mo na buhay pa ako, ang tatay mo” what?! So ibig sabihin magkapatid kami ni Louise? Wala nakong pake, agad akong lumapit sakanya at niyakap siya, ilang taon din akong nangulila kay Papa. Nung niyakap ko siya, mukhang nandidiri siya? Anu bang problema niya at pinatawag niya ako ditto?
“hindi ka nandito para sa reunion, nandito ka kasi may iuutos ako sayo. Bantayan mo si Rinelle at huwag mo siyang hahayang mawala sa panigin mo? Kuha mo? Sige makakaalis ka na.” pagkatapos niyang sabihin yun lumabas na ako, hindi ko na kaya ang narinig ko? Kaya pala, simula nung bata ako hindi siya pinapakilala sakin ni Mama kasi wala siyang pakialam samin. Nakita ko nga siyan pero hindi ko padin ramdam na may pagmamahal siya para samin.
<Rinelle’s P.O.V>
Nandito ako ngayon sapark, dumiretso ako sa park at naupo sa may swin pagtapos ng dismissal. Haaay! Ang sarap panuorin nung mga bata, halatang wala silang inaalalang problema. Sana forever nalang ako bata para walang ibang problemang inaalala sa buhay.
“Uhm, pwedeng maupo sa tabi mo” niligon ko ang lalaking nakatayo sa side ko sa tabing swing at nagulat ako nung Makita ko siya… kahit siya halata mong gulat na ako ang nakatabi niya..
“Sure”sabi ko nalang, naalala ko pa siya.. sino ba namang hindi kasi…
“Psensya na nung huli tayong magkita, hindi ko naman sinasadyang yakapin ka kaya, pasensya na talaga, hawig mo lang kasi yung babaeng mahal ko.” Ahhh. Edi ibig sabihin maganda ako? Haha, kasi gwapo tong lalaking nasa tabi ko kahit na nasa mid30 nasiya, may itsura padin at maappeal.
“ahh, wala po yun. Tanong lang po, ano pong pangalan niyo?” nacurious talaga ako sa pangalan ng taong ito.
“Ah, Nathan Carter neng, ilang taon ka na ba?” hmm, hindi naman siguro ako mapapahamak kung sasabihin ko diba? Tsaka, mukha naman siyang mabait, isa pa magaan loob ko sa kanya. Tekaaa.. Carter? Nakita ko nay un? Ay hindi! Narinig pala, san bay un? Nakalimutan ko na ihh.
“uhm 14 po, ako po si Rinelle Jane Garcia.”mukhang nagulat siya sa sinabi kong pangalan, may problema ba? Bigla nalang siyang ngumiti. Eeehh, anong ibig sabihin ng ngiting iyon?
“angganda ng second name mo. Kalian birthday mo?”
“October 3 po” gulat din siyang napatingin sakin pagtapos kong sabihin ang birthday ko.
“alam mo ba? Kaage mo ang anak namin kung alam ko kung nasan siya ngayon. Inilayo kasi siya sakin, at madaming banta sa buhay nilang maganak ko. Pero ang mali ko hindi ko sila naipaglaban.” Ramdam ko ang lungkot sa pagkwekwento nung lalaki sakin.
“uhm, una na po ako. Baka gabihin pa ako eh.” Pagpaalam ko tapos tumayo na pero nagulat ako nung hinila niya ako at niyakap. Hala. Bakit kaya. Naramdaman ko nalng na may pumatak na luha sa balikat ko. “Mycah Jane Carter.” Bulong niya at tsaka ako binitawan.
“Sorry ulit, hated na kita sainyo. Lagi ka bang nandito sa park?”
“Ah, opo. Ah, okay lang po. Malapit naman po bahay naman ditto kaya safe naman po. Sige po sa susunod po nating pagkikita” nagpaalam na ako at tsaka tumalikod, there’s something weird talaga. Kilala kaya siya ni Papa at Mama matanong nga sila mamaya.
Umuwi na ako at tama ang hinala ko nauna na si Kuya Gerald sa bahay. Nagpaalam naman kasi akong mauuna akong umuwi pero nauna pala siya. Kumakain na kami ng dinner ngayon at nagtatawanan sila gawa ning mga jokes at kwento ni Kuya Chris.
“Pa, Ma. May kilala ba kayong Nathan Carter?” tanong ko na nagpatahimik sakanila. May mali bas a tanong ko. Halatang lahat sila nagulat sa tinanong ko.
“ahm, saan mo siya nakilala?” tanong ni Mama.
“ah! Sa park po. Pangalawang beses na po ng pagkikita namin. Halos kada magkikita kami niyayakap niya ako at may binulong siyang pangalang kanina ‘Mycah Jane Carter’ kilala niyo po siya?”
“ah, hindi eh. Sige, kain na ulit tayo” hanggang ngayon tahimik padin sila. Bakit kaya? May mali bas a naitanong ko? Wala naman diba? Haaay! Ang gulo ng buhay pero nung second time ko pa siyang nakita parang gusto ko siya lagging kasama, ang gaan kasi ng loob ko sa kanya.
<Gerlad’s P.O.V>
“Pa, you have to tell her the truth, kailangan niyang malaman …
Na hindi niyo siya totoong naka. Bago pa lumala ang sitwasyon,…
Lalo na ngayong may nagbabanta sa buhay nilang magama.,/”
Nagulat si Papa sa sinabi ko pero ang tanging naging sagot niya lang “malalaman niya din, hindi pwedeng biglain natin siya.” Yes! Totoo ang narinig niyo! Ampon si Rinelle at tatay niya yung Nthan Carter, nanay naman niya si Marini Jane Carter parehong sikat ang dalawang parents niya pero mala sang tadhana sa kanila dahil pinagbantaan ang buhay nila noon kaya napilitan ang nanay niya na iwan samin si Rienlle, as soon as I reach grade 6 sinabi sakin ito ni Papa. Nagulat din ako pero naintindihan ko sila kaya nga ngayon sobrang alaga na siya kasi alam kong kapatid at pamilya na ang turing niya samin. Ang problema lang…
Hihiwalay na siya kapag nalaman niya ang katotohanan.
--End Of Chapter 19 , ahihi, nareavel na ang ibang kailangan mareavel kaso may mga lihim padin na nakatago at uungkatin natin yon sa nakaraan ni Nathan Carter.