1-Kalabit Day??

61.5K 779 63
                                    

Authors Note: Noreen Sandoval in the multimedia.

3
2
1
Starteu.

May isang presidenteng galit sa mga supernatural beings na mas sikat at mas mayaman sa kanya kaya nais niyang ipapatay ang mga ito. Sa kasamaang palad, napag-alaman niyang isang mangkukulam ang kanyang asawa at bampira ang pinakamalapit na kaibigan nito. Dahil hindi pa niya alam ang dapat gawin sa asawa ay inuna niyang binalak ang pagpapatay sa kaibigan nito.

Nagkukumahog sa pagtakbo ang hapong babae papunta sa tree of pact na tanging instrumento para patayin ang isang bampira. Naisip niyang patayin ang sarili sa halip na mahuli ng mga sundalo at piliting pangalanan ang mga kaangkan. Nang malapit ng mahuli ay natisod ito at napasubsob sa katawan ng isang namamahingang lalake sa lilim ng puno. Sa halip na magalit ay tinulungan pa ito ng lalake na isang Sandoval origin-isang kakaibang nilalang na nagbibigay-lakas sa bampira. Biglang nagkaroon ng sapat na lakas ang babae para alisin sa alaala ng mga sundalo ang paghabol sa kanya. Nawalan ng malay ang mga ito at nang magising ay wala na sa tamang huwisyo. Doon nagsimula ang magandang pakikitungo ng mga bampira sa mga origin.

Namangha ang Presidente sa napag-alaman mula sa kanyang mensahero. Ginusto niyang maging kakaibang nilalang at kinausap ang asawa sa pagnanais na iyon ngunit isang araw ay inabutan niyang paalis na ito sa palasyo kasama ang pinakamalapit na kaibigan na pinagtangkaan niya ang buhay at isang lalake, kapwa galing sa kilalang angkan ng mga Madrigal.

Sa sobrang galit at hindi matanggap na pag-iisa ay ipinahanap niya ang asawa at ang kaibigan nito para patayin habang nakagapos sa tree of pact pero tinulungan ito ng isang mapanudyong bampira para makatakas. Ang pangyayaring ito ang nagtulak para ipagpatuloy niya ang adbokasiya para burahin sa mundo ang mga nilalang na ubod niyang dinidis-aprubahan ang eksistensya. At mula noon, ang tree of pact ang naging lugar para sa pagparusa at pagpatay sa mga nilalang na iyon. Namuhay ng hindi mapayapa, walang katahimikan at walang sigla ang Presidente.

May mga nagsasabi na isang batang babae lang ang nakaligtas sa walang-awang pagpaslang ng mga kakaibang nilalang at hindi pa matukoy kung ano ang nangyari sa kanya sa lumipas na mahabang panahon pero ang kwentong ito ay nananatiling sabi-sabi lamang.

Hindi napili ang libro ko sa contest na sinalihan ko pero masasabi ko na masaya ako sa pagsulat noon. Hindi ko nga lang alam kung bakit iyon ang naisip kong isulat. Dahil iyong totoo? Wala kong alam sa buhay noon, at masyado nang updated ang 2016 para sa ganoong turn of events.

Pen Festival ngayon sa Club namin. Marami ngang pakulo at marami pang libre, tulad nitong lambanog. "Ah! The best! First time kong matikman ito!"

"Tikim pa ba iyan?" tanong ng mga lalakeng ka-staff namin na kasama naming nagbabantay sa booth. Napatingin ako sa hawak kong bote. Inalog-alog ko iyon. Magaan na, which means paubos na ang laman.

Tawanan sila.

"He! Ano naman ngayon?" pagtataray ko. Oo na, masarap ang lambanog, at kakaiba ang epekto. Parang heaven. Try niyo rin kung minsan. Oops, hindi ko kayo bini-BI.

"Moody now, aren't we?" sabi ng isa sa kanila at umakbay pa sa akin.

Napatingin ako kay Nath, bestfriend ko. Masyado siyang busy sa tawag sa cellphone niya habang nakaupo sa isang sulok.

Tss. I guess I have no choice then. Tinanggal ko ang braso ng lalake sa balikat ko at agad iyong ipinaikot sa likod niya. "Ow Ow Ow!!!" sigaw nito na namimilipit sa sakit.

Tapos biglang tumayo si Nath.

Pagagalitan niya ba ako??

"Hey, kausapin ko lang iyong project head. Mukhang maraming outsiders ang nakapasok." Ha? Ganoon? Wala man lang "tama na yan," "ingat ka," o kaya "sama ka?" "Kita na lang tayo mamaya."

"May choice ba ako?" ungot ko.

"Ha?" tanong ni Nath sabay lingon. Buti na lang hindi niya narinig nang maayos?

Pero dang! Did I just blurt it out loud? "I mean sure!!" I shot up and forced a smile. "Isa pa!" sabi ko at wala namang ibang nagawa ang naka-assign sa wine booth kundi bigyan ako ng maiinom.

"Yeah!!" sabi ng mga lalakeng kastaff namin.

"Hoy, wag kang pasobra ha?" Gwaaak! Muntik ko pang mabugahan ang kaharap kong mga lalake na agad namang nagtakip ng braso sa mukha nila na parang may hawak na armor. Just in case.

"Akala ko umalis ka na eh?" I said in disbelief.

 "Basta ha? Last time, nahirapan akong iuwi ka. Sa susunod magdiet ka bago uminom," paalala pa ni Nath. Kailangan niya pa ba talagang sabihin iyon?

Tawanan na naman ang mga ka-staff namin.

"Tss. Hindi naman ako mataba ah. Mabigat lang talaga ako. Tsaka don't worry, kaya ko na ang sarili ko." Ano nga ba iyong peymus na linya sa advertisement? Ah oo. 'I'm a big girl now.'

"Okay??" patanong na sabi niya. Shet lungs. Halatang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko. "Sige guys, kayo muna ang bahala sa bff ko ha?"

"Oo ba!" sabi ng mga mokong.

Tapos umalis na si Nath. Alam kong mag-aalala na naman sa akin iyon kapag hindi ko sinunod ang sinabi niya.

Napahaplos na lang ako sa sarili kong noo. "Makatingin na nga lang sa ibang stalls."

Nakatalikod na ako nang may biglang kumalabit sa akin. "Huy sabi ni Nath kami bahala saiyo diba?" Loko ito ah. He seriously believes na I should be man-handled?

I made myself free from his grasp. "Hindi na nga iinom diba? Mag-iikot na lang." I tried my best not to sway a bit.

"Okay, ingat ka na lang," they reluctantly said. Hmm. FC ang mga ito. Chos. Kung alam ko lang, gusto naman talaga nilang mag-runaway peg ako.

Medyo nakalayo-layo na rin ako nang may kumalabit na naman sa akin.

Ano ito? KALABIT DAY?!

My 500-Year-Old Boyfriend (M5YOB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon