“So wala ka ng trabaho ngayon?” tanong ko.
Iling lang ang sagot ni Liz habang sumisinghot pa rin pero hindi ko na siya hinayaang yumakap uli sakin.
Ayaw naman naming mawalan ng gana ang ibang customers sa grillhouse kaya umalis na lang kami roon. Tutal busog na rin naman kami.
“Hindi ka man lang nagtabi ng pera sa bangko?” tanong ko ulit.
Umiling uli siya bago magsalita. “Blocked na ang accounts ko. At may utang pa ko sa bangko. Kaya kailangan ko talaga ng trabaho. Baka naman may alam ka dyan.” Ayos a. Iyong totoo? FC siya? Matapos ang lahat ng ginawa niya sa akin, lumalapit siya ngayon sa akin na parang wala lang nangyari.
Dumaan kami sa isang laundry shop at agad na ipinasok sa washing machine ang damit ko. Buti na lang coat ko lang ang nadumihan. Medyo mabigat din iyon kaya 10 pesos ang ibinayad ko sa laundry master.
Inoffer sakin ni Kol ang coat niya at hindi ko naman tinanggihan.
“Ayos a, ang sweet ng boyfriend ko, wait, kelan ka pa nagkaboyfriend?” she snapped.
“Iyong kapatid mo?” tanong ko, ignoring her question and refusing to introduce her to Kol.
“Editor pa rin, pero baka i-assign na siya sa ibang writer. Tsaka hindi kami okay ngayon.” Salamat na lang sa kalasingan nito at madaling imanipulate ang conversation. As much as possible ayokong magtatanong siya tungkol kay Kol.
Kung tutuusin, in good terms naman kami dati nito ni palaka. Nagsimula lang kaming maging indifferent sa isa’t-isa nung magkaalaman kami na pareho pala kami ng feelings para kay Nath.
“Sige na naman Noreen..” Humawak siya sa laylayan ng damit kong pantaas, “...kahit tagapunas lang ng pawis ni kuya,” nguso niya kay Koln a tahimik lang sa tabi.
Bigla ko tuloy naimagine ang sinasabi ni Liz. Grabe! Erase. Erase. “No way!” I snapped.
“Ay bakit?” malungkot na tanong ni Liz.
“Basta!” sabi ko at nang marinig na magring ang washing machine with dryer and cooler ay kinuha ko agad ang malinis ng coat ko at ibinigay iyon kay Kol para gamitin niya. Na-amuse pa nga ako nang isuot iyon ni Kol nang walang karekla-reklamo.
Hinila ko si Kol palabas matapos niyang maisuot ang coat ko na kasya naman sa kanya dahil sadyang maluwang iyon sakin. Nasa labas na kami ng laundry shop at naghihintay ng sasakyan.
Gusto ko sana talagang iwan na ang confused na si Liz, pero sumunod pa rin ito sa amin. “Sige na naman o, kahit tagalinis ng unit niyo. Hindi ako manggugulo, pramis,” pagmamakaawa ni Liz na nakakapit sa braso ko as if her life depended on it.
“Sorry a, wala kasi kong pambayad e,” sabi ko habang inaalis ang pagakakakapit niya sa braso ko at tuluyan na sana siyang idededma nang magsalita siya ulit.
“Kahit walang bayad. Kailangan ko lang ng matitirahan habang naghahanap ako ng bagong trabaho.”
Nanlaki ang mga mata ko. “Nasherriff ang condo mo?”
Tango. “Nakacredit lang kasi iyon sa company kaya naforfeit.”
“Wew.” Medyo napasip ako. “Ayoko pa rin. Baka gusto mo lang pumulupot kay Nath, e may fiancé na iyon.”
“nakilala mo na ba ang fiancé niya?”
Tango.
“Kelan pa?”
“Noong isang araw lang, bakit?”
“E mas nauna pa pala ko sayo e. At iyon nga ang dahilan kung bakit ako nafire sa company.”
“Ha? Bakit naman daw?”
“Hindi raw ako marunong maghandle kay Nath. Hindi ko raw siya dapat hinayaang mag-announce ng love interest in public.”
“Kung sabagay, nasa code of conduct iyon,” sabi ko. Mapa-showbiz o non-showbiz ang karelasyon ng isang sikat na public personality gaya ni Nath, hindi ito dapat dinidisclose. And advice pa nga ng mga head officers, kahit committed, dapat single ang isagot sa interview o sa status sa social networking sites. Syempre alam ko iyon dahil pareho lang naman kaming nasa writing industry.
Tango-tango. “Isa kasi iyon sa factors na nakakaapekto sa fame ng isang writer. Sumikat si Nath hindi lang naman sa galing niya, syempre kasama na roon ang pagiging cool, charming, handsome bachelor niya, at dagdag pa ang pagiging pinakbatang writer na nakapasok sa Nobel Awards.”
Naningkit ang mga mata ko. “Hmm, when you put it that way, para namang sinasabi mo na mas dependent sa age, look and demeanor niya ang kasikatan niya.” I eyed her suspisciously.
“Maybe. Hindi iyon mawawala sa appealing factors niya. Hindi lang naman puro utak ang ikinakasikat ng isang public personality, alam mo iyan,” she explained.
May punto siya kaya hinayaan ko siyang magpatuloy.
“Laging puno ng bouquets mula sa fans ni Nat hang buong welcome area ng office namin. Kaya nga nagpagawa ng flower rack ang CEO roon. But still, may sumusobra pa rin. Pero simula nung Commemmoration Party kung saan nagsalita siya tungkol sa lovelife niya, medyo bumawas ang mga naglalagay ng bulaklak roon. Kumaunti rin ang nagpapadala ng chocolates at iba pang gifts sa kanya.”
“So kaya ka nafire?”
Tango. Teary eyed pa siya.
“Ang OA naman pala ng boss mo. Para iyon lang.”
“Hindi lang naman kasi iyon. Bumaba rin ang sales ng libro niya dahil dun. At last time sa office, tumawag sakin ang movie production na magmomovie adaptation ng libro niya na pumasok sa Nobel Awards,”sabi ni Liz at nahalata ko ang pagkuyom ng kanyang palad, which made me curious enough to ask.
“Anong sabi?”
BINABASA MO ANG
My 500-Year-Old Boyfriend (M5YOB)
Vampire"May mga babae talaga na ayaw sa kagat." Blink.Blink. HUUUUUWWWWWAAAAATTT?!?!?! *Coming soon in Wattpad* Credits to ate @vNessaM for the new cover. Ang ganda. XOXO