Halfway up the stairs, lumingon ako para tingnan si Kol. Wala na lahat ng pinagkainan ko sa mesa. Papunta na siya sa wash area dala-dala ang mga iyon.
Ang cute niya lang! Ganoon pala ang itsura ng house husband? Bagay sa kanya. Kung ganyan kagwapo ang hubby ko, aba okay lang talaga na manatili siya sa bahay at ako ang magtatrabaho.
Bwisit! Dapat nagcoconcentrate ako kung paano ko siya mapapaalis dito, pero kawawa naman siya kapag nagkataon. Ano na lang ang mangyayari sa kanya kapag hinayaan ko siyang mag-isa at pakalat-kalat sa kalye? Mamaya agawan siya ng pagkain at matutulugan ng ibang taong kalye, pagkaisahan ng mga gangsters, mabaliw at mabundol ng isang rumaragasang sasakyan! Wow ha? Detalyado!
On the other hand, pag pinaalis ko siya, makakatipid kami ni Nath sa food budget at sanitary supplies, makakalayo ako sa kamay ng isang bloodsucker at magiging okay ang lahat na parang walang nangyari. Saka ang natutunan ko sa pag-aalaga ng domestic animals, kung mas maaga ko itong itataboy, hindi na ako maaattach.
Pero kung totoo ang sinabi niya na pagkakakulong sa madilim na basement na iyon for many years, marami siyang dapat matutunan. Kung hindi, tiyak na mapapahamak talaga siya.
O baka isa lang siyang bobito na hindi alam ang kalakaran sa mundo? Pero wala naman sa itsura niya.
Or maybe because the touch of his hand feels so similar...
Ugh! I have to put it behind me already. No matter how much I pine for Nathaniel, my love will never be returned.
All that I'm left with, is the feel of those hands..
Speaking of which..
"Ay tikbalang! Nath!? Bakit nandiyan ka?" gulat na tanong ko nang makita si Nath na nagtatago sa corner ng hagdan.
He suddenly stood straight. With matching kanda-untog-untog pa sa pagkataranta. "Hindi ah, I'm not eavesdropping!" He waved his hands many times wearing a flustered smile. Eavesdropping, really? Who said he is? "I'm just looking for something na nahulog ko kanina. Unfortunately, I couldn't find it," dire-diretsong paliwanag niya. "So maybe I just have to go back to my room," and with that, he scooted away, without me even saying a word.
o.O Anong problema niya?
"Anything wrong?" tanong ni Kol na nasa likod ko na pala.
I turned around to face him and glared. "Can't you really stop reading my mind?"
"But I just asked-" He kept on following me hanggang sa harap ng pintuan ng kwarto ko.
"Just leave me alone!!" I went inside my room and closed the door on his face.
Nakaligo na ako nang may kumatok sa pinto.
"Ano na naman ba?" bunganga ko agad pagbukas ng pinto na ang inaasahang nasa labas ay si Kol, but it turned up to be.. "Nath! Ikaw pala.."
"Mukhang kailangan niyo ngang mag-usap ng maayos. Pasensya na kayo kung istorbo ako kanina, and I'm sorry for eavesdropping." Umamin din.
"Ah iyon ba? Wala iyon, naasar lang talaga ako sa kanya."
"Shouldn't you be more pissed off of me?"
"It's nothing. Nasaan na nga pala siya? Umalis na ba?"
"Uyyyy hinahanap.." panunukso niya. "It's a good sign. Magkakaayos pa talaga kayo."
"Nath naman e.." Kung pwede lang, at kung kaya ko lang talagang sabihin, sinabi ko na sa kanya ang contents ng heart ko. Pero hindi. Lalo at may love na siyang iba.
"Sshh. Masaya ako para saiyo Nor, sa wakas nagkainteres ka rin sa relationship."
Kung alam niya lang..
But I guess I have nothing else to say. "T-Thanks, Nath.." Hindi naman kasi siya maniniwala if sasabihin ko.
"Okay, ibinigay ko sa kanya ang dating room ni Em. Mag-usap kayo, promise hindi na ako manggugulo.”
Puccah! So nandito pa pala siya? At mukhang tatagal pa ang staying period niya rito!
Hayy. " Sige, gagawin ko iyan, magbibihis muna ako," sabi ko at agad na isinara ang pinto bago pa man pumatak ang nag-uunahang luha sa mga mata ko.
I thought knowing he loves someone else is the most painful part of unrequited love, but it's not, kundi ang ipamigay niya pala ako.
Narinig ko ang mga yabag niya papalayo.
Nang marinig kong sumara ang pinto sa kabilang silid, pinunas ko ang aking mga luha.
Breath in. Breath out.
Lumabas ako ng kwarto at tumuloy sa harap ng kwarto ni Kol.
First time kong makikwarto sa isang bampira pero lalakasan ko ang loob ko. Kaya ko this!
BINABASA MO ANG
My 500-Year-Old Boyfriend (M5YOB)
Vampir"May mga babae talaga na ayaw sa kagat." Blink.Blink. HUUUUUWWWWWAAAAATTT?!?!?! *Coming soon in Wattpad* Credits to ate @vNessaM for the new cover. Ang ganda. XOXO