71-Medyo slow

8.2K 194 21
                                    

"What the hell?? Anong nangyari rito?" I groaned as I saw the disorderly situation of our unit. Grabe a! Ilang araw lang akong nawala tapos ganito na ang itsura nito. Watak-watak ang mga gamit sa living room, pati sa kusina, hanggang sa paakyat ng hagdan. Parang binagyo lang ang peg. Tss.

Maski ang tatlong hot na bampirang kasama ko ay nagulat sa nakitang kalagayan ng unit.

"They went here.." suspetsa ni Kol na tumitingin sa ilang bakas sa pinto st sa mga gamit na nakakalat sa sahig.

"What? Are they searching for me? Do they really want me dead?" dismayadong tanong ko. Hanggang dito ba naman hindi ako tatantanan ng malupit na kapalaran ko sa buhay? Am I really stuck in the chaotic world of supernaturals?

"That's for sure," was Klaus' snide comment.

"Salamat Klaus ha? Sobrang nakakatulong ang lahat ng sinasabi mo," sarcastic na sagot ko.

Ngumisi pa siya na parang kabayo. Aish! Wala talaga akong mahihita kay Klaus sa mga ganitong eksena. Tss.

Teka nga, bakit pinag-iinitan ko si Klaus e tumutulong na nga siya sa amin diba? Hindi nga lang kami sigurado. Personality niya pa lang kasi, doubtful na. Kumusta pa kaya ang actions diba?

"I'll check upstairs," sabi ni Kol na nakabawi sa attention ko.

"Oh, okay," tipid na sagot ko sa boyfriend ko. Shocks! Kailan pa ako nagkalakas ng loob na ipangalandakan iyon? Hinawakan ko ang laylayan ng black shirt ni Kol bago pa man siya makatuntong sa unang baitang ng hagdan.

He gave me a questioning look.

"J-Just be careful," I said through my wavering voice.

"I will," said Kol and he winked at me. Can you believe that? I don't even remember anymore kung kailan iyong huling beses na nilandi niya ako este linambing pala. Anyways, sobrang effective, pramis, multi-purpose pa. I feel better na tapos medyo nabawasan pa ang sobrang pag-iisip ko ng kung anu-ano at pag-aalala.

Iyon nga lang, the moment he went upstairs, the first thing I saw was Klaus' face plastered witha huge smirk. And I was pissed again.

Ito namang si Elijah napapailing na lang habang nag-iikot sa lugar at nagmamasid ss paligid. "They really went this far.."

Sa kanya na nga lang ako tatabi. Medyo scary din kasi kahit papaano na humiwalay. "What do you mean, Elijah?"

"Don't call me like that when-"

"Pero wala naman dito sina.." Wait, parang may mali rito e. Ang tahimik. Diba bumalik ako rito para kina.. "Nath!? Liz!?" I started roaming around to search for them. "Nath!? Liz!?" Oh my God! Sana mali ang kutob ko. "Nathaniel Castro!! Liz Maniquez!!"

"At last, you noticed," sabi ni empakto este ni Klaus pala na nakapagpatigil sa akin sa paghahanap. Kanina pa ang isang ito e. Sinasagad ba niya ako?

"ANO BANG ALAM MO? SABIHIN MO NA BAGO AKO UMIYAK! NAG-AALALA NA TALAGA AKO! NASAAN ANG MGA KAIBIGAN KO??" bulyaw ko.

In surprise, Kol went downstairs again announcing what I originally don't want to believe that is happening. "Nath and Liz were missing!!"

"There, he said it. I got this when we entered." Klaus gave me a ripped piece of paper with something scribbled on it.

"Akin na, kanina pa pala e!" impatient na sabi ko habang inagaw ang papel kay Klaus.

"Woah! Why so feisty?" OA na pagrereact naman agad nito at itinaas pa ang dalawang kamay na parang nagsusurrender.

"Easy Noreen.." sabi sa akin Elijah na may kasama pang pagtapik pa sa balikat ko.

"Tse! Isa ka pa. Pagsabihan mo kaya iyang pangalawang kapatid mo. Diba ikaw ang panganay?" pagtataray ko habang napapakamot na lang ng batok si Kol sa tabi ko.

"I doubt he can do that." Palagi talagang confident itong si Klaus. Sinalo niya ba lahat ng magsabog ang Diyos? Nasobrahan yata siya.

"Aba't!" Sasagutin ko pa sana si Klaus ng bigla akong kinabig ni Kol.

"Hey, why don't we just read the note, okay?" Kol suggested as he protectively wrapped his arm on my shoulders.

"Right! Good suggestion," madaling pagpayag ko. This is what I like about Kol. Simple lang siyang kausap.

Inilapag ko sa mesa sa living area ang papel para lahat kami ay makabasa.

"Friday the fifth, cold cotton corner." That's what is written. Crap! What does it even mean? Is it a riddle? Or a prose? Uwaaaahhh!!!!! I need help!!!! Baka ma-nosebleed ako nang wala sa oras!

"THIS IS A FUCKING TRAP!!" o.O Gets na agad nila??

My 500-Year-Old Boyfriend (M5YOB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon