9-Kol Madrigal

21.9K 436 53
                                    

"Paanong nawala iyon? Hmmm. Aha! Marunong ka ng Black Magic no? Huwag ka ng gumawa ng illusion. Ipakita mo na ang mga sugat mo para malaman ko kung ano ang dapat gawin saiyo."

"I understand that you are eager to know something you cannot understand. However, it would be unfit for me to grow roots." That attitude. Tss. Kaya ayaw ko siyang pakawalan sa pagkakatali sa dingding e. Pero nakakaawa siya. Tsaka sayang ang kagwapuhan niya kung tatanda siyang nakatali sa dingding. Swerte ng dingding a.

Yummy talaga siya. Kanina katawan lang napansin ko, pero may face value rin pala siya. Brown locks that match his brown eyes. Aristocratic nose. Wet rosy lips na medyo nakaawang pa. Parang ang sarap... Ahem. Mukhang lumiliko na naman ang isip ko.

"I can't believe you were fantacizing about me again, rather than showing some mercy. You could be a sadist," sabi niya habang malalim ang pakatitig sa akin.

Nag-init ang mukha ko sa sinabi niya. "Sige na nga, pakakawalan na kita. Bakit ba kasi kayo nag-aaway ng kapatid mo ha?" tanong ko while doing my best to untie the knot on his left wrist.

Hindi siya umimik.

"Hello! Earth to you.."

"Kol, Kol Madrigal," he supplied.

"Glad to know you Kol. My name's Noreen Sandoval." Ngumiti ako at humawak sa kaliwang kamay niya na kakalaya pa lang sa mga lubid. "Kala ko nahimatay ka na kasi hindi ka na nagsasalita."

"I'd rather you die so there would be some silence." Ano raw? Sama nito a.

"Ah ganun, tingnan natin kung sino ang matutuluyan sating dalawa." Ibinalik ko sa pakakatali ang kaliwang kamay niya at bigla siyang napasigaw.

"You will pay for your impudent manners!"

"Whatever loser!" Inirapan ko pa siya.

Umupo ako sa isang old furniture at pinagmasdan ang mabilis na paghina ng mga angal niya hanggang sa.. "Set.. me free, I beg of you.."

Siya ba talaga iyon? Kanina lang ay gusto niya akong matuluyan pero kung magtagal ito ay nasisiguro ko na siya ang mauuna. Hindi ko alam kung ano ang meron sa tali para mabilis siyang panghinaan ng katawan.

"Sabihin mo muna sa akin kung bakit kayo nag-aaway ng kapatid mo."

"I..attempted to get..the dagger..from him."

"Sus, isip bata naman pala kayo e. Maraming dagger sa mundo no? Tsaka huwag ka ngang English nang English, kanina ka pa e. Naiintindihan mo naman ako, so I'm sure you know how to speak Filipino."

Silence.

And then he spoke.

"Namumukod-tangi ang dagger na iyon." Duh? May gumagamit pa pala ng salitang namumukod-tangi sa conversation sa ganitong panahon? Samantalang naglipana na ang mga jejemon, harharmon, bekemon at kung anu-ano pang pakulo ng 21st century youth.

Hanep! Mas mahirap pala. "Sige, mag-English ka na lang ulit." Para kasing mas mano-nosebleed pa ako sa complete Filipino sentences niya.

"So as I was saying, that dagger was one of a kind."

"Bakit? Mahiwagang dagger ba iyon galing sa bulsa ni Doraemon?" I asked while untying his wrists and unchaining his feet. Napansin ko ang mga dahon na nakatali sa kadena. "Ano ba ito? Bakit ang daming dahon na nakapulupot sa pagkakakadena saiyo? Para kang kabayo na may kargo ng dayami sa likod."

"Tss." Tingnan mo ito. Ang dami kong tanong tapos iyon lang ang sagot.

Nang tanggalin ko ang mga dahon na nakatali sa likod niya, kitang-kita ko ang malalalim na sugat niya. Medyo nangiwi nga ako e. "Dyan ka lang a." Tumayo ako agad at naghanap ng tela o anumang pwedeng ipantakip sa sugat. Nakita ko naman ang damit niya na nakasabit sa isang old furniture.

Pero ng balikan ko ang likod niya..

..wala na siya!!

Omooooo!!! Saan siya nagpunta?? Ni hindi ko narinig ang mga yabang niya palabas.

Okay, that was weird, pero considering the fact na marami akong nainom, siguro nga ay kailangan ko ng umuwi.

Paakyat na ako ng hagdan nang biglang may humila sa likod ko. "Ay manyak ka!" Nagpapalag ako but to no avail. Strong arms held my waist firmly as if I am caged by some iron or steel.

When I tilted my head, I saw the man I just helped to be free. His eyes are crimson red and he got...fangs!? Oh no! What have I gotten into?

"What do you think?"

B-bampira..? Pero hindi, matagal ng tapos ang halloween. "Bakit ka ba nananakot ng ganyan? Matapos kitang tulungan.." Don't I deserve a thank you? Pero hindi siya natinag. "Huwag ka namang manakot.."

"The problem is I want to. And I'm not making it up."

"What do you mean?" Hala! Drug addict ba to? Baka patayin niya ako.

"I'm worse than a drug addict."

"Baliw?"

"Nope. I'm someone who sucks life from you."

"A p-parasite?"

"Nice try, but no. So just shut up coz your time has come!" Ano raw? Anong kalokohan ba ang pinagsasasabi niya? "But you're even lucky to be with me tonight." And he hugged me. I felt his lips pressed on my neck and it stung.

Just then, I saw a man, that same man who left a while ago-Klaus. I saw him holding a.. dagger? Wait, that was familiar. Ito ba ang dagger na tinutukoy ni Kol?

Geez! It is not what I am supposed to do. I SHOULD worry about MY situation!

Seconds was all needed before the man who was hugging me from behind was thrown away and when I looked at him, he is stabbed by the dagger in his chest.

"I thought you want that," sabi ni Klaus.

"Bastard,"Kol said as he is weakening again.

"Are you okay?" Klaus asked me.

"Y-Yes.." I trembled. Ano ba? Bakit ngayon pa ako dinatnan ng takot?

Masyado siyang lumapit sa akin. Those honey eyes!! Teka, ito iyong walanghiyang sumalubong sa akin kahapon a! "I-Ikaw iyong kumuha ng dugo ko!!"

Klaus smirked. "I wonder how you remembered."

"Klaus," Kol struggled with a hoarse voice.

Klaus ignored him and looked at my neck. "Ah, because of that," he nodded and licked his lips.

"Hmp! Saang foundation mo ibinigay ang dugo ko ha?" I bursted as I covered my fresh wound.

He smirked, gazed at the poor sullen man in the corner, but didn't say anything.

"Sige, kung ayaw mong sagutin iyon, sabihin mo na lang kung ano ang nangyayari rito," pagsa-suggest ko.

"Even if I tell you, I doubt that you'll be able to understand." Then he vanished again.

My 500-Year-Old Boyfriend (M5YOB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon