55-The incident

11.2K 197 38
                                    

And as promised, here is the reserved chapter for you. Pasensya na kung hindi kita napagbibigyan nung mga last na update. Medyo marami kasing naunang magpadedic hehe. Sorry po.

"Hey! What are you talking about? We were supposed to go home tomorrow, but.." I trailed. What was my reason again? Oh yeah, naalala ko na. "I insisted to return now so I'll be able to get my ATM card to claim my monthly indigency allowance, because I remembered your catsup!!" I stomped my foot.

"R-Really??" Liz suddenly made a face that resembles a million-dollar look. "Really? Really?" Itong si Liz niyuyugyog na ako nang paulit-ulit na parang sinapian kaya pinigilan ko siya.

"Oo Liz, oo na, isang galon ang bibilhin ko. Happy na?"

"Yey!!!!!" Mag-aappear sana siya kay Nath pero nakacross arms ito.

"Now who's possessed with a wild animal?" Nath asked.

"Why..you..!!!" Ayun! Pumutok na naman ang butse ni Liz at na-ignore na naman ang presence namin ni Kol at Elijah as they continued brawling.

I see, walang nagbago rito.

Makalipas ang ilang saglit, nasa harap na ako ng pinakamalapit na ATM sa unit namin. I was about to put my indigency card into it nang biglang may magkagulo sa centro kaya iniligpit ko ulit iyon. Mahirap nang masalisihan ano! Iyan pa naman ang madalas na modus operandi, kung kailan may nagkakagulo, may mga nananamantala.

Ano kaya iyong magulo?

Ugh! My chest hurts!

"Noreen!!" biglang sigaw ng isang tinig.

"Kol??" I smiled kahit medyo nanghihina ako. "Nagiging habit mo na ang pagsunod-sunod sa akin a?" I teased him.

"It's for your safety. I told you I'll protect you, that's why I-"

I cut him off. "Shh," I placed a finger on his mouth. "I know, thank you."

What surprised me is when he kissed my finger before smiling and asking, "Feeling better?" Kinky. Ano bang nangyayari sa kanya? Bakit niya ginagawa iyon? Kanina sa harap nila Nath, Liz at Elijah. Tapos ngayon, sa public place. What's wrong with him?

"Yes," I answered kahit medyo may kaunti pang kirot.

He sighed. "Mabuti naman.."

Teka, Filipino iyon a! At maikli iyon hindi gaya ng makalumang istilo. "Kailan ka pa-!"

"Your friends taught me while you're away. I figured you'd be pleased, plus I want to be better than Elijah.." He sound a little..jealous? Dahil ba roon sa isang week na magkasama kami ni Elijah?

Napatango na lang ako in amusement. "Great!" May ginawa rin palang matino ang dalawang iyon habang wala ako. "You don't have to compete with Elijah though. Wala naman kasi siyang laban sayo kasi ikaw ang gusto ko." I pinched his cheek.

He then genuinely smiled, like all his worries flew away. Everyone needs a little reassurance from time to time, I see. "Kunin mo na," he pointed to the machine, "para makauwi na tayo at makapagpahinga ka."

Napailing ako at napalingon sa nagkakagulo. Maraming tao ang nagkukumpulan sa isang familiar spot.

"Can we go there?" I asked him. Alam ko na kung bakit pamilyar sa akin ang lugar. Doon kasi kami nag-Pen Festival para sa mga authors, editors at kung sinu-sino pang involved at interesado sa writing industry.

"Are you sure you're okay?" paniniguro niya muna.

"Yeah," I said with a nod.

"Let's go then."

Ang dami talaga ng tao, tapos siksikan pa. Takte! Kailangan ko ng heels, mga twenty inches! Kung meron. Meron bang ganoon? Ang tatangkad kasi ng mga tao rito kaya tuloy hindi ko makita kung ano ang pinagkakaguluhan nila, but I can smell blood. Buti pa si Kol. Haish.

"Don't blame your lack of height to others." Kol gave a grin.

Tch. Kababalik ko pa nga lang, nang-aasar na ang isang ito. Pero nakaka-curious talaga kung ano ang pinagtitinginan ng mga tao. "Nakikita mo ba?"

"Yeah. It's an old lady."

"Huh?" May kilala ba akong matanda sa lugar na ito? Para kasing meron at kinakabahan ako.

Buti na lang dumating na ang mga pulis at ang ambulansya kaya medyo na-distract ako. Pinatabi ng mga bagong dating ang mga tao kaya nakita ko kung ano ang tinutukoy ni Kol.

Hindi maaari...

My 500-Year-Old Boyfriend (M5YOB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon