3-Kiligarium

33.6K 495 68
                                    

Dedicated to @vNessaM

Thanks for the new book cover. I love it so much. May ilang readers ang pumuri doon dahil transparent daw ang love ng ating mga bida for each other. ^_~

Alog. Alog.

"Noreen, gising na.."

Alog. Alog.

"H-ha?" Unti-unti kong iminulat at kinuskos ang mga mata ko. "Oh Nath?"

"Noreen, hindi ka dapat natutulog dito sa labas. Baka magkasipon ka," he said, concern written on his face.

"Ako nakatulog? Dito sa public bench?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Uh-huh. Salamat na lang at walang nagtangkang mambastos saiyo. Saan ka ba galing?" tanong niya.

"Hindi ko matandaan. Umuwi na tayo," aya ko sa kanya.

"Tss. I told you not to get drunk if you can't handle."

"I'm not drunk!" Maaga naman akong tumigil diba?

"Okay then, if you're not drunk, then where did you came from?"

"I just told you!" Pero poop! Bakit nga ba wala akong maalala? Ang weird naman.

"Get on my back. I'll carry you home." Kung tutuosin pwede, hindi lang dahil malapit lang naman ang unit namin, kundi dahil gusto ko rin. Insert blush sa cheeks.

Pero dyahe. "No!" Nakakahiya kaya dre.

Pero bigla niya akong hinila at nagbend na siya para pasakayin ako sa likod niya. "Come on, it's getting late. I got much trouble looking for you so now is not the time to be picky."

Darker shade ng blush. "O-okay. Sorry for being a bother," I sighed as I rode his back, then he stood and held my legs for support.

"Uhoo uhoo!" Tss. Pasikat namang uubo-ubo ito, panira ng moment. Sino ba ito? "Masamang pangitain ineng!"

Pisti! Muntik pa kong maihulog ni Nath sa sobrang pagkabigla.

"Ineng..."

Nakita ko na naman itong matandang ale na ito. At gaya ng dati, hinawakan niya na naman ang mga kamay ko. Her voice was as serious as a death threat, ang her face shivering with fear.

Pero kanina pa iyon e.

"Ulit-ulit lang po lola? Tapos bibitinin niyo ako? Sabihin niyo kaya kung anong masama ang mangyayari? Baka maniwala pa ako sa inyo," halos hindi humihingang sabi ko.

"Huh!" May tiningnan siya sa braso ko at hinila pa ito na parang iniexamine nang mabuti.

"Lola, ano ba? Nasasaktan po ako." Pambihira kasi, ang tanda na pero ang higpit makahawak ah. Parang vice scrip.

"Tss. Noreen, tara na nga," si Nath naman ang humila sa akin.

"Huh! Totoo nga! Naganap na!"

Just then, my eyes lit up. "Ang alin? Sabihin niyo? Nanalo na ba ako sa lotto? Aray! Ano ba?" Batukan ba naman kasi ako ni Nath.

"Paano ka mananalo e hindi ka naman tumataya?" sabi ni Nath.

"Kahit na, ang sakit kaya!" angal ko.

"Uhoo uhoo!" Eto na naman si lola.

"Ano po??" sabay naming tanong ni Nath at napalingon kay lola na medyo nakalimutan namin ang presence for a while.

"Mag-iingat ka hija, huwag kang magpapayakap sa dilim."

Ano raw? Tama bang narinig namin? =_= Ganyan ang reaksyon namin ni Nath. Pervert si lola??

"Ah eh ang ibig kong sabihin.."

"Tama na nga iyan Noreen. Lola, pasensya na po kayo pero virgin pa po itong kaibigan ko. Wala pang nakakayakap dyan kahit ako." Tapos hinila na ako ni Nath paalis.

"Ha? Naku mga kabataan talaga ngayon!" We just heard the old woman say in frustration as we walked ahead.

"Hay naku, mga rakitera talaga ngayon iba ang trip," narinig kong sabi ni Nath habang nagmamadali kami sa paglalakad.

"Naku sinabi mo pa, e kanina pa iyon nantitrip sakin e," sabi ko naman at huminga ng malalim.

"Nonsense ang ganoon. Papansin ba. Ang mabuti pa magpahinga agad tayo pagkauwi natin. May activity pa tayo bukas."

"Tss, ikaw lang naman."

"Syempre dapat nandoon ka," he gave a smile that made my heart flutter. Weh? Memorize niya na ba na mahirap para sa akin na tanggihan ang ngiting iyan?

Maka-change strategy nga. "Oh yeah? Dapat talaga? Kailan pa naging required ang presence ko sa event mo?"

Napaismid siya. "Akala ko habit mo na iyon simula noong pinakaunang event ko?"

Ay oo nga, gawain ko nga iyon. Gusto ko, kung nasaan siya, naroon din ako. "Haha oo na." At nakipag-fistbump pa ako.

Pagdating namin sa unit, tinawagan ko agad si Jazmine. Dumadagundong na "Jaz!!!" ang pambungad ko.

"Aray naman Nor! Dahan-dahanin mo naman best ang eardrums ko. Paano ko pa maririnig ang instructions ni direk kung wala na akong tenga?"

"Awsuuu. Eh bakit kapag fans mo naman hindi ka nagrereklamo sa mga tili nila? Nagtatampo na ako best ha.." Pakampay-kampay pa ang paa ko habang nakatihaya ako sa kama at pinapaikot-ikot sa daliri ang phone wire.

"Ay, wag ka ng magtampo best. Kasama kasi iyon sa trabaho ko e." Ito kasing si Jaz, isa siyang popular actress, kaya intindido ko naman. Schoolmate namin siya ni Nath noong college and we are very good friends since then. "Tsaka hindi naman sila tumatawag sa ganito kaalanganing oras."

"Eh kasi naman hindi nila alam ang personal number mo. Number kaya ng manager mo ang nasa ads mo."

"Still, ikaw pa rin ang nag-iisang nagsisisigaw sa akin sa telepono palagi."

"Oo na, oo na. Ako na ang talo. Pasalamat ka, masaya ako ngayon."

"May bago ba roon? Lagi ka namang masaya since nakasama mo si Nath sa iisang unit diba? Ayii!!" Siya naman ngayon ang nagtititili. Enebeyen.

"Ay basta, quarter pounder ang saya ko ngayon."

"In fairness masarap iyon ah, pero sabihin mo na nga kung bakit. Pabitin pa ito e, ang daming intro."

"Pinasan niya ako sa likod pauwi!!"

"Wow ha? Achievement iyan! Sige, pagsigawan mo pa para marinig nya. Kung tama ang pakakaalala ko sa unit niyo, magkatabi lang ang kwarto niyo."

"E nasa baba siya at naliligo kasi ang init-init ng panahon ngayon."

"Ah kaya naman pala bwelo ka dyan, haha, o sige na, may trabaho pa ako."

"Night shooting?"

"Oo e, kitakits na lang sa awarding ceremony bukas para kay Nath?"

"Okay, sige ha? Ingat ka, babye na."

May narinig akong kumausap sa kanya sa background. Patay! Napahamak pa yata siya sa manager niya dahil sa akin.

"Best?"

tut tut tut

Grabe! Hindi na siya nakapagpaalam ng maayos. Pero salamat pa rin at nailabas ko ang gusto kong sabihin. Nawala na iyong feeling ko na para akong bloated na lobo na kaunti na lang magseself-destruct na.

Hayy. Now off to sleep some more.

My 500-Year-Old Boyfriend (M5YOB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon