"Some of it were erased during a particular festival. But I suppose you can remember it clearly now."
Ha? Oo nga pero... "Iyong dagger.. Kaya pala pamilyar sa akin. May gumamit noon para sugatan ako. At gumamit ang taong iyon ng reagent bottle para sa dugo ko. Naaalala ko na ang lahat. Pero paano?"
"That's thanks to the blood I feed you. Do you remember anything else?"
Tumango ako. "Si Klaus. Ang lalakeng nanakit sa akin sa Pen Festival at ang kapatid mo ay iisa!"
"My assumptions serve me right. Now I see why Klaus called me ungrateful." Ang daming sinasabi nitong si Kol, hindi ko maintindihan. “But I have to tell you though, there is something in your memory that I can’t see through you.”
Baka magka-mindgrain pa ko. Ay mali, migraine pala yun sabi ni doc.
Lesson #1: Kung ayaw makrungkrung, huwag makipag-usap sa bampira.
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
Tunog ng kubyertos lang ang naririnig bago ako magsalita. "Bakit kailangan mo pang gawin ito para lang makasama ako?"
"You are not aware?" tanong niya na parang hindi makapaniwala.
"Hindi." Bakit niya kasi iniimpose ang sarili niya na tumira rito? E sa dami ng librong nabasa ko at pelikulang napanood ko tungkol sa bampira, mayayaman sila.
"I wonder why." Oo nga pala. Pinagbawalan ko siyang mambasa ng isip ng iba kaya siguradong yung sinabi niya ay para sa sagot ko kanina. Kung ganoon..
"Puccah! Iyan ang itinatanong ko!"
"Puccah?" clueless na tanong niya. Hanep naman, hindi niya pa yata kilala ang favorite character ko.
"Expression ko iyon. Imbes na magmura, Puccah na lang."
"I see.. Puccah sounds like a Chinese word."
Nyii! Seriously? Hindi niya talaga alam?
"What?" he inquired again.
"Malamang dahil intsik talaga si Puccah; cute Chinese cartoon character sa TV."
"TV?"
"Pinaikling tawag sa television."
"Hmm, so there are a lot of changes here." Nangalumbaba siya sa mesa.
Ayan na naman. Ang weird niya.
"Alam mo, tama na." Ibinaba ko ang kutsara sa plato ko. "Kung madali akong maloko, edi sana kanina pa ko naniwala sayo."
"No bluff, I could testify." He had his two hands up in front, shoulder level. He even wore a serious facial expression upon saying those words.
"You see, I'm a writer. I knew better in weaving stories."
"I'm not into fiction." He looked at my plate as if checking if I'm done eating. "It's not a lie when I bit you." Now I know why he checked on it.
I dunno pero involuntary na nag-init ang pisngi ko dahil sa sinabi niya.
"Kinagat? Saan?" Laking-gulat ko nang makitang nakaupo sa couch si Nath na pinanggalingan ng mga tanong na iyon.
Lalo tuloy nag-init ang pisngi ko. Puccah talaga o!
"Ah Nath, wala ito, huwag mo kaming pansinin, kanina ka pa ba dyan?"
"Kani-kanina lang. Galing kasi ako sa publishing office. Pinapakinggan ko lang ang argument niyo."
"Pinapakinggan mo kami!?"
"Uh-huh, malay ko ba kung may makuha akong idea para sa new project ko."
I heard Kol snicker, but when I looked at him, mukha namang seryoso ang itsura niya. Hoo! Patay malisya pa!
I gave him the deadliest glare I could come up with.
Say something! Ngayon niya dapat basahin ang utak ko at dapat sumunod siya.
But he never did.
Alam niya bang nandito si Nath kanina pa? Kaya ba ang labo ng sagot niya sa mga tanong ko?
Lumapit si Nath kay Kol, leaning on the latter's chair, saying, "Tip ko lang saiyo tol, may mga babae talaga na ayaw sa kagat." He smirked and tapped Kol's shoulder before going up the stairs.
Blink. Blink.
HUUUWWWAAAAATTTTT!!!??? Namisunderstood pa yata kami.
At tumawa pa si Kol. Puccah talaga!
Napatayo ako sa sobrang panggigigil. "Hoy ikaw lalake! Anong pinagsasasabi mo sa bestfriend ko nung inihatid mo ko rito?"
"I wonder what," painosenteng tanong niya.
"Aaaaahhhhhhh!!!!! Halika rito!! Nakakabadtrip ka!!" Inalog-alog ko siya hanggang magsawa ako. "Kanina mo pa ba alam na nakikinig siya satin?"
"Could be," he snickered, but this time I caught it.
"Puccah! Kaya pala ang labo ng mga sinabi mo. Nagmukha tuloy akong tanga." Kainis! Pero nangyari na.
"Are you done?"
"Alin? Eto?" senyas ko sa pagkakahawak ko sa magkabilang braso niya na lalo ko pang hinigpitan. "O iyong nasa mesa?"
"The latter," he clarified.
"Kanina pa!" irap ko and I squeezed his arms one last time before walking towards the stairs. "Kung bakit kasi hindi ka na lang sumama sa kapatid mo," I muttered.
"And what? Be trapped again for another century?" Aba'y narinig pa pala ako?
Hmph!
"Oo na, olats na ako, wala na kong masabi,"I surrendered with ampalaya taste.
Nakakagigil talaga siya! O Diyos ko! Bakit sa dinami-dami ng bampirang gwapo, siya pa ang nakilala ko!?
BINABASA MO ANG
My 500-Year-Old Boyfriend (M5YOB)
Vampire"May mga babae talaga na ayaw sa kagat." Blink.Blink. HUUUUUWWWWWAAAAATTT?!?!?! *Coming soon in Wattpad* Credits to ate @vNessaM for the new cover. Ang ganda. XOXO