Mabuti na lang talaga dahil maraming tao sa library ngayon. And so, walang pake-han ang kahit sino.
Medyo nag-scrunch up ang mukha ng librarian pero hindi naman kami pinalabas. Katunayan ay humingi pa ng autograph ang ginang kay Nath.
May ilang tumingin sa amin pero nawala rin ang atensyon matapos ang ilang saglit. Iyong iba naman, they continued watching. Natural, nandiyan si Nath e. Sino bang makakaget-over agad sa award-winning looks este books niya?
"Nor, akala ko natulog ka ulit?" Nath asked. Lumapit siya sa akin at bumulong. "Nagkausap na ba kayo ni Kol?"
Tumango lang ako. "Sana nga natulog na lang ako." I smirked at his company. "Pero I'm glad to see Liz. Magaling iyang magpatulog," pasaring ko kay palaka. Hindi niya pa naman siguro nakakalimutan iyong ginawa niya sakin sa party no?
Kumunot ang noo ni Liz at napansin iyon ni Nath who stood up and came near me.
"Gusto mo bang ihatid na kita pauwi?" alok nito sa akin. Kinakampihan niya ba si Liz?
Pero minabuti kong baliwalain ang isiping iyon. Wala naman kasing maidudulot na maganda kung raramdamin ko. "O talaga? Ihahatid mo ako? Paano si Liz?" Nginusuan ko ang babae.
"Pwede namang maghintay iyong discussion natin Liz diba? Babalik lang ako."
Ano naman kaya ang ididiscuss nila? Magpopropose na ba si Liz? Tsk. Hindi nga? E sa tagal naming magkaaway, wala pa sa aming dalawa ang nagkalakas ng loob na umamin kay Nath. Kahit obvious naman. Kaya walang pinapatunguhan e.
Pero parang seryoso si Liz ngayon. Bakit kaya? Dahil kaya sa mga nagpepresume kung sino ang babaeng gusto ni Nath? Ikakasira niya kaya iyon? Pero baka nga lalo pang maging dahilan iyon para dumami ang fans niya.
Sa pagkakaalam ko kasi, malabong may ikasira itong si Nath. Kahit siguro sabihin niya pa sa press na gangster siya, his fans would not budge. At imposible rin na magkatotoo ang press release example na iyon dahil kilala ko siya mula pagkabata. Takot siya sa mga barumbado. Imposible naman na gay siya. Pa-charming lang iyan pero hindi iyan badin ano! Hindi ba at umamin na siya sa media na may gusto na siya. Teka, hindi niya nabanggit kung babae iyon o lalake. Hindi kaya..?
"Nor, tara na," aya ni Nath na naglalakad na palabas ng library.
"Susunod ako. Namiss ko lang kasi itong si Liz." I grinned.
"Sige, kukunin ko muna sa parking lot iyong sasakyan," paalam niya.
Nakita kong nagkuyom ng palad si Liz nang wala na si Nath.
"Belat!" Kasabay ng pagsabi ko noon ay kinompyang ko pa siya sa magkabilang sentido before I stuck out my middle finger.
"Ang dugyot mo talaga! Alis na nga!" iritadong sabi niya.
"Oops! Be kind. Ayaw mo naman sigurong sabihin ko sa kanya kung anong ginawa mo sa akin sa party diba?"
"I'm sorry.." sabi niya. Tama bang pakadinig ko? Nagsosori siya? But the Liz I knew was... Well, baka niloloko niya lang ako. That's her nature.
"Paghintayin na lang kaya kita rito ng matagal?" Bitch mode ako? Oo e. Lalo kapag kaharap ko itong babaeng ito.
"What are you..!? Fine, just go." Hindi man lang lumaban? Bago iyon a. May kakaiba nga sa kanya ngayon. Tss. Tae. Bawas thrill tuloy.
Pero bakit ako magkakainteres doon? Wala dapat akong pake sa kahit ano pang problema niya. Kahit tungkol iyon sa pagsakop ng mga alien sa mundo. Malabong mangyari ang bagay na iyon gaya ng mga aswang at.. teka, totoo si Kol diba? Paano kung totoo ngang may alien? Lagot!
Ano bang iniisip ko? Nagmamind travel na naman ako e. Sabi nga diba, "Act in the living present."
"Huy Nor, nakuha ko na iyong kotse sa porter. Uuwi na ba tayo o ano?" si Nath.
"A syempre naman. Sori Liz a, nainterrupt ko ang tryst niyo," I gave her a smile. Sabi nga nila, smile is the most effective tool to aprise the anger of your enemy. Parang diplomacy iyan e. Sabi ng isang Political Science college instructor ko noon, "One smile is equivalent with the words ‘Go to hell!’ in a nice manner done.”
O ano? May natutunan kayo? Gamitin niyo minsan.
Nang nasa kotse na kami ni Nathaniel..
"What was that all about, Noreen?"
"Wala, binati ko lang siya," painosenteng sagot ko. "Kayo nga iyang mukhang may seryosong topic kanina."
Tumango siya. "We're talking about how my relationship status might affect my career." So Liz is not the one. Then who? Dumadami yata ang hindi ko alam tungkol sa sarili kong guy bestfriend. Perstaym ito dude na naglihim siya sa akin ng ganyan. Perstaym. And he’s been good at it.
Aray! Iyon na naman. Bakit ba kasi naging bestfriends pa kami kung ganitong may lihiman rin lang naman palang mangyayari? Tapos heto pa at may pinag-uusapan sila ni bruha na mukhang highly sensitive. Si Nath talaga o. "Pwedeng pause muna ako sa mga ganyang topic Nath?"
"Bakit naman?" he said as he stopped because of a red light.
Nakalimutan niya na ba ang ginawa niyang announcement na kahit ako na bestfriend niya ay walang kaalam-alam? "Wala, ayaw ko lang pag-usapan. Hindi ako makarelate e," palusot ko.
"A, nandiyan naman si Kol a," aniya. Why is he so insensitive? I need to get out of this car. Immediately.
Timing naman na may bigla akong naalala. "Ay, parang may nakalimutan yata akong gawin, Nath. Ibaba mo ako." Diba kasi dapat nagreresearch ako tungkol kay Kol?
"Ha? Pero hindi pa nga tayo nakakalayo. Akala ko ba inaantok ka?"
Huwag ka na kasing kumontra. "Kanina iyon. Sige na, bumalik ka na ulit kay Liz."
"Aysus, kahit paano mo pigilan, mamimiss mo pa rin iyon." Si Kol na naman ba?
Bwisit! "Ano na naman bang sinasabi mo?" Wala na siyang ibang ginawa simula noong dumating sa unit namin si Kol kundi ipagtulakan ako roon.
"Yiii. Kunyare pang pikon." Minsan talaga ang dense nito.
"Hindi a."
"So ano? Pikon ka nga sa akin?" tanong niya.
"Hindi sa ganun." Wala ba siyang clue na nasasaktan ako sa pinagsasasabi niya? Napakasadista naman.
"Kilala kita Noreen, huwag ka ng magdeny. Mukha namang mabait iyong tao. Why the pretense?" Badtrip! Bakit ganoon lagi ang nasa isip niya?
Binuksan ko ang car door sa gilid ko at kaagad na bumaba.
"Nor! Wait! Sige na, hindi na kita kukulitin tungkol sa kanya!" Marami pa siyang sinabi pero nagbingi-bingian ako.
Buti na lang nakastop pa ang mga sasakyan kaya malaya akong nakatakbo papunta sa malapit na stall.
Teka, dito kami naghold noon ng Pen Festival. Tama, dito nagsimula ang lahat ng kamalasan ko.
Bang!
Aruykopo!
“Ineng..”
BINABASA MO ANG
My 500-Year-Old Boyfriend (M5YOB)
Vampire"May mga babae talaga na ayaw sa kagat." Blink.Blink. HUUUUUWWWWWAAAAATTT?!?!?! *Coming soon in Wattpad* Credits to ate @vNessaM for the new cover. Ang ganda. XOXO