4-Why did you give her the same?

27K 474 33
                                    

A/N: The female protagonist, Noreen Sandoval

Back to the story...

"Huwag kang masyadong magpaganda, baka bumagay na tayo niyan." I saw Nath through the mirror. He's having a toothy smile while standing behind me.

You have no idea...

"Ikaw lang naman ang nagsabi," bawi ko sa kanya. I unexpectedly combed my hair in a wrong angle so I have to fix it again. "Tss. Magulo na tuloy, ikaw kasi."

"Sige na, ako na ang may kasalanan," he surrendered. "Then, let me fix that." He came really near and got the comb from my grip.

"Huwag, kaya ko naman," pagmamatigas ko pa rin.

"Ako na," he insisted and all the resistance I had melted at the first brush of his palm on my head.

"Sige na nga, kulit mo e." That was all I could manage to say just to break the awkwardness of silence.

All I could feel are his cold hands fixing my hair...

"Ikaw e, aayaw-ayaw pa. Bakit? Nahihiya ka sa kagwapuhan ko?" he joked.

"It's either may hydrocephalus ka o ipinaglihi ka sa electric fan, mamili ka," banat ko naman.

"C. None of the above," tatawa-tawa pang sagot niya. "Nagtataka lang ako. Bakit sa dami ng mga bebechix, ikaw pa ang hindi maka-appreciate sa gwapong mukha kong ito?"

If only you know...

"Boom panes ka kasi. Ang alam ko, iyong book mo ang may award at hindi naman iyang mukha mo." Tongue out.

"Pasalamat ka na ang award-winning writer na ito ay bestfriend mo." Bestfriend. End of story. "Masakit sa pride ang sinabi mo," kunwaring paghihinanakit niya pero mas nagmukhang pagpapa-cute dahil sa nakikita kong pag-pout ng reflection niya sa mirror.

"Sarreh," sabi ko.

"O iyan, tapos na." He returned the comb. "Parang may kulang.”

"Ha?" I inquired with such suspicion. Hmf, baka pipilitin niya na naman akong sabihing gwapo siya. Ano ba?

"I want you to wear this," he said after reaching for a piece of jewelry from his pocket.

"Teka, ang mahal yata nito, baka naubos ang kita mo," sabi ko with my saucer-like eyes, but he shook his head.

"Wala pa iyan sa kinita ko no!" he smirked but then he grew serious. "Pinag-ipunan ko talaga iyan para sayo, best."

Haish. Perfect moment na sana, nasira pa dahil sa huling salitang sinabi niya. Kunsabagay, sino ba ako sa buhay niya? Hindi ba at iyon naman talaga ang papel ko? Mula bata pa kaming best buddies, hanggang sa lumaki kami, pumasok sa parehong school, department, kurso at propesyon.

"Best, ayos ka lang?"

Tumango agad ako. "Bakit naman hindi? Natouch lang ako sa sinabi mo," palusot ko.

"So, can I put it on you now?" he asked.

"Sure!" excited na sagot ko.

Parang Titanic lang ang moment. Iyong binigyan ni Jack ng blue necklace si Rose? Nagkataon pang asul din ang pendant nito. Haaaaayyy, ang sarap mag-daydream. Kung propesyon siguro iyon, mayamang-mayaman na ako.

Pero tae, timing na pagkatapos niyang maisuot sa akin ang kwintas ay biglang bumukas ang pinto at sumulpot ang magkapatid na Maniquez: ang editor niyang si Ruffel at ang manager niyang si Liz.

"Nath, kanina ka pa hinihintay ng guests," ani Ruffel.

"Malapit ka na ring magbigay ng speech mo kaya bumaba ka na," si Liz, hinihila na si Nath palabas, literally.

"Okay, but wait, I want to give you something," sabi ng bff ko na nakapagpatigil sa babae. "This," at bago pa makapagreklamo ang babae ay isinuot na sa kanya ni Nath iyon.

Kwintas!!

"Excuse me, mauna na ako," sabi ko at agad na isinuot ang stilettos saka lumabas. Hindi ko na hinintay ang anumang sasabihin nila.

Once I'm in the hotel's party hall, I held the pendant of the necklace he gave me.

He gave her a necklace too. How could he?? And why the bitch, of all people??

"Wine po?" a waiter approached me and I grabbed one from his tray. How convenient! Grabe na ang sin tax, kaya dapat samantalahin ito. Lol.

Maraming tao ang dumalo. Marami pang dumarating. Siguradong masayang-masaya si Nath sa kinatakbuhan ng bago niyang book, at maraming makaka-witness sa pagtanggap niya sa award. Ako rin naman, masaya para sa kanya. Nagtry din akong mag-submit ng entry sa sinalihan niyang book event, pero isa lang syempre ang pinili, at siya iyon. Syempre gusto ko rin sana, pero ganoon talaga ang competition, may nananalo at may natututo.

Malayo na ang naabot ni Nath. Habang tumatagal, lalo lang lumalayo ang agwat namin. Hindi ko namalayan iyon sa tagal ng pinagsamahan namin, only lately, kung kailan kapansin-pansin na ang mga pagbabago. Noong lumipat kami sa mas malaking unit at sagot niya lahat ng expenses, nahiya talaga ako, but he just made me promise to be by his side, pero sabi ko makakabawi rin ako sa kanya. Noong naging mas busy na siya sa nilipatan niyang publishing company, hindi na kami nagkakasabay kumain. Madalas mag-isa lang ako sa unit lalo kapag nag-oovernight siya sa office nila, everytime nasa printer na ang new book niya. Gusto niya kasing binabantayan iyon hanggang matapos dahil may pagka-perfectionist nga siya. Ayaw niya ng flaws.

Okay lang naman sa akin kahit gaano pa siya magbago. Bilib nga ako sa determinasyong meron siya. What he aims, he achieves. I respect him for that, and apart from it, he will always be...

"Ahem." I knew that cough was fake. "Noreen Sandoval.."

Tch. She irritates me.

My 500-Year-Old Boyfriend (M5YOB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon