YO!!!
First time ko lang mag-sulat dito so, HELLOOOOOO ANISEYOWWWWWW!!!!
Ako si Besh, nice to meet you. So actually, para sa kahapong events 'tong update na 'to pero nag-sulat ako 2/18 na (kasi naka-tulog ako....)
TROPANG POOCHI: The Journey
Gagawa kami ng backdrop para sa aming field demo nitong araw na 'to. Sa Commercial daw kami magkikita-kita. So ayun, medyo late na ako nagising nito so nag-online ako para makita kung ano nang napag-usapan. Nagbibihis at naliligo na sila at ako naman, nakahilata palang at naka-titig sa selpon ko kung sasama pa ba ako o hindi na kasi 'di pa ako talaga nagpapa-alam.
Bumaba nalang ako sa kama ko tapos nagpa-alam at 50/50. 50 pinayagan, 50 hindi. So pinayagan ko nalang sarili ko kasi kailangan nga ito HAHAHAHAHA (don't do this at home, wag nyo 'kong gagayahin) pero naisip ko naman, para sa field demo naman 'to at 'di naman ako gagala kung saan saan, kaya siguro okay lang naman.
Naligo na ako and all, 8:00 sa Julibeh daw magkikita-kita. Sumakay na ako ng jeep at dumeretso sa Commercial kasi ayoko nang mag-meet up pa sa Julibeh kung pwede namang dumeretso nalang ako dun.
Nakarating na ako at naglakad papasok tapos bigla akong tinawag ng guard at magbayad daw ng P10. Akala ko okay na kasi tinest ko kung dumeretso ba ako sa loob, papapasukin nya na ba ako pero tinawag nya ako na magbayad ng P10. So nagbayad ako.
First thought ko, "ANG KALAT NG PALIGID." Pero wala akong magagawa kaya pumasok na ako at chineck ang selpon ko. Bumibili pa daw sila sa bayan blah blah. Yung iba naman nasa Julibeh pa. Okay so maghihintay pa pala ako dito ng ilang pang taon.
Makalipas ang isang taon, naka-daan na ang Halloween at Christmas, wala parin. Mukha na akong TUOD na pinagtitinginan ng mga tao at literal na NILALANGAW na ako, walang halong biro, no joking.
Time check: 9:30. Ayan na sila YEHY!!!!!!!!!! So ang tagal nila pumasok, nagbabayad pa ng P10 ang mga tuod. Nag-tago muna ako sa gilid ng poste habang tinitingnan ko ang mga tuod. Nung naka-pasok na sila, lumabas na ako at nagkunwaring 'di ko pa sila nakikita at andyan na pala sila (ng ilang taon).
Naka-white ako all-over. White blouse, white shorts, at white shoes. "Hala, naka-all white ka," "Mamaya puro pintura na 'yan." Oo nga pala, nakalimutan ng tanga na magpe-paint nga pala kami.
Naghanap na kami ng puwesto and we found the perfect spot. Pinoproblema ko parin ang white shorts ko at baka mapinturahan. Buti nalang may isang brain cell na gumana at naisip na hubarin ko nalang yung shorts. May cyclings ako, wag kayo.
Gumupit na kami ng tela and Zchesh and I invented "mEeT" because you know, when you tiklop tiklop, you mEeT the two ends of the cloth. Nagmi-mix narin kami ng paint at na-imbento naman namin ang "mIx" because when you stir the paint, you mIx it, amirite? So, we used these words the entire day.
Ako lang pala walang lunch so hihingi nalang ako mamaya. LAHAT NAKA-JULIBEH. Nag-start na kami mag-paint. Joking only. Siguro mga 20 minutes pa kami before nag-paint. Ang dami pa naming kalokohan before nag-pinta. Nagpatugtog muna ako ng mga 80's para mas feel ang ipipinta namin.
After 20 minutes ng tawanan at titigan, nag-start na kami. SI ZCHESOG AND ADVISER NAMIN NAGING TAGA-PAYONG NUNG UNA HAHAHAHAHA. Tapos salit salit nalang sa pagpapayong nun.
Kapag may dumadaang mga bikers na sunod-sunod, sumisigaw kami ng "mEeT." Ilang beses naming ginagawa pero pinagsabihan na kami ng adviser namin na baka magalit sila at palabasin kami, kaya tumigil na kami.
After ilang oras ng pagpe-paint, kumain na kami. I mean, sila pala, ng Jubileh nila, humingi nalang ako ng tira-tira at wala nga akong lunch na dala. May mabubuting puso pa naman sa mundong ito.
Natapos na sila kumain at nag-resume kami sa pagpe-paint. Tumindi ang init sa oras na ito at nabilad nanaman ang namumula naming mga balat at humapdi nanaman. Before kasi ng day na 'to, nag-practice kami ng field demo at nabilad kami sa araw. We were toasted breads that day.
Tapos may nakita kaming nagjo-jogging na walang blouse at naisip namin "Attack on Titan" kaya kumanta kami nung theme non. "TENENENENTENENTENENENTENTENTENENTENTENTENTENTEN" Tapos tawa lang kami nang tawa kasi nakakatawa.
Bumili rin kami dun sa naglalako ng vanilla scramble at ng mais. MESHEREP SYE.
Habang nagpepaint ang dami kong natatabig. Una, paint, natabig ko papunta sa cloth. Pangalawa, yung kinain naming vanilla scramble na tira-tira, napunta nanaman sa cloth. Pangatlo, nakalimutan ko na kung ano yun pero natabig ko nanaman.
Tapos lumipat na kami sa may lilim kasi ang init talaga, we cannot handle it anymore. Tinanggal na namin yung mga tela at nilipat. Nakita namin yung pintura sa ilalim, PARA TULOY NAG-VANDALIZE KAMI. Nagbibiruan kami na baka maging tourist spot yan dahil sa ginawa namin. Mag-lagay daw kami ng "by Tropang Poochi." HAHAHAHAHA.
Naubusan na kami ng pintura kaya bumili ang adviser namin ng pintura. Nung umalis na sya, nag-usap usap nalang muna kami. I must admit, nararamdaman ko talaga ag kapayapaan habang naka-upo kami at humahangin pa ng malamig na hangin. Meron din kaming naririnig na mga estudyanteng nagpa-practice para sa speech choir nila. "AHH OOOHHH AHHH OOOOHHH," "WE ARE THE END PRODUCT OF HISTORY!" Tapos bumilog sila at umikot.
Kaya kumanta kami ng "ZUM GALI GALI GALI ZUM GALI GALI" Habang tumatawa nanaman. Ayang 'Zum Gali Gali' na 'yan, isa pang inside joke naming magkakaklase.
Tapos may naisip si Doolali na paano kaya kung i-prank namin si Sir at mag-iwan kami ng note na "Sir bye."
Nag-agree kami at tumayo na, kinuha na namin mga gamit namin at si Jolo nag-sulat sa isang papel, "Sir, 'di na po namin kaya. Bahala ka na dyan" HABANG TAWA KAMI NANG TAWA HAHAHAHAHAHAHAHA. NAIIHI NA TALAGA AKO SA TAWA NITO, NO JOKING. Iniwan na namin yung sulat tsaka yung mga tela at pintura.
Habang tumatakbo kami, tawa kami nang tawa. Nag-tago kami sa loob ng isang stall dun. Inaabangan namin si Sir at nag-video narin ako.
After ng ilang minutes, nakita na namin sya, naglalakad papunta sa pwesto namin. TAWA TALAGA KAMI NANG TAWA JUSKO. Vinivideo ni Doolali si Sir, at andun lang sya, binasa yung sulat at naka-upo sa isang gilid. Halo-halo na emosyon namin nito, kaba, takot, at tuwa.
Lumapit na kami tapos sumigaw kami ng "HAPPY BIRTHDAY!!!" Tapos 'di namin alam kung natuwa ba sya o nainis o naguluhan. Napa-tuloy na kami sa pagpipinta nito.
Makalipas ang ilang oras nang pagu-usap, pagpi-pinta, at pagtatawanan, tiningan ko kung anong oras na, 3 PM. Puro paint na ang katawan namin. Nag-decide ako na umuwi na kasi hanggang 3 PM lang ako nagpaalam. Habang nagsu-suot ako ng shorts ko, nalulungkot na ako. Can you imagine that stare, that sad stare...HAHAHAHAHAHA. Nag-ligpit na ako ng gamit ko at nag-bye na sa kanila.
Nag-lakad na ako papunta sa terminal ng jeep at umuwi na. Sad sad.
END
KUNG BINASA MO HANGGANG DITO SA BABA, YOU ARE THE MAN!!!!
Aaaaand.....I know mahaba, I'm sorry. Pero baka hindi na ako makapag-update this week kasi you know, foundation week, very BC. THANK YOU ULI SA PAGBABASA NG UPDATE KONG LONGIDONG HEHEHEHEH. Mahal ko kayo.
mEeT.
💞❣💟💓💖💕💘💗💝
BONUS:

pAtaY nA kUko
YOU ARE READING
SlotcabTV
AcakWe are the shogs and we will roar (like a tiger). Nagkarank po ito ng 929 in random Oy tumaas naging 486 paneszxc 274 hehe 219 paneszxc Naging 178 tf
