So ang umaga ko ay nasimulan nang may makita akong babaeng duguan habang papunta ng school.
Just imagine lutang at antok ka pa tapos umagang-umaga makikita mo yun? Medyo disturbing.
And then nakapasok na ako and usual things.
Recess nga pala tawa kami ng tawa ni Beshog habang nakapila sa fastfood kasi kung ano-ano pinaguusapan naming tubol.
And then ang sarap ng nuggets and omelette.
Tapos lunch time nag open forum kami and wala si Zchesh bULoK. HAHAHAHA.
Tapos lunch time din pagbalik namin ng classroom na-depress ako HAHAHAHHHAHAHAHAHAHHAHAHAHA.
pero kasi, as in naguguluhan na nga ako sa sarili ko and sa aking feels.
Itago natin siya sa pangalang Juanito HAHAHAHAHA.
oo yung Juanito Alfonso sa I Love You Since 1892.
Pero ayon nga.
May gusto ako kay Juanito pero ayokong may masira sa pagkakaibigan namin. I mean, gusto ko siya pero wala akong balak jowa-in siya HAHA. I mean, kahit gusto ko siya di naman ibig sabihin nun gusto kong maging kami. Kahit gusto ko siya, mas pipiliin kong maging magkaibigan lang muna kami for now.
Eh kaso nga ang iniisip ko, baka yung pagkagusto ko sa kanya yung makasira sa friendship namin. Like, baka mamaya masyado na pala akong lumalapit sa kanya? Baka mamaya para akong tanga. Or baka umabot sa point na umaasa na pala ako kahit alam kong wala. I mean, tanggap ko naman na wala. Pero baka nga umabot dun sa point na yun. Na umasa ako. Ayoko naman masaktan diba?
Kaya minsan napapaisip nalang ako kung itutuloy ko pa ba na magustuhan siya.
Tapos kanina naluluha na ko lol. And then nung nakita ko nga pala siya lalo akong naluha. Wtf lang diba? Ang drama ko pala. Di ko inexpect 'to lol.
Pero kase, alam mo yon. Siya yung halos pinaka-fit sa ideal type ko. Di ko pwedeng i-describe totally pero alam na ng shogs ugali niya. Tapos wala lang, yung kinababaliwan kong pic. Teka ilalagay ko ulit hehe.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
and ayon na nga, kung sakaling magiging kami. (Kung sakali lang) Parang yun na yung pinaka-ideal relationship ko. Siya yung ideal type ko sa isang lalaki and sa kanya ko rin makikita yung ideal relationship na hinahanap ko. Alam kong marami pang lalaki diyan, pero kase. Iba si Juanito haha.
And one more thing, para siyang combination ni Jin and Yoongi. Mga bias ko. Nakakabaliw lang talaga. Parang nakatadhana na magustuhan ko siya lol, pero wala sa to-do list ni Cupid ang i-match niya kame haha.
Pero wala naman akong sinabing umaasa ako. Hindi ako umaasa. Bonus nalang siguro yung magustuhan niya rin ako.
~《 Pesh Words 》~
If ever man na di mo alam gagawin and yung tipong naguguluhan ka. For now, gawin mo muna kung ano yung sa tingin mong magpapasaya sayo or kung ano sa tingin mo yung tama.
To whom it may concern, myself included,
~《 Pesh 》~
P.S. Nakakaloka yung entry ni Tash. Capslock na ang daming typo.