SIMULA
MAGHAHATING gabi na ngunit hindi pa rin natutulog si Catalina at Raphael. Nakadungaw sila sa bintana habang nakatanaw sa mga bituin sa langit.
"Catalina?" Maghinang tawag ni Raphael kay Catalina habang kinakapa ang kamay nito.
"Raphael, dito." Si Catalina na mismo ang kumuha ng kamay ni Raphael para hindi na ito mahirapan.
"Ano ba ang itsura ng bituin, Catalina?"
Inangat ni Catalina ang kanyang tingin sa mga bituin sabay ngiti.
"Sobrang kinang ng mga bituin, Raphael. Nakakamangha itong tingnan, napakaganda." Kahit hindi nakikita ni Raphael ang kanyang ngiti ay masayang iginawad ni Catalina ang kaniyang matamis na ngiti sa kaibigan.“Alam mo ba Catalina, sa tuwing tinatanaw natin ang mga bituin kahit hindi ako nakakakita ay may binubulong naman ito sa akin.”
Napatingin si Catalina sa kaibigan na may pagtataka, "Ano naman iyon Raphael? Maaari mo bang ibahagi sa akin?”
Napanguso si Catalina nang umiling si Raphael.
“Bakit hindi? Hindi ka rapat naglilihim sa iyong malapit na kaibigan, Raphael. Ang sama mo!”
Kung nakakakita lamang si Raphael ay siguradong matatawa ito sa itsura niya na ngayo'y nakanguso at kunot ang noo sa pagtatampo.
Kung alam lang ni Catalina na hindi lang iyon ang tinatago ni Raphael. Sa murang edad ay may lihim na itong pagtingin sa kanya.
"Wag kang mag-alala ibabahagi ko iyon sa iyo kapag malaki na tayo, Catalina. Dapat mangako ka sa'kin... mangako ka na hindi mo ako iiwan at magkasama pa rin tayo hanggang sa paglaki natin. Kapag malaki na tayo ay sasabihin ko kung ano ang binubulong ng mga bituin sa akin."
Nawala ang pagtatampo ni Catalina at malaki ang ngiting tumango sa kaibigan, “Pangako ‘yan!” Masayang sambit niya sabay pulupot ng hinliliit sa isa’t isa bilang pagselyado sa kanilang pangako.
“Salamat Catalina.”
“Walang ano man, Raphael.” Ngiti ni Catalina sabay yakap sa kanya.
Dalawang puso na pinagtagpo ng lungkot, pagdurusa at masalimuot na buhay ang nakahanap ng kapayapaan sa piling ng isa't isa.Kapwa ulila sina Catalina at Raphael, sa hindi malamang dahilan ay iniwan na lamang sila sa tarangkahan ng isang bahay ampunan.
Sa bubong ng bahay ampunan na iyon sumibol ang pagkakaibigan at pag-iig na hindi inaasahan.
Lagi silang nasa tabi ng isa't isa at halos hindi na mapaghiwalay, lalong-lalo na si Catalina na matiyagang nakikinig at nananatili sa tabi ni Raphael, dahil bukod sa ulila na ito ay may kapansanan din si Raphael sa paningin.
Sa kabila ng kapansanan ni Raphael ay hindi iyon naging dahilan para layuan siya ni Catalina sa halip ay mas naging matibay ang kanilang pagkakaibigan.
Subalit ang lahat ng bagay ay sinusubok ng panahon.
"Catalina, sila sina Don Rodelio Moncedez at Donya Margarita Moncedez. Sila ang magiging bago mong pamilya."
Natakakot si Catalina sa narinig. Hindi niya naisip na mangyayari ang bagay na matagal na niyang kinakatakutan... ang mahiwalay kay Raphael.
YOU ARE READING
Bygone Promises
Historical FictionThis Story is situated in the 19th century. Raphael and Catalina are both orphans who grow up together in the same orphanage. They are inseparable despite of Raphael's disability. They dreamed of never being apart, but life in the orphanage is alway...