Odi's PoV
"Will you marry me?" nakaharap sa akin ang kumikinang na diyamante na sa tingin ko ay galing pa sa bansang Egypt. Hindi ko mapigilan ang luhang nanubig sa mga mata ko kung ang dahilan naman ay ang isang taong nakaluhod ngayon sa harapan ko na hindi ko alam kung bakit sobra kong mahal. The name's Andrew.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na parang kinarera at nangatog ang mga tuhod ko. At hindi ko mapigilan ang luha na nagbabanta na naman sa mga mata ko. Yeah I really love this guy so much at gusto ko siyang makasama habang buhay.
"Yes. Yes baby." sagot ko sa kanya at bigla na lang nagsigawan ang mga tao dito sa loob ng restaurant kung saan nagpropose ang boyfriend kong si Andrew. May confetti pa at doon nagsilabasan ang mga kaibigan ko. Kinunsabo pa talaga nito sila eh alam ng busy ang mga taong ito sa kani-kanilang negosyo at buhay. Tumayo kami at ipinakita sa kanila ang Engagement ring ko.
"Congrats man," lumapit si Trevor na nakangiti sa amin at kinamayan nito si Andrew. My Bestfriend. "Wow, so you're getting married huh? Oh my bestfriend. Just tell me when this guy is making you cry huh?" Biro nito at niyakap ako ng mahigpit.
Wala ang girlfriend nito na model kaya mag.isa itong pumunta sa restaurant. Hindi pa ito engaged kaya dream ko ring mag.asawa na ito. Puro na lang ito negosyo at nagpapayaman ng husto.
"You should think about Kamille, Trev." sabi ko sa kanya at tinapik ang balikat nito.
"*scoff* I let her fly and make her dreams come true for now. That thing can wait. I trust the process babe." Okay, hindi na ako magulat kung tatawagin ako ng mga endearment nito. That's so him.
"Man, you're my best man." sabi ni Andrew.
"Of course, magtatampo ako kung hindi."
Mayaman naman si Andrew pero kung ihahantulad siya kay Trevor ay nasa 30 over 100 lang siguro ito sa huli. Namamayagpag na ang bestfriend ko sa Top Richest Bachelor in Asia.
"Hi Odi, oh my gosh girl. When is the wedding?" excited naman itong kaibigan ni Andrew na si Gayle sabay yakap sa akin at halik sa pisngi ko.
"Hahahaha pag.iisipan pa. Grabe ka naman." sabi ko. She is so cute. Ilang beses ko pa lang itong nakita. Ewan kung mali ba ang nakita ko pero iba ang tingin nito kay Andrew. Imbes na magduda ay iwinaglit ko yun sa utak ko. . I am just hallucinating. I trust my man as well as he trusts me with Trevor. One day, magiging kaibigan ko rin ng husto itong si Gayle. Gayle is my fiance's college bestfriend if I am not mistaken. Siguro ngayon lang umaandar ang pagiging insecure ko dahil cute siya.
"Oh Gayle. Buti at nakarating ka." sabi ni Andrew.
At nagpaalam na sa amin si Trevor nang makita nito ang iba ring kakilala.
Naramdaman kong humigpit ang hawak ni Andrew sa beywang ko at sumandal naman ako sa dibdib nito. I felt secured and content. Given in a relationship na may away-bati and circumstances na hindi maiiwasan well, he just made me the happiest woman on earth today.
"ah oo. Napadaan lang ako. Alam mo Odi, I am super inlove." masayang sabi nito sa akin at naaliw naman akong makita ang cute niyang mukha na kinikilig medyo tipsy ito sa paraan ng pananalita nito ngayon. Galing ba ito sa ibang party? Pero hinayaan ko na. Ganyan naman talaga ang mga single.
"Really? Well that's good at inlove ka. I am happy for you Gayle."
"Yeah, ang sarap naman pala ang ma inlove nuh?" Bigla itong lumapit sa akin at pabulong na sinasabing. "At lalo na kung yung guy ay palaging aggressive---"
"Gayle, not now, I want to have a quality time with my Fiancè. Wag mo munang---" putol ni Andrew. That's him. Ayaw niyang mapahiya ang bestfriend niya. Naintindihan ko naman.
BINABASA MO ANG
Friendship o Relationship: Trevor (For Edit)
Художественная проза"Isusumpa ko sayo. Ibibigay ko sa unang lalaking makakasalubong ko ang tanging bagay na kailanmay di mo nahawakan!!" "Baby, please maawa ka wag mong gawin yan. Maawa ka." ..... "Hindi kita pinipilit kong ayaw e di huwag. Hindi lang naman ikaw ang na...