Chapter 5

23.3K 631 6
                                    

Maganda, masaya at tahimik ang lugar na ito. Kailanman ay hindi ako magsasawa sa lugar na ito kung gusto kong mag.isa at mag.isip. Minsan umuuwi ako dito para bisitahin si Lola at lolo

Dito ako ipinanganak at lumaki hanggang 5 years old at kinuha na ako nina mama at papa para manirahan na sa Maynila. At marami din akong kaibigan dito. Isa na dun ang batang si Al. Nasaan na kaya yung kalaro kong yun?

"Tao po? Tao po? Maganda umaga po Lola Selda, si Alden po ito. Lola totoo bang umuwi si Codileen. Nabalitaan ko kay Mang Kardo kanina nang bumilo ako ng tinapa"

Napangiti ako dito sa kusina. Kapag iniisip nya naman o.  Ang kababata ko, si Alden. Dali-dali akong tumayo at nagtago sa likod ng dingding dito sa kusina para surprisahin siya.

"Ha? Andito siya? Naku, wala. Halika muna sa loob at ng may ibibigay nga pala ako sayo para kay Dina." sabi ni Lola. Napangiti naman ito sa binabalak ko.

Narinig kong pumasok ito.

"Ano po yon lola---"

"Surprise!!! Alden kumusta ka na." kaagad ko siyang niyakap. Na.miss ko ang kumag na ito at ang laki na ng ipinagbago nito. Nagkaroon na ito ng biceps at lumalaki na ang kaha nito.

"Sabi ko na nga ba eh. Kumusta namiss din kita." tumawa ito nang maghiwalay kami sa pagyayakapan.

"Wow ha. Ang gwapo natin ngayon." sabi ko sa kanya. Totoo naman kasi. Malayo ito sa Alden na kalaro ko noon. Noong huli kong uwi dito noong mamatay sina mama at papa sa car accident ay hindi ko ito nakita dahil may trabaho na nasa malayong lugar.

"Parang kailan lang ay naglalaro pa kayong dalawa sa likod-bahay ng bahay-bahayan." sabi ni Lolo.

"Oo nga po eh. Nahihiya na ako sa kababata kong ito at ang ganda. Dati sipunin to eh." sabi naman ni Alden at umupo na sa upuan.

"Hetong kape." alo ni lola na tinanggap naman ng binata.

"Salamat lola."

*****

Matagal na kwentuhan muna kami. Hanggang sa napag.desisyonan niyang mamundok kami kasama ang iba ko pang kalaro noon. Excited naman ako para mamasyal ulit.

Ang iba ay may sariling pamilya na ang iba naman ay single pa rin. Grabe ang kwentuhan namin at nag.get along together pa kami.

Hanggang sa makarating kami sa batis. Dati ay dito kami naglalaba at naliligo ngayon ay may sarili na kaming patubigan.

Ang mga kababaihan ay kaagad nagtampisaw sa tubig habang ang mga kalalakihan naman ay nag.iihaw at naghahanda ng pagkain.

I really missed the half of my life.

Ito ang hindi ko mararanasan sa Maynila. Preskong hangin, malamig na tubig, at ang paligid. Someday baka dito lang ako magse.settle down. Wala naman akong babalikan sa Maynila kung tutuusin.

O baka may tinatakbuhan?? sagot ng isip ko.

No ayaw ko siyang isipin ngayon. Hindi naman big deal sa kanya yung nangyari sa amin dahil sa dinami-rami ng na.flings niya ay impossibleng nagtitigan lang sila ng babae And the thought bring ache to my heart.

Ipinilig ko ang ulo ko at hinayaang mag.enjoy dito sa lugar. Maayos at mas makabubuting kalimutan na lang ang nangyari.

Tama yun na nga.

****
Namumula na ang balat ko sa sun burn. Sobrang hapdi. Ngayon ang balik ko sa Manila. Hinatid ako nina Lolo, lola at Alden sa airport.

"Dadalawin kita sa Manila." ngiting sabi nito pero mababakas pa rin sa mukha nito ang kalungkutan.

"Sure. Ipapasyal kita don." ngiting sagot ko sa kanya.

Imbes na three days ang leave ko at bakasyon ko dito sa probinsya ay naudlot. May paparating na bagyo kaya kailangan ko ng bumalik para hindi ako ma delayed. Mabuti na lang at hindi round trip ticket ang binili ko..

"Ikaw muna ang bahala kina lolo't lola ha. Tawagan mo ako kung may problema. Lola, wag kayong magpabaya sa katawan nyo ni lolo. Lolo, mag.ingat po kayo ni lola ha.?"

"Itong batang to Pagkamaalalahanin. Ikaw mag.ingat ka sa Maynila. Tumawag ka kung may problema ire?" sabi ni lolo.

Niyakap ko sila bago nagpasyang pumasok sa departure area.

*****

Sobrang trapik at sobrang init ang sumalubong sa akin. Lalong sumasakit ang balat ko.

Dumiretso na akong bahay at nagpapahinga. Bukas mamamasyal ako at manood ng sine.

Sinipat ko ang cellphone ko na hindi ko nabuksan pagdating ko sa probinsya dahil mahina ang signal don.

90 message received. at 110Sina Kayla, April at Jane lang at kay Andrew. Pero  Kadalasang nababasa ko ay ay mula kay Trevor hinahanap niya ako and he even cussed. Palamura naman talaga tong bestfriend kong ito. Nakapag desisyon na ako na kakalimutan na yung nangyari.

"I should move on." sabi ko sa sarili ko at pumikit.

Malalakas na katok ang nagpapagising sa diwa ko. Sino namang nais gibain ang pintuan ng pamamahay ko.. Wala akong kasama dahil kaya ko namang alagaan ang sarili ko. Alas 7:12 pm yun ang nakasaad sa digital watch ko sa ibabaw ng pader. Gabi na ahm Sino naman yan.

Kumatok ulit ng malakas kaya bumangon ako para pagbuksan ko na ng pintuan. Baka may nangangailangan ng tulong. Wala namang mangangahas na looban ako dito sa subdivision namin dahil secured naman to.

Kaagad kong hinagilap ang silk robe ko bago pa masira ninuman yung pintuan ko kaagad na akong bumaba. Kailangan ko pang mag.ilaw dahil nakalimutan kong e.switch yung ilaw ng dumating ako.

"Teka lang... " sabi ko at pumanaog na ng bahay. Hindi naman siguro masasamang loob ang andito.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan. I just wished na sana hindi na lang. Ang taong hindi nagpapahinga sa isip ko ay andito at galit na nakatingin sa akin. I missed him. Gusto ko sana syang yakapin ng mahigpit at halikan but I'm just holding up myself from doing so. Bagay sa kanya ang balbas na tumubo sa mukha nito at amoy ko ang mabangong pabango nito na may pinaghalong alak at sigarilyo.

"Trevor. Anong ginagawa mo dito sa bahay? May kailangan ka ba?" natataranta kong tanong. Madalas itong tumatambay sa bahay noon kapag walang magawa pero ang awkward kapag pupunta ito at tatambay lang. Kung hindi lang sana ako nag.iinarte noon ay walang awkwardness na mamamagitan sa amin.

"Won't you let me in at malaman mo ang sadya ko."

Ipinilig ko ang ulo ko sa maruming iniisip ko. For sure andito din siya para pag.usapan yung nangyari na kalimutan na rin. Tama Yun nga.

I open the door widely at pumasok naman ito at isinara ko na ang pinto. Muntik pa akong masubsub sa dibdib nito nang humarap ako sa kanya.

"Ah sorry." Umatras ako ng bahagya. "Uhm naghapunan ka na ba?" hindi pa din kasi ako naghapunan. Sabay na lang kami kung hindi pa ito kumain.

"Pinagtataguan mo ba ako?" para akong nanlamig sa sinasabi niya. Ayokong tumingin sa mata niyang nanghihigop at baka bigla ko na lang siyang halikan.

______________________________

A/N: hello guys. thank you at umabot kayo sa chapter 5...  sa susunod na update po dahil uuwi ako bukas sa amin. Walang wifi don. See you soon in Wattpad world. Thank you.

Friendship o Relationship: Trevor (For Edit) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon