Odi's POV
Fast forward
Tinititigan ko ang mga gamit namin ni Trevor sa wardrobe ko. Bumili pa kami ng malaking wardrobe para magkasya ang mga gamit naming dalawa.
Malinis nitong inayos ang gamit namin, yung gamit niya na talo pa ako dahil malinis ang pagkakatupi.
Hinimas ko ang maga-apat na buwan kong tiyan. Uuwi muna ako ng probinsya dahil tumawag sa akin si Alden na nagkasakit ang lolo ko dahil na sa pabalik-balik na lagnat.
Kailangan nila ako dun kaya paniguradong matagal-tagalan ako dun sa probinsya kaya nag. File na ako ng resignation paper. Personal kong binigay kay Sir Matthew ang papel pero sabi niya di niya yun tatanggapin pero binigyan niya na lang ako ng vacation and sick leave. Babalik na lang ako ng Maynila kapag nagiging Ok na ang lahat sa probinsya.
Alam naman na ni Sir ang kalagayan ko ngayon na baka mahirapan sa pagbabyahe dahil medyo maselan ang pagbubuntis ko nung bigla nalang akong dinugo nung magtatatlong buwan pa lang ang tiyan ko.
Sobra akong natakot ng panahon na yun na baka makunan ako. Sanhi daw ng stress kaya ngayon magpapahinga muna ako.
Sina April, Jane at Kayla ay nangangako naman na tikom muna ang bibig dahil nabalitaan nila na umalis daw si Kamille at bumalik na ng Italy. Ano man ang dahilan ay hindi ko alam baka may catwalk show lang at uuwi rin kapag maluwag ang schedule.
Hindi pa rin nakaalala si Trevor yun ang balita ni Jane at dinalasan na ang check up dahil nababagot na ito sa pangangapa sa dilim. Madalas na daw itong bugnotin at mainitin ang ulo at laging nagkukulong sa kwarto. Gusto ko siyang tulungan pero paano pag biglang umuwi si Kamille e di yari ako.
Kinuha ko na ang maliit kong maleta at nagpasya ng umalis baka ma-delay ako sa flight papuntang probinsya..
Promise Trev, babalik ako.
_______________________________________Pagdating ko sa probinsya ay sinundo ako ni Alden ng sasakyan na bili nito ng second hand daw sa amo niya.
Hindi pa ito makapaniwala ng makita niya na malaki na ang tiyan ko.
"Bakit hindi mo kasama ang asawa mo niyan?" Nilagay niya ang maleta ko sa compartment at sumakay na ako sa back seat. " ito na rin ang nagbukas ng pintuan bawal daw ako sa harapan. Wow sweet.
"Busy siya. May sakit din siya ngayon kaya di muna siya makakasunod." Paliwanag ko ng sumakay na din siya at nag drive. "Ang yaman na natin ah bakit hindi ka pumuntang Maynila akala ko ba gagala ka dun?" Tanong ko.
Tumawa lang ito ng mahina. "Ah yung amo ko kasi ayaw akong payagang umalis ng matagal kaya postpone muna."
Nagkwentuhan lang kami sa buong byahi, hindi naman kasi boring tong si Alden. Mabait na bata kasi, hindi rin yan nagmumura, naku si Trevor, kapag may di gusto ay kusang lumalabas sa bunganga yung sandamakmak na mura. Kawawa ang makakabangga non dahil hindi mananalo.
Nang makarating kami sa bahay nina lolo ay tinulungan pa ako ni Alden na ipasok yung maleta. Sinalubong naman ako ng aking abuela at kinukumusta kami ng baby ko. . Si lolo ay nasa kwarto lang at nagpapahinga. Pumasok ako para magmano, mabuti-buti na ang kalagayan nito. Si Alden ay hindi nagtagal dahil tumawag na ang boss nito. Bibisita lang daw ito.
Kawawa naman ang lolo at
Kawawa naman ang mga ito kung pinapabayaan ko. Naipaayos na nila ang sari sari nila sa perang pinapadala ko sa kanila kada buwan dahil ako lang naman ang natitirang pamilya nila. Mabuti na ang may libangan naman si lola."Apo, maselan ang pagbubuntis mo bakit ka pa nagba-byahe?" Tanong ni lola.
"Lola nag file na ako ng resignation pero hindi yun tinanggap ni Sir kaya vacation and sick leave ang sinabi niya sa akin. Uuwi rin ako after 2 weeks, la."
"Hala sige, magpahinga ka muna at ayokong magpagod ka. Pagising mo, magluluto dahil ng pang meryenda. Hala sige na, nangingitim yang mata mo apo. "
Pumasok muna ako sa kwarto ko dahil napapagod ako sa byahe.
______________________________________
Trevor's POV
Pagkatapos ng maalala ko ang accidenteng yun sa panaginip ko ay malalabong alaala na ang nakikita ko. And that made me frustrated dahil hindi ko makikita ang mukha ng babae sa panaginip ko. Maging kung mag-salita ito ay hindi ko marinig.
Umalis na si Kamille sa poder ko dahil may trabaho pa ito. Galit pa rin ako sa kanya dahil pinagsamantalahan niya ang kalagayan ko. Nagpanggap pa siyang girlfriend ko gayong hiwalay naman na pala kami. Kaya ang gusto kong maalala ngayon ay ang babaeng ibinahay ko na pala.
Bakit ba niya ako iniwanan ngayon? Hindi ba dapat ay andito siya para tulungan ako? Paano naman nangyari na wala ni isa sa mga kaibigan ko ang nakakaalam sa mga ginagawa ko. Sobra ba talaga kaming private at hindi kami nagsasabi kahit sa pamilya namin na nag-live in na kami??
Cody.
Bigla akong napadilat. Tama, bestfriend ko yung babae na yun, baka sinabihan ko siya kung sino ba ang mahal ko. Mamaya niyan ay may anak na pala kami.
Kaagad akong nagbihis and grab my keys---- para saan nga ba ang dalawang susi na nakasabit dito sa susi ng sasakyan ko. Pambahay to dahil imposible namang pang sasakyan to sa ganito ka liit.
Hindi ko na muna yun iniisip, at pumunta na ako sa kompanya na pag aari ni Matthew. Andun daw nagta-trabaho si Cody. Malamang doon ko yun makikita.
Mabilis akong nagpatakbo papunta dun, medyo malayo na ako nang parang may nanghatak sa kamay ko at biglang lumiko sa isang subdivision.
"This place seems familiar." Sambit ko nang makarating ako sa may guard house. Hindi na ako bumaba dahil mainit. Nagtaka naman ang isang guard kaya lumapit ito sa kotse ko at marahang kinatok ang bintana sa gilid ng kotse ko.
"Goodmorning sir, ikaw pala yan,." Sabi ng guard. Nagtataka naman na ako kung bakit ako kilala nito. "Bakit hindi pa kayo pumasok sir, ipinasok ko na sa bahay nyo yung kotse mo na inutos niyong ipasok ko sa garahe sir."
Natameme ako sa sinabi ng guard. May bahay ako dito? At bigla na lang akong kinabahan. Ilan ba ang bahay ko? Hindi ito first class na subdivision pero parang sanay na ako sa lugar na to.
This could be an answer.
"Ituro mo sa akin. May sakit pa ako. Kukunin ko yung sasakyan ko. "
Nagtaka naman ang guard sa sagot ko pero kaagad namang sinabi sa akin ng guard ang block number ng bahay ko at ibinigay niya ang susi ng kotse ko at naputol lang ang sasabihin nito ng may nag radyo sa kanya kaya umalis na ako sapat na para sa akin ang impormasyong ibinigay niya.
_________end of chapter 19_________
Author's note:
Hi guys malapit na ang pagtatapos ng FOR: Trevor. Mga 2-3 chapters na lang at magtatapos na ako. Keep reading guys and thank you for spending time for this story.
May bagong story akong ginagawa ngayon aside from Trevor and Harold.
Salamat ulit.
Lablab otor.
😎😎😎😎😎😎😎😎😍😍😉😉😉🤗🤗🤗🤗🤗🤗🤗😘😘😘😘😘
BINABASA MO ANG
Friendship o Relationship: Trevor (For Edit)
Ficción General"Isusumpa ko sayo. Ibibigay ko sa unang lalaking makakasalubong ko ang tanging bagay na kailanmay di mo nahawakan!!" "Baby, please maawa ka wag mong gawin yan. Maawa ka." ..... "Hindi kita pinipilit kong ayaw e di huwag. Hindi lang naman ikaw ang na...