Chapter 18

20.1K 552 3
                                    

Trevor's POV

Nakita ko siyang nakaupo sa may counter area. Busy siya sa pagtipa ng kanyang cellphone. Kahit saang anggulo ko siya tignan ay maganda siya kaya bagay siya bilang isang model... pero hindi ko makapa sa sarili ko ang pananabik. Wala lang parang friends with benefits ang relasyon namin. tanaw na tanaw ko siya dito sa may second floor ng penthouse ko.

Mahal ko ba talaga siya? Bakit parang lagi niya akong iniiwasan at ang lalim ng mga iniisip niya.

Tumigil siya sa pagtipa ng cellphone.

"Hello Ate Pao... oo andito pa rin sa pinas.............. hindi pa rin kasi makaalala si Trevor..."  mahinang sabi nito at napangiti ako dahil nag-alala din pala siya sa akin.

"Hindi ko siya kayang iwan na ganun ang kalagayan niya. Kinakain ako ng konsensya ko..... cge po, tatawag na lang ako ulit... cge bye po." At pinatay na nito ang tawag.

Bumaba na ako, this time kakausapin ko naman siya. Puro na lang siya busy sa tawag ng manager niya at laging nakatulala o di kaya'y natutulog.

"Kamille." Tawag ko sa kanya ngumiti naman siya ng makita niya ako. Yan dapat nakangiti siya. Maganda siya basta nakangiti.

"Babe, may kailangan ka ba? May nangyari ba sayo? Sumasakit ba ang ulo mo? Sabihin mo at tatawagan natin ang doctor." Puno ng pag-alalang tanong nito.

"Wala, wala. Halika doon tayo, manood tayo ng movie. Boring nuh? Labas kaya tayo? ." Sabi ko dahil sobra kasing lamig ng vibes namin bilang mag boyfriend-girlfriend.

"Ah wag na mainit sa labas, baka may paparazzi, dudumugin tayo."

Umupo ito sa bakanteng upuan habang naghanap ako ng magandang action movies sa wall mounted tv.

Nang magsimula na ang movie ay napansin ko na tinititigan lang ako ng dalaga. Parang may sasabihin ito at nahihiya lang siguro.

"Yes Kam, spill it. I'm not mind reader, you know." Sabi ko sa kanya para naman mag-open siya sa akin. Baka sasabihin nitong buntis napaka imposible naman nun dahil may proteksyon naman kami kung nalilibugan ako pero dalawang beses lang naman yun dahil kinabukasan ay may regla na ito at sa ibang kwarto na ito natulog.

"Trev, I need you to remember what happened." Sabi nito kaya nag-pause muna ako sa pinapanood ko at maigi ko syang tinitigan.

"Why? What do you mean?"

"Sa oras na babalik ang ala-ala mo ay baka kamuhian mo pa ako na pinagsamantalahan ko ang kalagayan mo."

Nagsimula na naman itong umiyak, what's wrong with ladies at bakit ba iyakin silang lahat??

"Before accident happened, you told me that You loved someone else, you  split up with me dahil may babae ka ng mahal dito sa bansa. Pumunta ka pa non sa Italy."

"Then?"

"You found out that I was cheating on you, and so you grab the chance na hiwalayan ako dun dahil naghanap ka pa ng tiyempo na sasabihin yun sa akin na may iba ka na rin na bata pa lang kayo ay mahal mo na sya." Mahinang sabi nito. So sinasabi nito na nag cheat siya.

Bakit hindi niya sinabi sa akin yun? Bakit pinagsamantalahan niya ang pagkakataon.

"Hindi mo ba napansin kung bakit, wala ka ng masusuot dito sa penthouse mo? It is because you moved in with her." Paliwanag nito na lalong sumasakit ang ulo ko sa pinagsasabi niya.

"Please, I give you the chance na gumawa ka ng paraan na makaalala ka. Ilang beses ko ba sa isang araw yan sasabihin sayo, dahil nakatunganga ka lang dyan ay ipaglalaban kita sa kanya. Gagawin ko ang sinasabi ko sayo na aagawin kita sa kanya. Ilalayo kita sa kanya."

Friendship o Relationship: Trevor (For Edit) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon