Cody's POV
Ang isang araw na paghihintay sa binata ay nauwi sa isang Linggo. Hanggang sa umabot pa ng isa pang linggo. Palagi naman itong tumatawag madalas oversea call. Mahal pa naman nun pero tatawag pa rin ito para kumustahin ako. Anong tawag mo jan. Kina career ang pagiging possessive niya. Pero gusto ko naman.
Nakakamiss na siya, at heto ako ngayon hindi mapakali dahil tumawag ito kagabi na nasa airport at uuwi na daw ito pero hindi naman tumawag kung anong oras ang flight.
. Dumaan pa akong parlor kanina para magpaganda at nagpapa manicure at itong ginagawa ko ay wala akong pakialam, sasabihin ko na sa kanya ng personalan na mahal ko din siya. Sobrang excited ko na na halos masira tong dibdib ko sa sobrang kaba at saya.
"ODI, ODI, NAKITA MO BA SA NEWS?? Oh my God, na.upload pala to kagabi pero wala akong time mag open ng social media" sigaw talaga ni Jane na pumasok sa may opisina ko bilang Department Manager ng kompanya, kasunod niya sina April at Kayla.
Malungkot ang kanilang mga mukha, si Kayla ay parang galing pa sa iyak...
"Umuwi na pala si Trevor kagabi, " Sabi ni Kayla. Wow Kayla ha Tears of Joy? Alam ko yun dahil tumawag siya sa akin.
Bakit kailangan pang malaman ng publiko ang pag-uwi niya. Ok fine, sikat siya, mayaman pero nakakainis namang hindi man lang niya ako tinawagan na nasa bansa na pala ito.
"Kagabi pa naipost ng social media ang tungkol kay Trevor." Sabi ni April na may namumuo namang luha. Ano nga kasi, bakit ba kasi binibitin pa nila.
Bakit sila umiiyak? Anong nangyari ba kay Trevor? Anong nangyari sa mahal ko? Gusto kong isigaw sa kanila.
"Anong nangyari, Jane? Anong nangyari kay Trev?" Hindi ko mapigilan ang luha na nagsiunahan sa paglabas at sobrang sikip ng dibdib ko.
"Naaksidente siya..." kinakabahang sagot nito. "Pero may amnesia siya Odi nang magising daw kaninang umaga, tinawagan ko si Kevin yung pinsan ko maging sila ay nakalimutan nito, at tanging si Kamille lang ang naalala niya at hinanap-hanap nito. At ngayon naka.confine siya sa St. Luke's hospital. " sagot ni Jane.
Hindi ako makahinga. Hindi totoo to. Anong ibig sabihin nito na si Kamille lang? Paano ako? Wala na yun??
At bigla sinakop ng kadiliman ang diwa ko."Odi!"
______________________________________
Pagising ko ay nasa sofa bed ako habang pinapaypayan nina Kayla ni panyo. Si April naman ay hinihilot ang paa ko.. Nakasando na lang ako.
"Anong nangyari?" Tanong ko sa kanila at bumangon ako.
"Ikaw kasi nag collapse. Umuwi ka muna Odi, medyo namumutla ka kasi and look at yourself, nangangayat ka na." Alalang sabi sa akin ni Jane.
"Ok lang ako." Tumayo ako. Medyo nahihilo pa nga ako. Im not okey kanina pa tong umaga na nahihilo ako. Sa kaiisip ko to kay Trevor na ngayon ay wala na pala ako sa alaala niya.
"Magbihis ka na, bibisitahin natin si Trevor." Sabi ni April at ibinigay sa akin ang blazer ko.
Dapat ko nga ba siyang puntahan?
Oo dapat. Hindi ako dapat laging nakatunganga dito sa opisina gayong nasa ospital ang mahal ko at ipaglalaban ko pa siya kay Kamille.
"Tara na." Nauna pa akong lumabas at nakasunod naman sa akin silang tatlo.
Sa sasakyan ni Kayla ay lagi kong ipinagdarasal na sana hindi ito nagkaroon pa ng malala na sakit o nabalian ng buto. Ang pagkaroon nito ng amnesia ay hirap ko ng tanggapin. Paano kung makalimutan niya ako habang buhay. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko.
______________________________________
Pagdating ko sa ospital ay halos magkapanabay pa kami ni Kamille ng dating, may dala pa itong maleta galing pa itong airport at dito na dumiretso. Sobrang sama ng tingin niya sa akin na parang ayaw niya akong makita sa ospital na to. Nagi. Guilty ako dahil parang alam na nito ang namagitan sa amin ng boyfriend nito.
Hinila ako ni April papasok at masama rin ang tingin nito Kamille. Pagpasok namin ay gising na si Trevor may benda ang ulo nito, may galos sa mukha at may sugat sa ilong.
May doctor na naka nagche-Check up sa vital organs nito...
"Oh, what about them you remember? They are also your friends Trev... and Odi here is your bestfriend. You remember her?" Sabi ni Kevin na kabarkada ni Trev. Andyan din ang mommy nito na nagpapak ng prutas.
Nakatingin lang to sa akin.
"What took you so long honey. Come here." Gumaan ang dibdib ko na sa akin siya nakatingin. Para namang napako ang mga paa ko sa Sobrang saya ko dahil naalala niya ako.
"Kamille? Come here honey, bakit nakatayo ka lang dyan?" Sabi ulit nito. Saka ko lang naalala na nasa likuran ko si Kamille nakatayo nang lingunin ko siya ay nakatingin din ito sa akin. Galit.
Lumapit si Kamille sa binata at umiiyak ng yakapin niya ang lalaki. Umiyak din si Kayla at Jane sa tagpong yun.
"Ssshhh why are you crying baby?" Sabi ni Trevor habang inaalo ang kasintahan nito.
Para naman akong baliw na kahit agos ng agos ang mga luha ko ay nakatingin lang sa kanila. Sobrang sakit. Namamanhid na ang puso ko.
"I'm sorry, i'm so sorry. Dahil sa akin napunta ka dito. Kung hindi sana tayo nag-away over the phone ay hindi ka madidisgrasya. I am so sorry baby." Hagulhol ni Kamille.
"It is ok now,.. I'm alive. Are you not happy na sa lahat ng kilala ko ay ang mahal ko pa ang naalala ko?" Para sinaksak ng kutsilyo ang puso ko sa tagpong ito. Gusto ko nang umalis pero parang nakamartilyo ang paa ko sa sahig at ayokong pumikit man lang habang tinignan ko sila.
Ang laki kong tanga... Kung hindi pala ako naki-epal ay masaya pala ang relasyon nila ni Trevor at Kamille. Ito ang napapala ko sa paninira ng relasyon. Ito ang napala ko sa pang-ahas ng lalaking hindi ko kailanman pag-aari.
Hindi na ako nagreklamo nang hilahin na ako ni April palabas ng silid na yun. Hindi na rin sila nagtanong pa kung bakit ako humahagulhol ng makarating kami sa kotse bagkus ay niyakap nila ako ng mahigpit...
"Ok lang yan,,, maalala ka rin ng bestfriend mo. Temporary selected amnesia lang yan, pasasaan ba't makilala niya rin tayo ulit." Alo sa akin ni Jane.
Maalala pa kaya niya ako? Andyan na si Kamille.
__________end of chapter 11__________
BINABASA MO ANG
Friendship o Relationship: Trevor (For Edit)
General Fiction"Isusumpa ko sayo. Ibibigay ko sa unang lalaking makakasalubong ko ang tanging bagay na kailanmay di mo nahawakan!!" "Baby, please maawa ka wag mong gawin yan. Maawa ka." ..... "Hindi kita pinipilit kong ayaw e di huwag. Hindi lang naman ikaw ang na...