Ay hindi ako dapat yumakap sa taong kinaiinisan ko kaya kaagad akong bumitiw sa pagkakayakap sa kanya. Kita naman sa mukha niya ang pagkalito pero hindi ako dapat nagpapaapekto.
"Don't you miss me?" Parang naghihinakit na tanong nito.
"Miss mo mukha mo. Ang sabi mo hindi kita iiwan sa ere tapos sino sa atin ang parang bula na bigla na lang nawawala!?"
Panunumbat ko sa kanya. Ang loko ay ngumiti lang na parang naaaliw.. May nakakatawa ba? Nakakatawa nga sigurong nagpapakita ako ng kahinaan ko. Nababaliw na ako Kung anong dinidikta ng utak ko na hindi tamang magpapatuloy pa kami sa kahibangan na ito Na dapat ay itigil na ay iba naman ang lumalabas sa bibig ko at iba ang ikinikilos ng katawan ko. Kung andyan siya sa tabi ay kusa ang katawan ko na nag.iinit para sa binata. Parang kilalang kilala ng katawan ko ang katauhan nito. Dahil ba ay siya ang first sex ko!? Ganun ba talaga yun? I don't know.
No I am really insane. Kanina na wala ang binata ay pasabi sabi pa ako sa sarili ko na tama ng kalimutan na lang ang lahat pero heto ang binata ay sinusumbatan ko siya kung bakit siya biglang nawala ng walang pasabi.
"Because it was your fault." Tiningnan ko ang mata niya at hindi ako sure kung tama ba ako na parang nasasaktan siya.
"Ganun!? Kasalanan ko. E di wow." Dali dali akong umakyat sa second floor at iniwan ang binata sa baba. Bahala siya sa buhay niya. Ang kapal ng apog niya na sabihing kasalan ko daw at mas makapal ang mukha kong umastang nagseselos. Gosh nakakahiya yun. Aakalain pa ng lalaking na yun na naghahabol ako sa titi---este sa kanya. Ano bang pinag iisip ko bweset talaga ha.
Nagulat ako ng bonggang bongga nang biglang may tumulak sa akin papasok sa kwarto ko na dating kwarto nina mama at papa. Marahan naman ang pagkatulak sa akin pero enough na yun para magulat ako. Ang dating kwarto ko noon ay ginawa ko ng storage room Andun lahat ang mga gamit nina mama at papa. Kaya sigurado akong medyo maalikabok na yun dahil once a year ko lang yun pinapalinis.
"Ano ba?" Sino pa bang sinagawan ko e di ang lintik na ngumiti pa. Ang gwapo niya tuloy... Nakakatawa ba ang ginawa niyang mantulak? Paano kung namudmod ang mukha ko? E di masira na? At bakit d ko narinig na sumunod sya sa akin?
"Don't turn your back when we're talking, lady." Naglakad ito palapit sa akin kaya pa as if naman akong pupunta sa dresser dahil kinakabahan ako.
Nabigla ako ng hinawakan niya ang braso ko. Bakit ba hindi ko marinig ang paglakad niya? Kanina ko pa to napapansin. Lumulutang ba ito sa hangin o nabibingi na ako. Napasukan ba ng tubig ang taenga ko?
"Bitawan mo ako." Utos ko sa kanya. As if naman na makikinig sa akin ang dambuhalang ito.
"I said it was your fault. You hurt me. Pinaasa mo ako."
Kung iisipin ko ang tagpong ito ay para siyang bata na nagtatampo dahil pinaasa na bibilhan ng candy.
Malaking tao nga pero iyakin. Madaling magtampo akala mo kung sinong matapang. Well matapang naman basagulero nga noong high school at noong college. Walang sinasanto kapag napipikon. Ngayon ko lang napagtanto na may kahinaan din pala ang isang Trevor.
"Wow hiyang-hiya naman ang balat ko puwit na pinaasa kita--"
"May balat ka sa puwit? Patingin nga di ko napansin yun?" Akma niyang hihilahin ang laylayan ng suot kong tuwalya kaya pinalo ko ng bote ng lotion ang kamay niya Malakas yun pero parang wala lang sa binata.
"Joke lang ito naman di mabiro. Oo nga kasi pinaasa mo ako. Paasa ka." Umupo ito sa gilid ng kama at tumingin sa akin na nagtatampo pa rin.
Hindi ko siya ma gets at ayokong magtanong kung anong nakakatampo dahil wala talaga akong kasalanan. At isa pa hindi ako girlfriend para magtanong ng mga bagay na ganyan.
"Oh ganyan tama ang ganyan na tatahimik ka lang. Porket nagkabalikan kayo ni Andrew iniitsapwera mo na ako?"
"Ano bang pinagsasabi mo? At saan ka naman nakarinig na nagkabalikan kami ni Andrew?" Oo nga kanino nya ba to narinig??
"Tsk, marinig lang ang pangalan ng gago na yun gusto ko ng basagin ang pagmumukha nun.." mahinang kibot ng bibig nito pero narinig ko yun dahil malapit lang ako sa kanya. Ang paglakad lang nito ang hindi ko narinig.
"Hui sagutin mo ako."
"Hindi ko narinig ninuman. Nakita ko kayo sa isang cafè. Galit ako sayo dahil hinawakan mo ang kamay niya. Nakakainis ka. Sabing wag mo akong iwan sa ere ginawa mo pa rin."
"Hindi kami nagkabalikan. Gago ka talaga. Nag. Usap kami na hindi na kami pwedeng magkabalikan. Dahil.... dahil wala lang. Ayoko na manloloko pa rin siya at hindi kami sa isa't isa."
teka bakit ko ba pinapaliwag sa lalaking ito kung ano ang nangyari nung araw na yun. Hindi ko naman boyfriend ito... pero bestfriend mo kaya pagtyagaan mo na. Sagot ng isip ko. Ewan ko ba at hindi ko mapigilan ang sarili ko na wag aakto ng ganito.
Sumilay ang matamis ng ngiti nito na parang kinikilig. WTF??? KINIKILIG?? may kilig ba ang isang lalaki?? Masasabi ko yun dahil kilala ko ang lalaking to. Namumula ang mukha niya pati na ang taenga.
"Awh..." tanging sagot lang nito at bigla na lang sumugod ng yakap sa akin at pinaliguan ang mukha ko ng matunog na halik.
Bigla kong naaalala ang sinasabi sa akin ni Jane.
"Balita ko pumunta ka raw sa Italy." May bumikig sa lalamunan ko nang matanong ko sa kanya ang tungkol don.
Tumigil ito sa pagsisipsip sa leeg ko at umupo sa gilid ng kama ulit. Tama nga talaga ang sinabi ni Jane na pumunta ito sa Italy. Pilit kong pinagaan ang sarili ko at ngumiti sa kanya.
"Yeah. After I saw you and that bastard---"
"Wag ka ngang magsalita ng ganyan."
Para itong nagalit sa akin na pinagsabihan ko siya ng ganun.
"Sabi mo hindi mo na sya mahal bakit parang hindi naman totoo."
"Sige na palamura ka naman talaga eh."
Lumiwanag ulit ang mukha nito at hinawakan ulit ang magkabilang kamay ko at tiningala ako. Tingnan mo ang taong to. Baliw na ata ang taong to Napaka isip bata. Bipolar. Pinagsasabihan na wag magsalita ng ganun sa kapwa biglang magagalit, masaya sya kapag nagmura o di kayay sandamakmak na mura ang ede.describe nya sa taong hindi niya gusto.
Bad boy talaga ang lalaking to.
"After I saw you and that second-rate, idiot, and motherfucking man, sobra akong nagalit." See mas pinalala niya ang descriptions niya sa ex ko. Juice colored maawa kayo sa kaluluwa ng lalaking to. "Pababa na ako ng sasakyan ko nun nang makita kitang papasok sa cafè. Tumawag sa akin si Dex that we have to talk about the cafè kaya pumunta ako dun kaagad."
Sa kanila pala ang cafè na yun So siya pala yung nakita ko na nasa loob ng kotse pero nakabukas ang window ng passenger seat.
"Tapos?" Tanong ko sa kanya.
"I don't know what happened to me. Galit na galit ako. Gusto kong pumasok at suntukin ang pagmumukha ng lalaking yun... but you held his hand so I back off."
Nagseselos ba ito? He seemed so jealous.
"Naninikip ang dibdib ko, nagagalit ako sa sarili ko dahil hindi pa ako nakaranas ng ganun kagalit na isiping nakipagbalikan ka sa kanya." He murmured enough na yun para marinig ko.
"Balita ko pumunta ka ng Italy." Bakit di ka man lang nagpapaalam? Gusto kong itanong pero pinigilan ko ang sarili ko.
"Yeah I book a flight to Italy. I met Kamille there." Sabi nito.
Ang sakit nung marinig ko mismo sa kanya. So totoo nga. Ang kilig siguro ng feeling ni Kamille nun.
"To clear out my mind... I saw her with her ex... I thought magwala ako or magalit at sugurin sila.... but i felt relieve. I don't know why."
_______________________________________
A/N: Good evening fellas.
Medyo na late ng upload si ako. Busy sa work.
BINABASA MO ANG
Friendship o Relationship: Trevor (For Edit)
General Fiction"Isusumpa ko sayo. Ibibigay ko sa unang lalaking makakasalubong ko ang tanging bagay na kailanmay di mo nahawakan!!" "Baby, please maawa ka wag mong gawin yan. Maawa ka." ..... "Hindi kita pinipilit kong ayaw e di huwag. Hindi lang naman ikaw ang na...