Chapter 21

23.3K 651 13
                                    

Odi's POV.

After two weeks kong bakasyon sa probinsya ay umuwi na ako ng Maynila. Mabuti na ang kalagayan ng lolo ko kaya kampante na akong magbalik sa trabaho.

Kukumustahin ko pa ang kalagayan ni Trevor. Sana may nakaalala na ito. Wala akong tigil sa pagdarasal na sana ay gumaling na ito natakot ako na baka aabot pa ng kabuwanan ko ay may amnesia pa rin ito.

Wala naman akong masagap na balita galing sa mga kaibigan ko tungkol kay Trev dahil bihira lang naman ang signal sa lugar na yon. Kaka-plano pa lang ng gobyerno na magtayo ng cellsite doon.

Gabi  ang flight ko kaya Pagkalabas ko ng airport ay sinundo pala ako ng tatlong mababait na bruha. Parang mga loka-loka lang dahil may gawa pa talagang tarpaulin na WELCOME HOME, Odi.

Nag-effort na naman ang mga kulits ng buhay ko kaya hindi ko na sinita. I miss them so much. . Excited na excited na silang iuwi ako dahil nagpahanda daw sila ng pagkain sa bahay ko at andon ang mga kaibigan namin naghihintay. Para namang galing akong abroad para ganun pero iba kasi ang kinang ng mga mata nila. Kinikilig.

"Guys, kumusta si Trev may progress ba?" Tanong ko ng mag drive na si Jane.

"Wala pa masyado... pero wag kang mag alala naalala niya na my nangyari sa inyo." Sabi ni April. 

"WHAT SINABI NIYA YUN?" di ko napigilan ang sarili kong sumigaw.

" ito talaga o hindi mabiro.". Sabi ni Kayla. Parang may iba sa kanilang tatlo e. Meron akong hindi alam at parang walang balak ang tatlo na sabihin. Baka inlove sila. Magkapanabay talaga?

Kaya tumahimik na ako dahil wala akong mapapala sa kanila kapag  ganyan. Ina-alasan naman nila ako palagi mula ng sinabi ko sa kanila tungkol sa amin ni Trevor.

"Kumusta ka baby. Miss mo na mga tita mo ano?" Sabi ni Kayla since siya ang katabi ko dito sa back seat at hinimas niya ang umbok kong tiyan na apat na buwan na.

"Miss mo na si daddy Trevor? Sipain mo ang espada ni daddy kapag pumasok siya dyan mamaya ha? Mahaba daw yun sabi ni mommy mo baka paglabas mo bugbog sarado ka na. Ok? " Natawa naman ako sa pinagsasabi ni Kayla. Ang halay ng bibig nito. Tumawa rin sina April at Jane.

"Naku tinuturuan mong maging kick boxer yang inaanak natin Kayla. " Sabat ni Jane.

Pagkapasok namin sa subdivision ay naexcite na naman ang mga loka hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay ko. Bakit maraming tao ang Pinapunta ng mga babaeng to. Maraming sasakyan sa tabi kaya alam kong mga bigatin din ang may ari nito. Look at my house maliit lang. D bale sa likod dahil medyo maluwag.

Pagkapasok namin sa bahay ay ngumiti ang mga tao sa akin at binata ako at hindi rin maitago ng iba na nagulat dahil sa tingin nila sa tiyan ko. Ang iba ay napaluha, ano bang meron?

"She's Here man.". Sabi ni Harold sa isang tabi habang karga nito ang anak nitong babae na parang manika. Si Guia. Lihim ko yang pinaglilihian.

"Love,. Surprise---" parang Napako naman ang mga paa ko sa sahig ng biglang lumabas galing kusina ang lalaking pinakamamahal ko. He called me love. Ang gwapo niya, My legs went jelly habang nagkatitigan kami.

Nagsiunahan sa pagbagsak ang mga luha ko sa sobrang saya. Nakaalala na ito pero dinaig ako sa reaction niya. Gusto kong mag-emote but look at his priceless reaction. He was speechless as he  slowly come near me, nakatutok ang mata nito sa tiyan ko. Trevor as he is, iyakin nga talaga tong malaking kumag na ito dahil nagsiunahan ang luha nito. He stares at me at as if napag iwanan siya ng panahon.

There he met me halfway and kiss me deeply at wala kaming pakialam sa paligid kung andyan sila para makita kami. Gusto kong isipin na kami lang ngayon at wala sila. Tinugon ko ang halik niya na nangungulila. Habang niyakap niya ako ng mahigpit. We are both aching for each other.

Two months of having his amnesia is such an unbearable thing that happened to us. Mabuti sana kung isinapubliko namin ang relasyon namin pero hindi dahil naunahan ako ng hiya at takot na tawaging mang-aagaw.

"I... I was supposed to surprise you... but... but you surprised me big time, baby. ." Sabi nito habang umiiyak. Malaking tao pero iyakin naman kaya napapaiyak din ako.

"I hate you, Trev. We've been waiting you for too long". Hindi ko mapigilan ang maiyak ng todo dahil sa tagpong ito. Gusto kong mailabas lahat ng sama ng loob kaya binayo ko siya ng binayo. Hindi naman siya umilag bagkus ay niyakap niya ako.

"Im sorry baby... I am so sorry... hindi ko sinasadyang makalimutan kita. Forgive me, sweetheart..." kahit nasa paligid namin ay hindi napigilan ang maiyak din.

Bigla itong lumuhod para magpantay sa tiyan ko at marahan niya iyong hinamas at hinalikan.

"My child... my child.... wow I am going to be a father soon. Harold, look I am going to be like you pare." Napangiti si Harold sa kanya at nag thumbs up. Pero iba si Harold dahil wala ang ina ni Guia na hanggang ngayon ay hindi nagpapakita kaya single dad si Harold.

Hindi pa nakontento ay bigla nitong inangat ang laylayan ng damit ko at tumambad sa Kanilang lahat ang tiyan ko. Mapipigilan ko ba ang kasiyahan ni Trev na walang balak tumigil sa kakahalik sa tiyan ko ngayon.?

"Son, just do it later, Odi will catch a cold in that." Sabi ng mommy nito at ibinalik ulit ni Trev pababa ang damit ko at hinalikan niya ulit ako at niyakap ulit.

"I really missed you so much my lady." At hinalikan ako sa noo. Nagpalakpakan naman ang mga tao sa paligid.

Lumapit sa amin ang mga magulang ni Trev at niyakap ako nang mahigpit.

"Magiging mamita na pala ako nito... kayong mga bata kayo bakit ba kayo nagtatago e ang tatanda na ninyo. Naku si Helen pareho na kami. Honey, I am so happy." Sabi ni tita habang pinapahiram ang luha at tinignan  nito ang asawa and congratulating us as well.

"Dad, I am going to be a father soon." Sabi ni Trev sa ama At niyakap siya ng ama niya na namumula din pala ang mga mata. May pinagmanahan naman pala itong si Trevor.

Hmmmm sa pagiging iyakin.

Friendship o Relationship: Trevor (For Edit) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon