Flashback part 2
Codileen's POV
Pagbukas ko sa pinto ng banyo lahat na yata ng dugo ko ay umakyat na ata sa ulo ko. Halos wala ng space ang banyo dahil sa gamit ng lalaki na itinitago pala dito? Kaya pala hindi ko na napansin na hindi na ito umuuwi at madalas ang pagpasok nito dito sa banyo.
Ang mga tuxedo nito ay malinis naman na naka hanger at isinabit sa sasabitan ng shower curtain. Ang shower curtain naman ay tinanggal at basta na lang inilagay sa tabi. May malalaking maleta dun na nakabukas pa. May lalagyan ng maruruming damit. Yung boxer niya na nasa banyo ng kwarto ko ay doon na niya iniwan. Malamang nagpapa-dry clean ang lintik. Ang toothbrush nito, kaagad kong kinuha yung isang toothbrush ko. Kaya pala bigla nalang itong mawawala at babalik ulit sa lalagyan? Ginamit niya?
"Pasensya na baby, nung una ko kasing tulog dito ay wala akong dalang toothbrush kaya ginamit ko na yung sayo. Nakakaligtaan ko ng bumili kaya yan muna ang gagamitin ko. Kaya share na lang tayo ha? " Paliwanag nito nang mapansin kong nakasunod na pala siya sa akin.
Bweset na lalaki talaga oh.
"Ah basta yung promise mo ha di mo na ako paalisin. Baby ha? Ha? Sige na please." Para itong bata na yumakap pa talaga sa likuran ko.
"Bakit hindi ko alam na naghahakot ka na?" Tanong ko sa kanya. May magagawa pa ba ako? Siguro nilagay nito yang mga gamit kapag tulog ako.
"Alam ko kasing magagalit ka kaya gumawa muna ako ng storage sa banyo mo. Pinagkasya ko na kasi maliit lang to. Kaya sinabi ko na sayo kasi masikip dito eh. Ililipat ko na sa silid natin baby ha? " hanuraw??? Kwarto namin? Kelan pa naging kwarto niya ang kwarto ko? Anak ng tokwa uh
"Hmp ewan ko sayo." At lumabas na ako ng banyo. Wala naman na akong magawa dahil binuhat na nito ang isang maleta para iakyat sa kwarto kuno namin.
Nababaliw na si Trevor, inilihim na nga tong relasyon namin heto sya at naghahakot na ng mga gamit.
"Babe akyat na. Ako ng bahala dyan."
Tawag nito sa akin at sumunod na lang ako. Paano kung makarating to sa parents niya? Paano kung malaman to ni Kamille? Kung tatanungin ko naman siya ay ayaw niyang pag-usapan si Kamille dahil wala na daw sila. Sino namang maniniwala dun? Kakapunta pa nga lang nito sa Italy, wala na agad. Ano yun wala muna dahil wala sa bansa?? At paano kung malaman to ng mga kaibigan namin?
Pagdating sa silid ay sumampa ako sa kama dahil hinila na naman ako ng antok. Sarap matulog ngayong araw na to. Mabilis ang kilos ni Trev, paglapag ng gamit ay bababa kaagad para kunin yung ibang gamit.
"Love, saan ko ilalagay ang mga gamit ko?" Tanong nito ng matapos na siguro itong maghakot. Bakit ba iba iba ang tawag nito sa akin? Lahat na lang yatang endearment ay tinawag niya. Ako ba kausap niya?
Seriously, kanina sa banyo kaunti lang yung gamit nya, marami nga lang tingnan dahil masikip dun pero ngayon may nadagdag na dalawa pang travelling bag na malalaki na nasa sahig at dalawang bag ng sapatos nito.
"Trevor, balak mo bang gawing storage room tong kwarto ko? Wala naman yan kanina ah. " turo ko sa mga bag.
"Eh love, nakatambak kasi to sa kotse. Ayoko namang gawing bahay yung kotse natin kaya sinabi ko na sayo tong surprise ko." Ngumiti pa ang loko.
Haaaiiisssshh mauubosan ako ng dugo sa lalaking to."Surprise nga. Surprise na surprise ako sa mga gamit mo. Nag Naruto technique. Times two times two times two."
"Babe naman, nahihiya tuloy ako sayo. Sige itatapon ko na lang to para hindi magmukhang storage tong bahay natin." Natin??? Kailan pa naging bahay namin to ni Trev? May nangyari bang masama at lahat ng pag-aari ko ay pag-aari niya at lahat ng gamit niya ay pag-aari ko na rin?
"Wag na, ipapalinis ko na siguro yung isang kwarto dun sa baba para dun ka na."
"Babe naman., gusto ko dito. Ayoko dun kaya nga ako nag-alsa balutan dahil gusto kitang kasama sa iisang kwarto. Babe wag ka na bumangon ako ng bahala dito. Maglilinis ako. " Sabi nito.
Wala. Wala akong kawala, kahit naman gagawin ko yun ay ibabalik din nito ang gamit. Hindi na ako nagsalita. Talo na ako. Sobra niyang sweet kasi eh.
"Ayusin mo yang mga gamit mo. Yang sapatos sa baba yan. Don sa may shoe rack, yang mga dumi mong doon sa may hamper mo ilagay, ikaw na ang bahala dyan at magluto ka ng almusal nagugutom ako. Maglinis ka ng bahay ha dapat pagising wala ni isang kalat,. Ang mga basura itapon mo ha. Yung mga pinggan hugasan mo pati yung ginamit na kawali. " Susulitin ko na ang utusan siya.. Inaantok ako kaya siya ang maglinis ng bahay bahala siya.
"Yes love. Just sleep ayokong mapagod ka ngayong araw basta mamayang gabi na kita papagurin." Ayan na naman ang madumi nitong pag-iisip inirapan ko siya and the jerk just winked at me. Hindi ko aakalain na ang lalaking to ay bastos palang magsalita at sobrang green ng mga salita nito. Sobra naman nitong bait noong bestfriend ko to dati ah.
"Bumili ka ng condom!" Sabi ko sa kanya at nangunot naman ang noo nito.
"No. I want you raw and I don't need that bubble gum." Sabi nito, bubble gum daw, loko-loko kasi yang taong yan. Nakakainis.
"Then buy me pills, kailangan natin yan---"
"Codileen, don't you dare use that. If I found you out using that stupid pills, swear to gods Cody, I will close all that stupid drugstores." Bigla na lang itong nag beast mode.
Ako ba tinatakot nito?
"Hui, pasalamat ka at hindi mo ako matyempohan na fertile, paano kung mabuntis ako?" Sa inis ko ay binato ko siya ng bote ng lotion. Natamaan naman ito at parang wala lang naman dahil tumingin lang ito sa akin. Blangko.
"Cody, so what if I impregnate you? We're old enough, kayang-kaya kita buhayin ng mga magiging anak natin kahit isang dosena pa yan. I would be the happiest man ever made kaya itulog mo yan at magpalakas ka dahil hindi talaga kita titigilan hangga't hindi kita nabuntis. I want to see you bearing my child, God can't wait to see you having a bulge tummy."
Lumapit ito sa akin at hinalikan ako sa labi tapos sa noo.
"Kaya sleep ka muna dahil mag-aayos muna ako ha? Wag kang makulit at baka makulitan ako sayo I might punish you til you can't even stand on your own two feet. What do you think, sweetheart? Interesting right?"
Bago pa makapag-isip ng kahalayan tong lalaking to ay kaagad akong nahiga at pumikit. I heard him chuckling then go back to his work. Hanggang sa hinila na naman ako ng antok at nakatulog na rin.
___________end of Chapter 16 __________
![](https://img.wattpad.com/cover/139701929-288-k91645.jpg)
BINABASA MO ANG
Friendship o Relationship: Trevor (For Edit)
Fiksi Umum"Isusumpa ko sayo. Ibibigay ko sa unang lalaking makakasalubong ko ang tanging bagay na kailanmay di mo nahawakan!!" "Baby, please maawa ka wag mong gawin yan. Maawa ka." ..... "Hindi kita pinipilit kong ayaw e di huwag. Hindi lang naman ikaw ang na...