Demonice 's pov"Salamat mizuie" sabi ko kanya pag katapos nyang gawin ang pinagagawa ko
"Wa..wala..walang a.aa.ano man m..mas..master" nauutal nyang Sabi saken
Medyo nahihirapan syang ibuka ang kanyang bibig dahil na aagnas na ang kanyang kalahating parte. Isang doktor si mizuie nag kamali sya sa isang eksperemento nya tungkol sa mga baging kaya yun ang kinamatay nya pero in a good way yun din ang naging powers nya. Astig diba? Aminin nyo na kasi.
"Uhm.." ungol ng isang alipores ni carie
"Asan tayo?" Sagot ng isa pa
"Nasa mundo kayo ng mga prinsesa" natatawang sabi ni shai
"Ano??!" Clueless na sabi ng pangatlo
"Nasa mundo kayo ng magagandang prinsesa ako nga pala si prinsesa shai" pakilala naman ni shai sa sarili nya
"Wag mo nga kaming pinag loloko! Hindi lang kayo mga weirdo mga baliw pa kayo!" Sigaw ng pang apat
Uminom ako ng wine na nasa baso ko saka ako sumagot
"Nasa teritoryo ko kayo" Malamig kong sabi
"Yu.. yung mata mo!?" Si carie
"Ahh yung mata ko ba? Eh ito ano to?" Sabi ko sabay labas ng pangil ko
"Ahhh!!!!" Sigaw nilang lima"
"Ang ingay naman masyado" iritang sabi ni leona
"Oo nga shhh.. kasi" shai said
"Anong kailangan nyo samen!" Lakas loob na tanong ni carie
"Ako wala nadamay lang ako dito hahaha~" sabi ni shai
"Ako meroon" sabi ng nakangiti
Nag lagay ako ng wine sa baso na hindi pa nagagamit at saka ko inalok sa kanila
"Gusto nyo? Masarap to promise! Lasang dugo ng tao na may grapes flavor"
Halos masuka sila ng inunom ko ang baso ko at dinilaan ang tumulo sa bibig ko.
"Sarap.."
"Pakawalan mo na kame dito!"
"Saka na kapag ubos na ang dugo mo sa katawan"
Namutla naman si carie sa sinabi ko. Pft..
"Carie carie.. sayang ang ganda mo malandi ka lang. Tsk! Tsk!" Sabi ko sabay lapit ng mabilis sa kanya
"Pero hanggang dun na lang yun. Ang ayaw ko kasi sa lahat ay yung inuubos ang pasensya ko. Lalo na kung dahil lang sa lalaki ang pag uusapan"
Walang sabi sabi ay agad kong kinagat ang leeg nya. Saka ininom ang dugo nya hindi ko sya tinantanan hanggat hindi sya nagiging kalansay.
Ito ang totoong ako..
Naramdaman kong namula ng todo ang mata ko Ngumiti ako at binahiran ang muka kong may dugo.
"Ikaw na talaga kill" pumapalakpak na sabi ni shai
"Hindi naman ako katatakutan kung Hindi naman ako katakot takot diba?" Natatawang sabi ko
"Now its my turn to drink and eat my food" sabi ni shai saka kinagat ang isa sa mga alepores ni carie
Nag mamakaawa sila pero wala ako sa wisyo maawa ngayon. Walang wala ang awa saken.
Ganun din ang ginawa nila leona at leone kahit na bawal sa batas ng bampira ang uminom ng dugo ng tao ay ginawa pa din namin masama na ba kami nun?. Pft.. i don't think so. Ng matapos kame ay agad ding kameng umuwi display lang ang iniwan namin ni walang bakas na pumatay kami ng tao.
Dumiretcho ako sa kwarto ni Demonica. At tulad ng ilang araw na nag daan pa iba iba ang nakikita nya. Ayaw ko pang malaman nya kung ano talaga sya hindi ko pa masyadong matatangap yun. Ayaw kong mawala sya saken sya na lang ang Meroon ako at ayoko pang pati sya mawala
"Mama"
"Bakit anak? May nakikita ka nanaman bang panaginip?"
Tumango sya saken at umupo sya lubos na namamayat na si demonica. Marahil sa lakas na yun ng kapangyarihan nya
"Mama may nakita po kong babae kamukang kamuka mo po sya! Mama wag ka pong sasama sa kanya ahh. Masama po sya mama.. masamang tao po sya"
Kamuka ko??
Kakambal??
"Anong ibig mong sabihin anak? May Kakambal ako?" Tanong ko
"Hindi ko po matukoy mama ehh. Black po kasi lahat at wala po syang muka pero parang anino mo po sya mama"
"Matulog ka na ulit anak" yun na lang ang nasabi ko sa kanya at agad syang iniwan ng makatulog sya agad kong pinuntahan si asuzana. Pakiramdam ko may tinatago sya saken
"Bakit po reyna?" Magalang na sabi nya saken
"Totoo ba asu!?" Nataas na tono kong Tanong nagulat naman sya dun
"Ang alin po reyna?"
"Na may kakambal ako!? Pero hindi sya nag e exist sa mundo!?"
"San mo po nalaman yan?"
"Wala na tayong pakialam kung saan ko nalaman ang tanong ko ang sagutin mo!"
"Meroon po mahal na reyna. Pero hindi sya dapat makilala ng ninuman o Mabuhay hindi sya bampira o kung ano pa man"
Nakuyom ko ang kamay ko at Naramdaman kong dumudugo na yun dahil sa kuko ko
"Bakit hindi ko alam yun!?"
"Dahil pinili ng iyong ina na hindi sya ipakilala sayo master" its icy
"At bakit hindi!?. Kakambal ko sya! Kapatid ko! Dugo at laman ko ang nalalaytay sa katawan nya! Iisa lang kame ng magulang!" Nang gigil kong sabi sa kanila
"Mali ka master hindi mo sya Kakambal ipinanganak kang nag iisang anak. Isinumpa sya ng pamilya ng mga dark binuo sya para sinarain kayo at ang angkan ng mga vintage"
Sino ba namang sira ulong kakambal ang gagawa ng ganun!? At anong sumpa!? Mga baliw na sila!? At dark!? Sino ang mga hanayupak na yun!?
"Madami akong hindi nalalaman! Gusto kong sabihin nyo sa aken ang lahat ng kailangan kong. Malaman ngayon din!" Utos ko sa kanila
"Maraming taon na ang nakakaraan ng sinakop ng mga dark ang palasyo ng mga vintage. Isinumpa ng hari ng vintage ang iyong ina namatay ang iyong ama dahil sa mga dark. Ng dumating ang kapanganakan ng iyong ina ay inalayo ka nya sa kakambal mong walang katawan. Isa lang syang ispirito na kulay itim. Para sa iyong kaligtasan ay ikinulong ko ang kakambal mo sa isang lugar kung saan walang ibang makakapunta maliban saken"
"Dalhin mo ko sa kanya ngayon din!" Madiing utos ko
"Hindi maari master at kahit pumunta tayo dun ay wala na tayong aabutan dun. Nakalaya sya sinira ng hari ng dark ang barrier na ginamit ko sa kanyang kinalalagyan at sya na ngayon ang reyna ng mga hollow vampires isa na syang kalaban. At hanggat hindi ka pa nya nakukuha ay pro protektahan kita."
Hindi ako makapaniwala..
---
YOU ARE READING
The Vampire Queen
VampireShe was the queen She has a red eyes She will kilL you with no mercy she is the VAMPIRE QUEEN