Ov 39

222 6 0
                                    

Dremonice's pov

Umalis na ang babaeng tinawag nilang mahal na reyna, at sabi ni milord kakambal ko daw sya pero bakit Hindi ko sya kamuka? At katawan nya? Bakit nasaan ba ang katawan nya? At bakit ko kukunin yun? Gayun mang Hindi ko pag mamay ari yun?

"Tila malalim ang iyong iniisip mahal kong alagad"

Yumuko ako bilang paghingi ng tawad.

"Paumanhin po milord hindi ko po kasi mawari ang sinasabi ng inyong panauhin kanina"

"Hahaha.. Sya yun ba? Sya lang naman ang reyna ng mga bampira , sya ang anak ng inyong mga magulang bago ko isumpa ang mama mo nung ipinag bubuntis nya yun."

Wala akong maintindihan pero pinili ko na lang manahimik na lang. Kakausapin ko ang babaeng yun o tamang sabihin na kapatid ko,

Matagal na kong naninilbihan kay milord hindi lang ako nag papakita sa iba bampira man yan o tao nanahimik ako sa aking kulungan kung saan daw ako nababagay. Si milord ang tumayong ama saken sya ang nag kuha saken sa impyernong kinalalagyan ko dati ang sabi nya saken isang dream waver ng aking ina ang may gawa nun saken ayaw kong maniwala pero pinakita nya saken ang nakaraan. At tama nga sya, isang dream waver nga ang nag dala saken sa impyerno. Inalagaan ako ni milord hanggang sa binigyan nya ko ng pangalan dremonice Killian vintage ang ipinangalan nya saken hindi ko alam kung bakit pero tinanggap ko ang pangalan na yun. Umalis na si milord sa kanyang kinauupuan at saka sya nag lakad palayo saken pero tumigil din sya ilang metro ang layo saken

"May balak ka bang sumama sa iyong kapatid?" Tanong ni milord saken

Aaminin kong nagulat ako sa kanyang tanong kaya hindi ako agad nakasagot sa tanong nya. Pero mukang huli na para sumagot na ko unting unti nag lalaho ang aking katawan at para ba kong dinadala sa ibang demensyon. Nagkakapagtaka pero napunta ako sa isang bahay?

Ehh ano namang gagawin ko dito?!

Tiningnan ko ang katawan ko at "wala akong paa! The pack?! At ang pananalita ko! Tila nag bago?!" sabi ko sa sarili ko

Muka akong tanga ! Kinakausap ko ang sarili ko! Tss..

"Sino ka?! At bakit kamuka mo si demon?!" Tanong saken ng isang babae

"Demon? Demonyo ba kamo? Kaharap mo na hinahanap mo pa?" Pag tataray ko sa kaharap kong mangkukulam ata

Sasagot na sana sya ng biglang may dumating na sasakyan at bumaba dun ang 'kapatid ko daw' may mga kasama sya.

"Ohh.. Marino anong ginagawa mo jan? At sinong kausap mo?" Tanong ng kapatid ko daw

"Pumasok na kayong lahat maliban sayo demon mag uusap tayo ngayon din"

Pumasok ang mga kasama ng "kapatid ko daw" at natira ang kapatid ko daw kasama si "marino" daw bakit ba puro ako may "daw" tss..

"Ano ba yun marino?! Dalian mo naman ! Naantok na ko ii!"reklamo ni demonice

"Ilagay mo sa real form ang mata mo" utos ni marino

Nakiki ' marino na ko hmp!

"Bakit ba! At talagang dito?! Pano kung may makakita saken dito! Hindi ka ba nag----"

"Gawin mo na lang! May dapat kang makita dalian mo!"

"Oo na oo na ! Tss.."

Nakita ko ang pag babago ng mata ni demon kanina kulay asul ito ngayon pulang pula na gaya ng kulay ng dugo kagaya ng akin.

"Oh tapos?!" Iritang tanong nya

Itinuro ako ni marino humarap saken ang kapatid ko at laking gulat nya na nasa likod nya ko.

"Anong nangyari sayo?" Tanong ni demon saken

"Ewan ko pinadala ako ni milord dito pwede bang paki hanap ng paa ko?! Muka kasi akong ispirito dito----" hindi ko na natuloy ang sinasabi ko ng may marinig kaming tunog ng isang kadena

*kling~ kling~*

(A/n: sorry sa kadena chuchu ko huhuhu :3)

"Hindi aksidente ang pag papadala sayo dito isa ka ng ligaw na ispiritu na dapat komonekta kay demon." Sabi ni marino

"Ano bang sinasabi mo jan marino? Wag ka ngang mambaliw yan! Sasakalin kitang mangkukulam ka!" Sigaw ni demonice kay marino

"Hindi ako nag bibiro demon konektado na kayo sa isat isa ngayon. Sa oras na matanggal ang kadenang yan na nasa leeg mo lalabas ang kapatid mo" paliwanag ni marino

Teka? Kadena?

Kinapa ni demonice ang leeg nya at may kadena nga yun at may krus sa gitna pula na may mata ang gitna ng krus. Kulay silver ito. Teka?! Naguguluhan na ko!

"Teka teka? Ang akala ko ba sa kanya mapupunta ang katawang to? Pero bakit parang pinagsasama na kami sa iisang katawan ngayon?" Tanong ni demonice

"Yun nga din ang nakakapagtaka eh. Pero kailangan nyong gawin yun pero mag iingat kayong dalawa. Madaming mapapanganib na nilalang ang makakasalamuha nyo madaming bagay ang mag babago at madaming bagay ang darating pa, kailangan na nating mabawi ang katawan mo kay aya at ikaw sumama ka samen"

Sumunod ako sa kanila dahil wala naman akong choice naka connect ako kay demonice kaya kahit ayaw ko. Sunod pa din ang ending ko

Nakarating kami sa basement ng bahay ni demonice grabe ang dilim naman dito,

Maya maya ay lumiwanag na at may gate keeper na ang nandun siguro talagang malakas ang kapatid ko. Ang sabi kasi saken ni milord ay mag kakaroon ka ng gate keeper kapag malakas kang nilalang.

Pumasok kami sa portal na gawa ng isang gate keeper at ilang minuto lang ay may naka abang ng karwahe. Bumaba ang nag mamaneho saka sya yumuko sa kapatid ko at binati sya

"Maligayang pag babalik mahal na reyna demonice" sabi nito sa kapatid ko

Pinag buksan kami ng nag mamaneho ng karwahe saka kami pumasok pero teka?! Sila lang ba ang nakakakita saken?!

"Sa tanong mo? Mukang ganun na nga grabe naloloka na ko sa mga nangyayari at konti na lang talagang sasabog na ang utak ko." Bagot na sabi ni demonica samen

"Buti nga kapatid lang na kakambal ang iyo saken?! Triplets ! Anak ng mangkukulam! Lahat kami puro aya ang simula ng pangalan pero iba iba ang katayuan mang kakamuka pa ! Mas nakaka stress ang ganun" sagot naman ni marino

Napansin ata nilang wala akong naiintindihan sa mga sinasabi nila.

"Wag kang mag alala kapag ayos na ang lahat ipapaliwanag ko sayo pati ang buhay ko nung hindi pa kita kilala. Pangako yan.."

----

The Vampire Queen Where stories live. Discover now