Author
Mula sa malayo ay nanonood si a'riel ang pinuno ng mga oracle at si manuel na kanyang alagad.
"Hinahanap nya ang reyna mahal na oracle" pag bibigay alam ni manuel sa kanyang master ngumiti lang si a'riel at saka nag patuloy sa panonood sa laban.
Hindi nag tagal ay dumating na ang kanilang inaasahan. "Hindi po ba natin sya pipigilan?" Tanong ni manuel sa kanyang master.
"Hindi mukang matutuwa ako sa mga susunod na mangyayari" nakangiting sabi nito sa alagad nagtaka pero nanahimik na lang ang alagad sa sinabi ng kanyang master.
Samantala..
Tumatakbo ang isang binata papunta sa kinaroroonan ng kanyang minamahal. Sinusundan lamang nya ang malakas na pwersa na kanyang nararamdaman napatigil sya sa pag takbo kasabay ng pag talsik sa kanya ng katawan ni dremonice na puro sugat na.
Agad naman nya itong nilagay sa kanyang binti ng dahan dahan hindi nya alam ano ang gagawin. Idinilat ng dalaga ang malumanay nitong mga mata at saka ngumiti ng malungkot
"Ikki ikaw pala" nang hihinang sabi nito sa kanya
"Dremonice kamusta si demonice ayos lang ba sya ha?!" Nag papanic nitong tanong sa babae
"Ayos lang sya pero etong katawan namin ang hindi"
"Ano ba ang pwede kong gawin?!" Tanong ng binata sa dalaga
Nag pumilit na tumayo si dremonice kahit na punit punit na ang suot nitong damit at puro sugat at dugo na ang kanyang katawan ay sinubukan nya pa ding tumayo, Inalalayan agad sya ni ikki.
"Laban namin to ikki umalis kana"
"Per----"
Nanlaki at tila tumigil ang mundo ng dalawa ng makita nya ang matutulis na kamay ni yue na sumaksak sa mismong katawan ng binata.
"ANG AYAW KO KASI SA LAHAT AY YUNG MADAMING ISTORBO! HAHAHAHA!!" sabi ni yue at saka hinayaan ang katawan ng binata sa sahig at naliligo sa sariling dugo.
Hindi kaagad nakagalaw ang dalagang si dremonice kahit sya ay nagulat sa mabilisang pang yayaring yun. Halo halong emosyon ang nabuo sa kanyang loob pero mas nanaig ang kanyang galit.
Unti unting nag liwanag ang kanyang buong katawan isang liwanag na nag babadya ng puot at kamatayan. Mula sa kulay abo nitong buhok ay napalitan ito ng kulay dugo na buhok humaba ang kanyang kuko at nakakatakot ang awra na sa kanya ay bumabalot.
Humiwalay sa katawan ang isang kaluluwa na syang kaluluwa ni dremonice at ang naiwan ay ang katawan ng isang dalagang may pakpak na kulay pula.
Mula sa maamong muka napalitan ito ng isang nakakatakot na itchura may pangil at mahaba ang kanyang kuko.
"Mukang nahuli ako" hindi makapaniwalang sabi ni ayarino kasama ang kapatid nitong si ayase at hino
"Hindi pa huli andun pa ang existence ni dremonice kung mapapababa natin sya dito baka sakali pa" kumento naman ng kapatid nya na si hino
"Magaling kapatid ko! Ako na bahala!" Sagot naman ayase kinumpas nya ang kanyang kamay at nag salita ng ibang lenguahe mula sa malayo may malaking kamay ang kumuha sa kaluluwa ni dremonice
"NGAYON NA!!" sigaw ni ayase sa dalawa agad naman kumilos ang dalawa at inayos ang katawan na gagamitin ni dremonice para makumpleto na ang lahat.
Maayos na nailipat ng mag kakapatid ang kaluluwa ni dremonice sa isang katawan may cast din ito ng spell na kagaya ng kay demonice. Dumilat ang isang babae na nakahiga sa sahig
"Perfect!!" Sagot ni ayarino
Tumingin sa kanila ang babae na tumayo mula sa pag kakahiga at saka inispeksyon ang sarili.
"May katawan na ko" hindi makapaniwalang sabi nito sa kanya pero kahit lubos na nagagalak sya ay hindi pa din maalis ang galit nya sa kanyang sarili dahil hinayaan nyang mangyari ang bagay na yun sa lalaking mahal ng kanyang kapatid.
Pumikit sya at pinakiramdaman ang kanyang kapangyarihan at gaya ng sa kanyang kapatid ay nakaroon din sya nag pag babago ang kanyang mata ay napalitan ng kulay abo at ang kanyang pakpak ay naging kulay itim.
Sumugod ang dalawa kay yue kasama ng kanilang familiars. Hindi mawala ang galit ng dalawa sa imortal na kanilang kinakaharap ngayon sumugod sila ng sumugod at hindi binigyan ng pag kakataon na umatake si yue.
Samantala ang tatlong mag kakapatid naman ay kinuha ang katawan ng binata na nakahandusay sa sahig at naliligo na sa sariling dugo.
"May gahd! Ano ba yan! Kawawa naman si cutie" sabi ni ayarino
"Tumigil ka nga jan rino! Nakakahiya ka!" Saway naman sa kanya ni ayase
"Ako ng bahala sa kanya madami ng dugo ang nawala sa kanya" sabi ni hino pero agad naman itong pinigilan ni ayase.
Takang napatingin naman ang dalawa sa kanilang ate marahang umiling lang ito at mukang naintindihan nila ang gustong sabihin nito sa kanila.
"AHHHHH!!!" napatingin ang tatlo kasama ng dalawang oracle sa sigaw ng isang nilalang.
Tapos na ang laban nanalo ang mag kapatid. Parehong hingal ang dalawa at puro sugat pero masaya sila at natapos din ang laban , bumalik na si yue sa dati nitong anyo pero bakas pa din dito ang kanyang putol na pakpak at nanghihinang katawan nito.
"Tapos ka naaaaaa!!!" Sigaw ni demonice pero agad naman syang napahinto ng may maalala sya.
"Hindi muna pala dapat yue may ipapakilala ako sayo ipadala mo na kami dun ayarino" utos ni demonice kay ayarino na isang female witch at may kakayahang mag teleport ng isang bagay o tao sa kahit saaang demensyon gaya ng sa kapatid nyang si hino.
Nag alalangan man ay sinunod nya ang utos ng kanyang reyna hindi na si demonice ang kaharap nya at ang nag salita tingin nya ay ibang nilalang na ang nag salita nun sa kanya.
Sa isang kumpas lang ng kanyang kamay agad na naglaho ang tatlo. Napunta ang tatlo sa isang kaharian ng dyablo, ngumiti ang dalaga ng makita ang dyablo na prenteng nakaupo sa kanyang trono at may kadena ang leeg.
"Ohh! Dinner is serve" sabi ni demonice at saka ngumiti ng malawak
Ngumiti din ang dyablo at kinuha ang nanghihinang katawan ni yue.
"Napakagaling anghel nais kong makilala ang kasama mo? Sino sya?" Pagtatanong ng dyablo
"Kapatid nya ko ako nga pala si dremonice killian vintage isa akong anak ng isa pang dyablo at dito ako galing" pakilala nya sa kanyang sarili
"Hahahaha!! Oo naalala kita! Ikaw ang anak ni tetanos ! Akalain mo yun nag kita tayong muli? Kamusta naman ang pakielamerong kumuha sayo dito?" Tanong ng dyablo sa dalawa
"Sya ang may dahilan bakit ka naka kadena jan diba? Oras na para gumanti ka " malademonyong sabi ni demonice sa dyablo
Napangiti ang dyablo sa kanyang narinig..
"Gusto ko yang balak mo anghel"
----
YOU ARE READING
The Vampire Queen
VampireShe was the queen She has a red eyes She will kilL you with no mercy she is the VAMPIRE QUEEN