Ov 41

248 4 0
                                    

Demonice's pov

Bumaba na kami ni marino sa karwahe kasama si dremonice hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na maghahati kami sa katawan. At ang mas malala pa dito kapag natanggal ang krus na to sa leeg ko lalong delekado ,

Pumunta kami sa laboratoryo ni ayase kapatid na ayarino tss.. Nakakapikon ang mga pangalan nila nakakalito!

At dahil hindi uso saken ang "katok" binuksan ko ang pinto ng walang pasintabi

"Ohh ate ? Demonice!! Bakit kayo andito? Busy ako sa bago kong laruan ehh" naka pout na sabi ni ayase

"Kapatid ko tigilan mo nga yan! Nakakadiri ka! Takpan mo yan kung ayaw mo yan mag laho sa paningin mo!" Banta ni marino sa kapatid nya

"Opo ate" sunod naman nito

Habang inaayos nya ang "laruan" nyang isang bampira na wala ng patutunguhan sa buhay ay nagsalita sya.

"Hindi ko akalaing mag kikita pa tayong muli" sabi ni ayase

"Sino bang tinutuloy nya? Ako ba?" Tanong ni dremonica saken

Tumango ako sa kanya bilang sagot yumuko naman sya na para bang may naalala syang isang bagay.

"Anong pakay mo kay demonice? Kukunin mo pa rin ba ang katawan nya? Pwes nag kakamali ka hinding hindi mo makukuha yun! Alang alang sa alala ni asuzana hindi ko ibibigay ang hindi IYO!" sigaw ni ayase

Sa tagal na naming nag kasama ni ayase ngayon ko lang sya nakitang nagalit ng ganyan. Isang mahinhin na babae si ayase at hindi makabasag pinggan kahit na obsess sya sa mga organs.

"Huminahon ka ayase, kaya kami pumunta dito ay para bawiin na ang katawan ni demonice kasi kailangan nilang dalawa yun. Mahina ang katawang ginagamit ni demonice kaya Hindi nya natatawag ang mga familiars nya. Wag mo pairalin ang init ng ulo mo" paliwanag naman ni marino sa kapatid nya

"Ano bang sinasabi mo jan ate? Hindi pwede yun! Namatay si asuzana maipagtanggol lang si demonice tapos ibabalik mo lang may sabit pa?!"

"Si demonice mismo ang nag pasya kapatid ko. At namatay si asuzana na may dangal kinokontrol lang ang ispiritu ng kakambal ni demonice wag kang mag alala babantayan ko silang pareho balik mo na ang katawan ni demonice sa kanya."

Tumango lang si ayase sinama nya kami sa lugar kung saan nakalagay ang katawan ko. Agad akong humiga sa isang kama ganun din si dremonice nasa gitna namin ang katawan ko.

"Sundan nyo ang boses ko dadalhin kayo nito sa katawan at tamang lugar hawak kamay kayong pupunta sa katawang yun maliwanag?"

Tumango kaming dalawa bilang sagot kay marino na syang mag ga guide samen sa katawan ko.

Pumikit na kaming dalawa at saka pinakiramdaman ang isat isa hindi ako makapaniwalang kamuka ko talaga sya. Pero sa nagbago na ang kulay ng buhok nya. Naging kulay puti yun at at mas nag matured ang muka nya malamang at sa malamang yan ang lalabas kapag natanggal ang krus sa leeg ko.

Hinigop kami ng malakas na pwersa pagkatapos ng pagbabago ni dremonice naririnig pa din namin ang boses ni marino.

Pag dilat ko nakita ko na ang hallow na katawan sa tabi ko. Nakabalik na ko sa katawan ko!

"Mas gumanda ang itchura mo ngayon demonice" sabi saken ni marino

Alam ko maganda na ko pero mas gumanda wew? Binigyan nila ko ng salamin at dun ko nakita ang pag babago ng itchura ko. Tama nga sila lalo akong gumanda

Naging itim ang mahaba kong buhok at umiilaw ng kulay pula naman ang mga mata ko.

"Handa ka na bang bumalik sa palasyo mahal na reyna?" Tanong ni ayase saken

Ngumiti ako at saka tumango.

Sumakay ulit kami ng karwahe at saka bumaba sa palasyo matagal tagal na din bago ako nakabalik dito. Binati ako ng mga bampira na nakasalubong ko ang iba naman ay nagulat pumunta ako sa kwarto ko at naligo at nag bihis. Sinuot saken ang isang dress na kulay silver at isang crown , ang crown ng mama ko napangiti ako na iimagine ko kasi suot to ni mama at nakaupo sya sa trono na uupuan kong muli bilang reyna.

Pagkatapos nila akong ayusan ay tumayo na ko, saka nag lakad palabas ng kwarto. Ito na to!

Lumakad ako papunta sa bulwagan lahat ng bampira ay agad na tumayo at yumuko sa harap ko. Lumakad ako papunta sa upuan ng aking ina saka umupo dun,

"Maligayang pag babalik mahal na reyna demonice" sabay sabay nilang sabi saken

Itinaas ko ang aking kamay bilang pasasalamat din, ewan tamad akong mag salita..

"Nais kong malaman nyong lahat na ngayon ang araw ay kakailanganin na ng ating reyna ang bagong hari."

Wait?! What?! Hari?! What the fuck?!

Napatayo ako sa kinauupuan ko sa narinig ko! May mali talaga dito.

"Anong hari ang pinagsasabi mo punong tagapamahala?! Hindi ako naparito para jan! At walang nakapag sabi saken tungkol jan!" Sigaw ko sa mga ministro na walang ibang alam kundi gawing aso ang mga maharlika.

"May nakapagsabi po samin mahal na reyna na mayroon na po kayong napupusuan. Ngunit isa ho syang tao mahal na reyna napag pasyahan ho naming---"

"Kapag itinuloy mo pa ang sasabihin mo mawawalan ka ng ulo." Malamig na sabi ko sa ministro

"At sabi ko sa inyo ang ayaw na ayaw ko sa lahat ay ang pinakekelaman ang personal kong buhay."

"Pero mahal na reyna nangangailangan na po tayo ng inyong katuwang lumalaki na po ang bilang ng mga hollow vampires sa labas ng barrier ng ating palasyo kahit sa ibang palasyo ay yun din po ang nais." Sabat ng isang duke

"Katuwang? Bakit? Hindi pa ba ako sapat sa inyo? Well. Para sabihin ko sa inyo dalawa na ko ngayon."

(Kapatid anong gagawin mo? Wag mong gawin ang balak mo hindi pa ko handa para jan)

*pasensya na kapatid ko pero kailangan mo na tong harapin*

Tinanggal ko ang krus sa leeg ko at..

Dremonice's pov

Maliwanag ang buong paligid kulay pula ang lahat. At pakiramdam ko sobrang lakas ko at hindi lang yun parang naiinis ako na hindi ko mawari

"Sino ka?! Asan ang reyna?!" Tanong ng isang pipityuging nilalang.

"Ako si dremonica killian vintage ako ang kakambal ni demonice para sabihin ko sa inyo hindi nyo dapat minamaliit ang kapatid ko. Dahil ang ayoko sa lahat ay yung may nanghihimasok sa buhay ng kapatid ko. Oras na maulit ang kalokohang to ipapakita ko sa inyo ang totoong kapangyarihan ko."

Kinabit kong muli ang krus sa kadena at..

Bumalik na ang kapatid ko..

----

The Vampire Queen Where stories live. Discover now