Demonice
Ilang araw na ang lumipas mag mula ng umamin si ikki saken. Pero ipinasawalang bahala ko lang yun , alam kong hindi tama ang ginagawa ko pero ayoko syang idamay dito lalo nat nanganganib ang buhay nya. Ito rin ang dahilan kung bakit ko inalis ang presensya ko sa buhay nya at hindi ko aakalaing mag kikita nanaman kami at ito nanaman ang kahahatungan namin. Patuloy na sumisikat ang night core band namin at dun pa din kami tumutugtog kay marino kasama ang ibang banda na gustong tumugtog dun ng libre.
"lalim ng iniisip mo" nilingon ko ang nagsalita at nakita ko si yue isang anghel din nakilala ko sya nitong mga nakaraang araw lang. Tulad ko din sya pero iba sya , isa syang creator at ako ang distraction ang galing diba?
"ikaw pala yue anong ginagawa mo dito?"
"kilala mo pa pala ko? akala ko hindi ka marunong tumanda ng pangalan pero natutuwa ako at kilala mo pa ko" magiliw na sabi nito saken
"distraction ako yue hindi destroyer ano bang ginagawa mo dito?"
"binibisita ka lang? masama ba yun ha? mahal kong distraction angel?" sabi nito saka hinawakan ang baba ko
Tinapik ko ang kamay nya saka sya tiningnan ng masama agad naman syang lumayo saken at nag taas ng dalawang kamay.
"chill masyado kang hot eh well hot ka naman talaga ! ang totoong pakay ko dito ay ang hanapin ang destroyer angel"
Ano kamo? destroyer angel?!"oo may destroyer angel kung may creator may destroyer ikaw na distraction ang walang karibal. Meaning kamatayan ang bubulaga sayo"
"ehh bakit mo pala hinahanap ang destroyer angel ? may panganib ba ?" tanong ko
Ang bawat anghel kasi ay may katumbas na tungkulin lalo na sa isang lugar o nilalang. At ang mga anghel na kagaya ko ay may iba't ibang anyo pwede kaming maging bampira na maaring lumipat sa katawan ng iba , o maging isang anghel na tao o , maging isang anghel pero maaring sumanib sa katawan ng ibang nabubuhay tulad ng kay yue na sumanib sa katawan ng isang batang lalaki.
"oo meroon kaya kailangan ko syang mahanap lalo nat magulo ang vampire world."
"panong magulo?"
"hindi mo ba nabalitaan ? nakawala na ang kakambal mo! hinahanap ka nya sa vampire world ang buong akala nga nila ay ikaw yun pero hindi pala salamat sa tulong ng doktor na kaibigan mo, naging ok na ulit pero hindi yun sapat na dahilan para manahimik ako kailangan kong hanapin ang pangatlong anghel"
"teka nga! kakambal ko? papaano mong nalaman na may kakambal ako hindi ko naman sya na ikuwento sayo? at bakit alam mo ang vampire world sino ka ba talaga yue ?!"
"nahuli mo ko dun , mahal na reyna demonice kill vintage totoo ngang napakatalas ng pandinig mo , tama ka alam ko ang vampire world dahil dun ako galing bago mo ko nakilala. Matagal na kitang hinahanap pero mailap ka wag kang mag alala hindi kita sasaktan kilala ako ng kaibigan mong doktor. Yue pa din ang totoong pangalan ko isa akong anghel creator pa din ako"
"wala akong pake kahit ano ka ano ka pa ! ang tanong ko ang sagutin mo ano ang kailangan mo sa destroying angel?!"
"wooah! chill ka lang, tulad ng sinabi ko kanina hinahanap ko upang pigilan sya. Ang sabi saken isang dark ang destroying angel kaya naisip ko baka may dark dito sa grupo mo"
Ano isang dark?! hindi kaya?! pero hindi! wala sa kanya ang pagiging isang destroying angel !
"wala akong kilala yue makakaalis ka na"
"ganun? kung may alam ka maari mo kong sabihan para makumbinsi ko syang umanib sa kabutihan. Tandaan mo mahal na reyna hindi basta basta ang isang destroying angel kaya nyang mawala ang lahat sa isang pitik o salita nya lang."
Umalis na si yue pero nasa utak ko pa din ang sinabi nya. Pero hindi talaga pwede ang sinasabi nya! isa syang normal na tao at kung isa nga syang destroyer angel bakit hindi ko nakita sa kanya yun?!
At sa dinami dami ng nilalang bat sya pa?!
Tumulo ang luha sa mga mata ng mapagtanto ko ang nabubuo sa utak ko. Pero kailangan ko ng pruweba ! tama yun ang kailangan ko
Agad akong umalis sa library at saka dumiretcho sa 1st floor ng bahay nakita ko si ikki na paalis ng bahay. Agad ko syang tinakbo ng hindi nya namamalayan ang bilis ko
"saan ang punta mo ikki?" agad na tanong ko sa kanya na sobra nyang kinagulat
"ANO KA BA NAMAN ABO! TANGINA NAMAN WAG MO NGA KONG GINUGULAT! MAMATAY AKO NG MAAGA SAYO EH!"
"lutang ka kasi kaya ginulat na lang kita saan nga punta mo? at lutang ka?"
"ahh.. Ako? sa park lang boring dito sa bahay eh sama ka?"
Gusto ko sana pero..
"ikki pwede next time ka na lang umalis may ipapagawa sana ako sayo?"
Kailangan kong harapin to. Kung tama nga ang hula ko
"ano ba yun?"
"pumunta ka sa kwarto ko mamayang gabi wala kang ibang kasama kundi ikaw lang. Hihintayin kita dun"
Lumunok muna sya bago sumagot saken . Nginitian ko sya ng matamis saka hinawakan sa pisngi mainit pa din sya gaya ng dati
"ang lamig naman ng kamay mo abo humawak ka ba ng yelo? o nag babad ka sa ref o malamig na tubig? ang lamig ohh!" sabi nya saken habang hawak ang kamay ko
"oo nag babad ako sa malamig na shower kanina sorry nalamigan ka ba?"
"hindi naman lika painitin natin yang kamay mo baka mag kasakit ka pa" sabi nya saken saka kami pumunta sa kusina at kumuha sya ng mainit na tubig at nilagay nya sa planggana na maliit saka sinawsaw ang kamay ko dun. Mas mainit pa din para saken ang kamay nya
"ikki?"
"hmm..?"
"naniniwala ka ba sa mga bampira? at mga anghel?"
"hmm..? mga bampira hindi sa mga palabas at kwento ko lang sila nakikita o nababasa anghel? sabi may angel daw pero nasa langit sila kasama ni papa GOD" nakangiti nyang sagot
"kung halimbawa magiging anghel ka ? kunyari isa kang destroying angel anong gagawin mo?"
"hmm..? wala ! aalagaan ko ang bawat salitang babangitin ko at magiingat ako para wala akong masaktan o mawala sa mundo ganun"
Niyakap ko sya na ikinagulat nya
Kung alam mo lang ikki kung ano ka talaga..
----
YOU ARE READING
The Vampire Queen
VampireShe was the queen She has a red eyes She will kilL you with no mercy she is the VAMPIRE QUEEN