Demonice
Isang malakas na pwersa ang naramdaman ko ng makauwi ako sa bahay. At nakakapag taka na kapareha ng kapangyarihan ang naramdaman ko , agad akong napatakbo sa loob ng bahay pero sa liit ng katawan Kong to inabot ako ng ilang hakbang itunulak ko ng malakas ang pintuan at sinalubong saken ang isang katawang naabo na...
Hindi , Hindi to maari!!
Agad Kong lumapit sa kanya at saka sya dinaluhan sa kanyang tabi , wala akong lakas ng loob hawakan sya nanatili lang akong nakatingin sa kanya . Ng makita nya ko ay ngumiti sya ng malungkot may luhang pumatak sa kanyang gilid ng mata.
"Ang akala ko Hindi na kita maabutan.." Mahina na sabi nya saken ramdam ko sa Boses nya na nahihirapan na sya
"Anong nangyari dito sumagot ka asu!" Sigaw ko sa kanya pero Hindi gaanong kalakas
"Patawad Hindi kita naprotektahan pero pangako babantayan kita"
Yun na lang ang huli nyang sabi saken bago sya mawala sa paningin ko , hindi..
Hindi to totoo..
Pakiramdam ko namanhid ang buong katawan ko at wala akong ibang naramdaman kundi galit,
"Hindi magugustuhan ni asu ang gagawin mo kaya wag mo ng ituloy"
Tiningnan ko ang nilalang na yun pero agad din nyang binitawan ang balikat ko saka yumuko , at umiling
"Iwan mo na ang mundong to , bumalik na tayo sa kung Saan talaga tayo nararapat"
Walang salita ang lumabas sa bibig ko at kahit na anong galaw o kung ano pa man
"Dito ka na muna , wala na si asu at alam Kong ginawa nya lahat ng makakaya nya para Hindi ka mapahamak. At kung ako ang nasa kalagayan nya gagawin ko din ang nararapat gawin" umupo sya sa tabi ko saka ako niyakap
"Panatagin mo ang loob mo gawin mo ang nararapat mong gawin , wag mo paiiralin ang emosyon mo wag mo sayangin ang buhay ng taong pumotekta sayo."
Tiningnan ko ng maigi ang nilalang na nasa harapan ko at ganun din ang ginawa nya. Bumuntong hininga sya at saka ako binabaan ng tingin
"Ipapahanap ko ang gumawa nito Kay asu wag ka ng mag abala pa mag pahinga kana may malaking bukas ka pang haharapin"
Sa isang pitik lang ng kanyang kamay ay agad akong nilamon ng kadiliman, wala akong ibang nagawa kundi ang mag palamon dito tulad ng kung ano ang ginawa ko ng mawala ang lahat saken.
-----
"Mabuti naman at dumating ka na ? Kanina pa kita inaantay ehh.." Agad Kong nilingon ang boses na yun pero bigo ako dahil walang sino man ang nandun
"Sino ka! At nasan ka?!" Tanong ko sa boses na yun
"Hindi naman mahalaga kung sino ako Hindi ba demonice ? Ikaw ang tanging pakay ko wala ng iba , ayaw ko sanang sa ganitong tagpo tayo mag kikita pero huli ka na. Wala na ang bampirang mahalaga Sato hindi ba?" Tanong nito saken mas pinili ko na lang manahimik kaysa kumausap ng Hindi ko naman nakikita tsk!
YOU ARE READING
The Vampire Queen
VampireShe was the queen She has a red eyes She will kilL you with no mercy she is the VAMPIRE QUEEN