ISANG PANALANGIN NG TAONG NASAKTAN

2.7K 29 13
                                    


Isang Panalangin ng Taong Nasaktan

NialleAihara

Ama, hinanap ko po sa mundo ang pagmamahal na totoo,

Nagmadali at natagpuan ang naging sentro ng aking mundo.

Hindi ako padadaig kahit na ilang beses niya akong pinaasa!

Naniniwala akong may plano ka sa akin mahal kong Ama.


Magtitiwala ako sa iyo dahil alam kong luha'y papawiin mo,

Sapagkat alam ko pong nasaktan ako para sa ikakabuti ko.

Ama, siya ay isang leksyon upang baguhin ang pagkatao ko,

Inakala ko po na ang buhay ay tulad ng isang kwento sa libro.


Patawad po , dahil tinalikuran kita sa panahong nasaktan ako.

Dinadalangin kong magsimula ng maghilom ang mga sugat ko.

Tulungan mo po akong kalimutan siya dahil ayaw ko ng umasa,

Umasa sa isang tao na alam ko po na inilaan mo na sa iba.


Nawa'y wala ng pakialam kung makahanap na siya ng iba,

Kung ang mga ngiti niya sa akin ay hindi ko na makita.

Kung ako'y malimutan at mawalan na sa kanya ng halaga,

Masasabi ko rin sa sarili na hindi kami para sa isa't isa.


Ama, alam ko po na dapat isuko ang panulat sa iyo,

Patuloy ko pa ring hihilingin na siya'y matagpuan ko.

Ihanda mo po ako sa oras na pipiliin kong magmahal na,

Patuloy na magtitiwala, at hindi na po talikuran kita!


Sa pag-ibig na mapaglinlang, panloloko at hindi totoo,

Aking natagpuan ang tunay na pagmamahal sa iyo.

Patawarin niyo po ko sapagkat hinanap ko pa sa iba,

Gumaan ang loob ko simula ng makausap kita.

AMEN

AMEN

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon