Ako ang Buwan at Siya ang Araw

644 8 0
                                    


Ako ang Buwan at Siya ang Araw

NialleAihara

Ang buwan ay tumatanglaw sa iyong mundong madilim

Gusto kong makita ang iyong ngit kahit ang gabi'y lumalim

Giliw! Tahan na, huwag kang mag-alala

Sasamahan kita kahit ang araw ang gusto mong makita


Pinilit kong sumilip sa mga ulap at iparamdam na ako'y nandito

Nandito para damayan ka sa mga problema mo

Ngunit sa halip ay iyong napansin ang mga tala

Ang damdamin ko na nais kong ipaabot sayo ay iyong binaliwala


Tiniis kong magpakatanga kahit alam kong wala akong lugar sa mundo mo

Alam kong mapapansin mo ako kapag wala siya sapagkat y'an ang totoo

Ako ang kasama mo simula ng iwan ka niya para ilawan ang iba

Pero, Bes ang tanga ko para isipin mo na ako ang piliin mo at hindi siya


Na gusto mo ang gabi dahil hindi kita iiwan kahit na dumating ang araw

Kahit andyan siya, andito pa rin ako at handang magsilbing tanglaw

Sapagkat ako ang buwan at siya ang araw na sayo'y nang iiwan

Umaasa na sa pagdating ng araw ay maaalala mo ring mahalin ang buwan

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon