This Band Hindi na Nga

362 1 0
                                    


This Band : Hindi na Nga

Para sa mga taong paasa at pinaasa 


                                                                 Hindi na Nga

                                                                   NialleAihara

Ang lahat ay nagbabago ngunit takot akong sabihin sa iyo

Alam kong masasaktan ka dahil sa aking pinangako

Matagal na ring tinitiis dahil nasasaktan din ako

Sapagkat napapagod na akong magkunwari na ikaw  ang mahal ko


Alam kong mali na pero hindi ko kayang bumitaw

Hindi na kita mahal ngunit pangalan ko'y iyo pa ring sinisigaw

Nanlalamig na ang aking mga yakap at pagsinta

Patawad, hindi na kita mahal dahil may iba na


Sawa na akong lokohin ka mahal, sapagkat PINAPAASA kita

Sa mga hindi tapat na pananalita na aking binibigkas sa ating dalawa

Hindi ko alam kong paano ko aaminin ang lahat ng ito sa iyo

Pinilit kong maibalik ang tibok ng puso ko pero wala na talagang tayo


Patawad sa mga pangakong napako na hindi ko namamalayan

Hindi na maibabalik pa ang dati nating pinagsamahan

Alam kong ako ay hindi para sa iyo sapagkat pinagtagpo lang tayo

Pinagtagpo ngunit hindi tinadhana at ngayon ay susuko na ako


Alam kong huli na pero kailangang kong sabihin ito sa iyo

Kalimutan mo na ako dahil hindi sapat ang pagmamahal ko

Sana'y mapatawad mo ako dahil ako ay nagbago

Hindi ko sinasadya dahil biglang nawala ang mayroon tayo


Ang kwento natin ay nakaukit na pero alam kong sa puso mo'y ako'y mabubura

Mahal patawad dahil tatapusin ko na ang lahat kahit na alam mong minahal kita

Maniwala ka sa akin , may taong nakalaan sa iyo sapagkat hindi na natin naabot ang dulo

     Alam kong mali na pero kailangan ko ng bumitaw  

                                      sapagkat ALAM kong wala ng paroroonan ito



Author: Pakinggan niyo po y'ong kanta .Yan po naging inspirasyon ko sa pagsusulat. 



Story Plug : Black Magic

Fantasy , Romance 

About sa babaeng pinilit kalimutan ang isang lalaki na minahal niya sa pamamagitan ng pag-inom ng isang potion . 

Ngunit sa pag-inom niya nito ay mayroong kapalit. Ang ang kapalit ay pagligtas ng isang mundo

Ngunit sa mundong yoon ay mayroong naghihintay sa kanya ng ilang libong taon na.



SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon