IKAW LANG SAPAT NA

283 5 0
                                    


IKAW LANG SAPAT NA

NialleAihara

Lord, ikaw lang sapat na,

Ayaw ko ng maghanap ng iba.

Y'ong bang pakitang tao lang ang pagmamahal nila,

Yong bang iiwan ka kapag wala ka ng kwenta.


Alam kong naririyan ka lang sa aking tabi,

Nakikinig sa aking pag-iyak sa pag-ibig na sawi.

Ikaw dapat ang hinahanap ko sa twina,

Hindi ang Cellphone at paghihintay ng text niya.


Dapat inuuna ko ang pagsimba,

Hindi ang pagpupuyat para kausapin siya.

Ayaw ko na, sawa na akong magmahal sa mali,

Dahil pinipilit ko ang hindi pwede, isang malaking HINDI.


Ano naman kung iniwan niya ako,

Nandito si Lord at natagpuan ko ang pag-ibig na totoo.

Handa akong mabuhay ng wala ka,

Sapagkat hindi kita kailangan at si Lord ay SAPAT NA.


Wala na akong pakialam sapagkat ikaw ay isang mali

Hihintayin ko ang plano ni Lord at lungkot ay mapapawi

Ikaw dapat ang isipan ko at pagbuklat ng bibliya

Hindi ang pagtatanong kung babalik pa ba siya!


Pagmamahal mo ang dapat hanapin ko,

Hindi ang pagmamahal na natatamo ko sa mundo.

Hindi ako dapat magaksaya ng ng panahon,

Sa taong hindi nakikita ang halaga na mayroon ako.


Hindi ko kailangan ang pag-ibig na pansamatala,

Maraming nagmamahal sakin sa twina.

Nandyan si Lord, kaibigan si Bantay at aking Pamilya,

At ngayon ako'y nakangiti habang kinakalimutan na KITA.


When the time is right, I the LORD will make it happen

Isaiah 60:20































Gusto kong balikan ang nakaraan

Kung paano tayo nagkakilala 

Sa tuwing inuulit tayo nila sa twina

Kapag ako ay namumula at hindi makatingin sa iyong mata


Hatid, Sundo mo ako sa paaralan

Hawak ang gitara at tayo'y nagkakantahan

Sabay tayong sumimba at maglaog sa plaza



SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon