Noong Bata pa Ako

658 2 1
                                    


 Ang Tula ng Buhay Ko

Gusto kong bumalik sa dating ako,

Sa mundong laruan lang ang aking gusto.

Yong tipong nagtitiwala sa lahat ng tao,

At ang Diyos ang sentro ng aking mundo.


Ang buhay noon ay kay dali sa piling nila,

Kain , tulog , laro at tawanan ng pamilya.

Sa itsura'y walang pakialam ,di man magsuklay.

Kolorote sa mukha'y hindi ako sanay.


Naglaro ako ng tagu-taguan.

Na walang nasasaktan.

Sa larong langit at lupa'y walang pagitan,

Sa larong habulang walang napag-iiwanan.


Kaysarap balikan ng pagkabata,

Sa panahong sa tao'y puno ng tiwala.

Akala ko sa pag-ibig ay walang nasasaktan,

Walang pusong napapaglaruan.


Tinanong ko si Ate kung ano ang pag-ibig.

Kung bakit siya nasasaktan sa kanyang mga titig.

Tinawanan ko siya sa kanyang nararamdaman,

Sa lalaking hindi siya minahal at pinahalagahan.


Pinangako ko sa sarili ko noon,

Na hindi iibig sa takdang panahon.

Pero lahat ay nagbago ng nakilala ko siya,

Hindi ko inaasahang mapapa-ibig din pala.


Minahal ko naman siya pero marami siyang gusto,

Kahit noong nililigawan pa niya ako.

Gusto kong patunayan niyang ako lang sapat na,

Pero bakit naghahanap pa rin siya ng iba.


Sabi niya sakin lang siya ganito,

Ngunit bakit pati sa kaibigan ko'y naging interesado?

Akala ko pa naman siya ang maghihilom ng mga sugat,

Akala ko'y siya na ang karapat dapat.


Ngayon ay may kasintahan ka na,

Tinitiis ko ang sakit dahil kaibigan kita.

Pero bakit ganoon pa rin ang pinapakita mo,

Lalo mong pinapahirapan ang puso ko.


Ano ba ang ginawa kong mali para ako'y saktan!

Kaya ngayo'y sinubukan kitang kalimutan,

Ayaw kong ako pa ang dahilan para masira ang relasyon niyo.

Dahil inamin mo na gusto mo pa rin ako.


Isang gabi'y iyong tinanong kung anong gagawin ko,

Kung sakaling bumalik ang lahat ng nararamdaman mo.

Hindi ako sumagot dahil alam kung mali ito,

Masasaktan ang kasintahan mo kapag inibig ako.


Nagdesisyon akong putulin muna ang ating koneksyon,

Hayaan mo akong umibig ng iba sa takdang panahon.

Sa oras na limot na ang pag-ibig sa isa't isa,

Doon ang landas natin ay muling magkikita.


Ipagkakatiwala ko na sa Diyos ang pasulat ng aking kwento,

Panalangi'y matagpuan ang lalaking magiging parte ng aking mundo.

Kung sino ka man at kung mabasa mo ito,

Sana'y huwag mo akong iwan , saktan dahil ikaw lang ang mahal ko.

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon