Ang GamU Gamo at ang nawawalang Apoy

237 1 0
                                    


Ang Gamu-gamo at ang Nawawalang Apoy

NialleAihara

Matapos masunog ang parte ng pakpak ng gamu-gamo

Pinilit niyang lumipad at hanapin ang apoy na may gawa nito.

Bakit ganoon? gusto pa rin kita, kahit nasasaktan ako!

Sa tuwing lalapit ako, sa tuwing pinipilit kong maging tayo.


Dilim, Sobrang dilim ng paligid at nalungkot ang gamu- gamo

Sobrang lamig! ginusto niya na huwag ng mabuhay sa mundo!

Pinilit lumipad kahit na ilang beses siyang bumagsak sa lupa,

Tiniis niya ang sakit at mas pinili na umasa at kumapit pa.


Oh Mahal asan ka ! sa mga panahong kinakailangan kita?

Sa mga panahong ako ay nag-iisa at gusto kitang makasama?

Apoy! pwede bang pagbigyang makita kitang muli?

Ikaw pa rin apoy ang pinipili ng aking puso hanggang sa huli!


Napapagod na ang gamu gamo sa kakahanap ng apoy,

Ang gamu gamo ay umiiyak ! bumabagsak at nanaghoy.

Ang gamu- gamo ay napagod na sa paglipad,

Agad na niyang tiniklop ang kanyang mga pakpak.


Siguro'y sumuko na ang gamu- gamo sa paghahanap ng apoy,

Siguro'y ayaw na niyang marinig ang kanyang panaghoy.

Siguro'y tama na dahil alam niyang tapos na,

Tapos na ang ugnayan nilang dalawa.


Sapagkat ang gamu- gamo ay takot ng masaktan pa!

Sa paglapit sa apoy, na may kakaibang init ngunit iniwan siya!

Sa apoy, na sumuko sa pag-alab upang tanglawan ang gamu- gamo,

Ako ang gamu-gamo at tuluyan ng magpaalam na sa iyo.


Mahal,siguro nga'y hindi tayo para sa isa't isa

Siguro nga ay may mahal ka ng iba!

Sapagkat ako ang gamu- gamo at ikaw ang apoy,

Sa pag-iibigan nati'y alam kong marami ang tututol.



SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon