Nagsulat ako sa isang Malinis na Papel

254 4 0
                                    



                                           Nagsulat ako sa isang Malinis na Papel  

                                                         NialleAihara


Nagsulat ako sa isang malinis na papel tungkol lahat sayo,

Kung paano mo ako natagpuan at sinimulan ang pagiging tayo .

Nabighani- sa mga mata mong nakakabasa ng nararamdaman ko,

Hinuli sa mga matatamis mong salita at nakakatawa mong kwento.


Natuwa ako magsulat dahil inakala ko sa sarili ko na baka ikaw rin at ako

Hanggang dumating ang oras na nakuha mo rin ang matamis kong OO

Bahala na basta alam kong handa na akong ibigin ka ng totoo

 Sinimulan mong burahinin ang nakasulat sa ating kwento


 Huminto ka ng iginuhit mo ang siya sa kwento nating dalawa

 Sino ba sa amin ang  kontrabida dahil nararamdaman kong nanlalamig ka na

Ang ilang bahagi ng papel ay unti- unti ng nabasa dahil sa aking mga luha

 Gusto ko ng tanggapin na ang isang papel na sinulatan ko ay maaari ng ibasura


Siguro nga tama ka!Mahal wala na siguro akong halaga

Hindi ko kayang burahin ang mga ala-ala at nag-iwan lang ito ng marka

Ang mga marka na siyang magsisilbing tanda na sinaktan mo ako at pinaasa

Isa kang paasa, para talikuran mo ako kasama siya


Hayaan ang iyong gusto pero tandaan mo na hindi ako maghahabol sa inyo

Simula ngayon ay tutuldukan ko na ang kwento nating dalawa

Sapagkat! Mahal pinilit kitang inintindi pero ako'y napagod at nagsawa na

Sumulat ako sa isang puting papel at ang mga letra nito'y tuluyan ng nabura


At ang bawat letra'y nag-iwan ng isang marka

Markang naging tanda ng pananakit mo at mga ala-ala

Pinunit ko ang isang malinis na papel sapagkat mahal,! Ayaw ko na

Ang pangalan niya ang nakasulat dito sa papel na  aking binabasa


Tama na! kaya mahal pasensya na kung pupunitin ko ito

Ang papel na napuno ng letra ng pangalan ng bago mo

Kaya kumuha ako muli ng isang piraso ng papel na pagsusulatan ko

Ang papel na kung saa'y nakasulat ang pangalan mo


Ngunit hindi ka na bida rito sapagkat tapos na ang lahat

Susulat ako sa isang malinis na papel ngunit hindi na tungkol sa kanya

Hindi na siya ang sentro ng mundo ko

Sa isang malinis na papel ay wala ng tayo


SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon