BAKIT BA AKO UMIIYAK

388 6 0
                                    


                                           "BAKIT BA AKO UMIIYAK"

                                               NIALLEAIHARA

Luha ! pakiusap huwag ka ng pumatak dahil tapos na,

Wala ka ng magagawa dahil alam mong wala na siya.

Iniwan ka na niya sa mga oras na kinakailangan mo siya

Bakit ka ba umiiyak? huwag mong sabihing mahal mo pa siya?


Isip! huwag mo balikan ang nakaraan upang ipaalala sa kanya,

Heto! Siyang umiiyak dahil sa mga nais mong ipaalala.

Nangangamba ang isip, ninanais na kamustahin siya,

Kahit alam niyang hindi pwede dahil mayroon na siyang iba.


Ang gulo gulo ng puso ko ! pinipilit na bumalik ka sa akin.

Nakikiusap na ang mga sugat nito'y iyong hilumin.

Mahal! Asan ka na nga ba? pwede bang muling makiusap kita?

Kahit na saglit lang, kahit konting minuto lang , pwede ba?


Sigaw! Gusto kong isigaw na patawarin mo ako kung nasaktan kita!

Kung hindi ko nagawang pigilan ka ng sabihing hindi mo na kaya.

Akala ko ng mga panahong yoon ay magagawa mo akong ipaglaban,

Gusto kong sumigaw at kong hawakan ang iyong mga palad.


Panaginip, ito lang ang paraan para makita ka!

Hinga ! Buga! mga larawan mo'y gusto ko pa ring makita.

Ipinikit ang mga mata para makita ang iyong mga ngiti!

Mga ngiti , pag-ibig , ikaw na kaytagal ko ng minimithi.

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon