Ikaw Naman ang Taya

457 7 0
                                    

Ikaw Naman ang Taya

NialleAihara

Mahal, sa larong habulan ikaw naman ang gusto kong maging taya

Sapagkat, gusto kong ikaw naman ang mapagod, umasa at lumuha

Sa mga salitang binitawan mo ako naman ang hindi magpapaloko

Ikaw na kinilalang si Pafall at  tuso sapagkat ilang babae na ba ang pinaiyak mo?

Pasensya na mahal pero hindi ko matanggap na mapabilang sa mga babae mo

Mali ka ng taong pinili para maging kalaro sapagkat mahilig akong tumakbo palayo

Palayo sa mga kasinungalingan at katangahan na maaring maidulot mo sa puso ko

Sapagkat isa kang  Cassanova na niligawan ang isang Maria Clara na hindi mapapabilang sa iyong mundo

Sa larong tagu taguan ay ipinikit mo ang iyong mga mata at bumilang ng tatlo

Pero sa oras na imulat mo ang mga ito  ay wala na ako sa paningin mo

Sinubukan mo akong hanapin pero ginalingan ko sa pagtago at hindi mo napansin ang luha ko

Magaling ako sa tagu-taguan at pagtago ng nararamdaman simula ng saktan mo ako

Oo ! Ayaw kong maging taya sa isang laro dahil ayaw ko ng maghanap sa iyo

Sapagkat natatakot ako na habang tayo'y naglalaro ay iniwan mo na pala ako

Sawa na akong maging taya sa langit at lupa

Sapagkat ako'y lagi na lang nasa lupa at ikaw ay aking tinitingala

Ayaw ko ng maging taya sa habulan at gusto kong ikaw naman

Ikaw naman ang maghabol at ikaw naman ang masaktan

Sapagkat , kahit na maabutan mo pa ako 

Ay hinding hindi ko na lilingunin ang isang tulad mo

Isang tulad mo na manloloko

isang tulad mong ginagawa mo lang pamapalipas oras ang mga babae mo

Ayaw kong mapabilang sa kanila sapagkat ako ay naiiba

Gusto ko ng nirerespeto, at mahanap ang pag-ibig na totoo na inakala ko na meron ka

Humanap ka na lang ng ibang kalaro at please lang huwag na ako

Sapagkat ayaw ko ng sayangin ang oras ko sa isang laro na pinasimulan mo








SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon