TAGASALO

246 4 0
                                    


"Tagasalo"

NialleAihara

Hoy! Pwede bang layuan mo muna ako!

Kung gusto mo lang na ako'y iyong tagasalo.

Kinakamusta kapag wala kang kausap na iba,

Sinasabihan ng gusto kita kahit alam kong mas gusto mo siya.


Tigil! Pakiusap huwag mo akong paasahin sa iyong salita,

Salitang sinasambit kapag wala siya at wala kang magawa.

Huwag mo akong iyakan sapagkat ako ang nasasaktan,

Kinokontrol ang sarili na sabihing, pakiusap ako naman.


Huwag mo akong linlangin sa iyong mga salita,

Alam kong mahal mo pa siya! huwag kang maging paasa!

Sapagkat, nalilito na ako kung anong gagawin ko,

Mananatili na lang ba akong iyong tagasalo?


Tagasalo ng luha at pumipigil sa pagbaha ng iyong mundo,

Manhid ka ba para iyong makitang nasasaktan na ako.

Hindi mo alam na ako ang nalulunod at nahihirapan,

Alam ko namang kahit kailan ay hindi ko siya mapapantayan.


Ako ang iyong tagasalo, ikaw ang mahal ko,

Ngunit hindi mo napapansing nahuhulog ako sayo.

Habang ako'y bumabagsak ay iba ang sinasalo mo,

Marapat na pigilan dahil masasaktan ako.


                                                                              

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon