Kung di rin Ikaw

603 5 2
                                    

KUNG DI RIN IKAW

NialleAihara

Kung hindi ikaw ang nasa dulo,

Kung ang mga luha'y hindi na titigil sa pagtulo,

At ikaw at ako'y pilit na pinaghihiwalay ng tao.

Pipigilan ko bang piliin ka at aking pagsusumamo.


Kung hindi rin tayo sa huli,

Para saan pa ang umibig muli.

Hihilumin ba nito ang sugat na aking natamo?

Malilimutan ba kita? Kung hindi pwedeng maging tayo?


Nahihirapan, nasasaktan at di maunawaan,

Kung bakit paulit ulit ang sakit na nararamdaman?

Giniginaw, nanlalamig, gusto kong sumigaw,

Pakiusap! lumaban ka at huwag kang bumitaw.


Walang nagsasabing madaling lumayo,

Kung ilang beses tayong pinagtagpo.

Gusto kong bumalik sa nakaraan at iwasan ka,

Muling itatama ang pagkakamali noong nakilala kita.

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon