Ang Pulang Tali

284 2 1
                                    


Nasaan ang pulang tali na sinasabing nagbibigkis sa ating dalawa

Na matagal kong  hinahanap saan man ako magpunta

Isa ka lang ba talagang malaking Paasa

Na mayroong tayo sa tuwing ako'y nag-iisa


Hinanap kita sa mga oras na kailangan kita

Sa mga oras na ako'y tumatangis at naghahanap ng suporta

Na sana'ynandito ka at pinapahid mo ang aking mga luha 

Niyayakap ng mahigpit at bumubulong na tahan na


Hinihintay kita sa mga oras na pinapangarap kong maging bida

Sa mga palabas na Anime, Wagas at Koreanovela

Na pinapangarap ko na mayroong isang ikaw sa aking malungkot na storya

Asan ka nga ba ngayon sinta? Kailan kaya ang tamang panahong sinasabi nila?


Napapagod na ako sa kakahintay sa  taong hindi sinasabi ang oras ng pagdating

Ang mga oras at araw ay lumilipas at ako'y naghihintay pa rin

Sino ka nga ba? at bakit ang tagal mo?

Pinapaasa pa rin ba ako ng Red string of Fate na ito?


Gusto na kitang makita upang samahan ako sa pamamasyal

Sabay nating pagmasdan ang mga bituin habang hawak ang mga kamay

Saba'y umaawit ng masasaya at malulungkot na mga kanta

Binubulong sa langit na ikaw ay akin at hindi na hahanap ng iba


Tintingnan ko ang pulang tali at hinahanap pa rin kita

Sana dumating ka na bago mawalan na ako ng natitirang tiwala

Sana dumating ka na bago pa akalaing ang lahat ng lalaki ay babaero at paasa

Dumating ka na sa hindi inaasahang araw at oras dahil gusto kong sabihin na sayo na

                                                                    Mahal kita !


SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon