Berdeng Bilog

321 5 0
                                    


BERDENG BILOG

NialleAihara

Interesado ako sa kulay berdeng bilog katabi ng pangalan mo.

Na parang alitaptap na nakikita ang liwanag sa messenger ko !

Umaasang ako ang dahilan ng mga Status sa araw at gabi

Walang akong pakialam sa kahihitay sa Chat na Hello at Hi


Hindi makatulog sa kahihintay na pakiwari'y hindi sasablay,

Na ang hinala'y na ikaw rin ay may tinatagong taglay.

Naghihintay ka rin kaya sa berdeng bilog sa tabi ng pangalan ko?

Itigil ko na kaya ito, dahil hanggang tumatagal ay naadik na ako.


Ang mata'y nakatutok sa berdeng bilog na papatay- patay,

Tulad ng gamu-gamong ay ito'y nakakaakit sa liwanag na taglay.

Inistalk ko ang profile mo at umaasang ako naman ang laman ng status mo,

Kahit extra lang sa larawan ninyong dalawa'y ok na ako.


Nagulat ako nang makita kung ano ang laman ng status mo!

Mas masakit palang mabasa na binabasura lang ang taong mahal ko.

May mahal ng iba ang gf mo pero andyan ka pa rin kahit ginagago ka niya,

Sana ako na lang siya sapagkat hindi ko sasayangin ang iyong halaga.


Lumipas ang oras at araw at ang berdeng bilog ay bihira ko ng makita,

Berdeng bilog na ang ilaw sa messenger ay napapagod na.

Simula ng makita ko na ang babaeng minahal mo ay kinasal na,

Masaya na siya at ang mga ngiti sa larawan mo ay di na nakikita.


Gusto kitang mapasaya kaya ako'y naglakas loob na kausapin ka,

Gusto kong ako'y maging iyong sandalan sa panahong wala na siya.

Sa pagbukas ng messenger ,nagdalawang isip na isend ang dalawang letra,

Ako'y napabuntong hininga ng ikaw ay aking kinamusta.


Ang berdeng bilog sa messenger ay biglang nabuhay,

Kaba! Yan ang aking nadarama nang mawala ang aking paghakay!

Kilala mo pa kaya ako? Kaba ang nararamdaman ko !

Ilang minuto pa'y nagulat ako sa reply mo.

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon