IKAW ANG AKING TULA

121 5 0
                                    

                                                                              NialleAihara

IKAW ANG AKING TULA

NialleAihara

Malayo ang iyong tingin,

Di mo ako napapansin.

Ikaw ang sigaw ng aking damdamin,

Sana'y sagot sa aking panalangin.


Ikaw ang laman ng aking tula,

Taludtod at gunita.

Paksa ng aking mga saknong,

Sagot sa aking mga tanong.


Maubos man ang bawat tinta,

Di mailarawan ang nadarama.

Sa isang malimit na pagkikita,

Bakit ikaw ang hanap ng aking mata.


Natatakot mahuli ang aking sulyap,

Damdaming tinatago sa pagsulat.

Sa isang tulang isinulat para sayo,

Kahit di nalalaman ang damdaming ito.


Ngunit napatigil sa pagsusulat,

Sa katotohanang muling namulat.

Wala nga palang pag-ibig na wagas,

Sapagkat agad itong nagwawakas.


Sana'y di masayang ang tinta,

Mga damdaming binura.

Sa isang itinatagong katha,

na hindi mo mababasa.


Siguro'y natatakot mahulog muli,

Kaya damdami'y ayaw manatili.

Gusto kong tapusin ang sandal,

Nawa'y hindi na makitang muli.

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon