TAGPUAN

421 6 5
                                    


Tagpuan

NIALLEAIHARA

Dumating ako sa puntong hindi maunawaan,

Naniniwala, naghahanap ng kahulugan.

Matagal kong ipinagkait sa iba ang nararamdaman,

Sa iyo ko lang pala matatagpuan.


Saksi ang mga tala,

Sa matatamis at paasa mong salita.

Naroon rin ang buwan,

Naroon at tumatanglaw sa ating tagpuan.


Ngunit mali pala na pinili kita,

Hindi ko inakalang ako'y iiwan din pala.

Nanalangin ka'y bathala kung bakit ikaw pa,

Bakit umalis ka, bakit pagmamahal ay nawala na.


Bumalik tayo sa tagpuan , kung saan sinimulan,

Kung paano ako nanalangin na sana ikaw na lang.

Panalagin ay nasagot, ang ikaw at ako'y nagkatotoo,

Ngunit lahat ay nagbago ng iniwan mo ako.


Ang ikaw at ako ay naging siya at ikaw,

Nakita kita muli sa tagpuan , puso'y napukaw.

Sa isang tagpuan nating dalawa ay di na kasama,

Ako'y mag-isa at ikaw ay may kasama ng iba.


Nang nakita kita sa tagpuan ni bathala,

May kinang ang y'ong mata na aking naiintindihan,

Mahal mo siya, mahal ka niya at pagsinta'y nilimot mo.

Tumigil ang mundo noong ikaw ay lumayo at

INIWAN AKO :(

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon