Chapter 35 (He's back)

4.7K 97 0
                                    

Sky's POV

Maaga akong nagising kaya naligo na ako at bumaba na para pumunta sa kitchen na katabi ang lamesa. Nagtaka naman ako dahil nandito sa bahay si kate at binigyan niya ako nang matamis na ngiti.

"Oh? Bakit nandito ka?" tanong ko sakanya habang nagtitimpla ng kape

"Ayaw mo ba? Hahaha", halakhak niya bago sinubo ang pagkain niya

"Sympre gusto. Pero, bakit nandito ka?" tanong ko ulit

"Wala. Dito na ako mag-stay, nagpaalam na din ako kay mama" sagot niya

"Oh? Really? Pinayagan ka ni tita?" masigla kong tanong

"Yes. Hahaha" halakhak niya

"Bilisan niyo. 7am na" singit ni kieah kaya agad na namin tinapos ang pagkain namin.

Sumakay na kami sa kanya-kanya naming kotse at pinatakbo papunta sa school. At agad naman kaming nakarating at pumasok na din kami sa classroom namin.

Habang nagpapalecture ang prof namin nakatingin lang ako sa kawalan kase hanggang ngayon iniisip ko pa rin ang issue kahapon.

"Sky, tawag kana ni sir. Baliw" tawag ni kate saakin kaya agad akong tumayo

"Yes sir?" tanong ko sa prof namin

"What? What is your problem Ms.Smith?" balik niyang tanong kaya napansin ko naman yung mga kaklase ko nakatingin saakin

"Sir, tawag niyo daw ako?" tanong ko ulit habang nakatingin parin kay prof

"Ofcourse not" sagot niya kaya tumingin ako kay kate na tawa nang tawa kaya binigyan ko siya nang death glare

"Peace hahaha"sabi nito at agad na akong umupo. Nahiya tuloy ako kaya umupo na ako, pagkaupo ko hinampas ko siya nang libro sa braso niya

"Hahahaha sorry na nga e. Ikaw kase, nakatingin ka nanaman sa kawalan" halakhak niya

"Hindi parin kase mawala sa isip ko yung narinig ko kahapon hays" sagot ko habang nilalaro ko ang buhok ko

"Tss. Haha hayaan mo na yun okay? Madami pang lalaki dyan" sabi nito kaya tumango nalang ako at nakinig sa discuss ni prof nung tapos na siyang maglecture pero sa totoo lang, wala talagang pumapasok sa utak ko

-------------

Break time na kaya naglalakad kami ni kate sa may corridor para sunduin si kieah sa room niya. Pumunta kami sa may grand floor para maglibang. Nang makarinig kami nang may nag-uusap

"Kailan mo ba ako sasagutin? 1 year na nga kita nililigawan e" familiar ang boses ne'to

"Haha babe, just wait okay? Malapit na yun" sagot nung babae

"Okay. I'll wait just for you because I really really love you" kaya sumilip kami nila kieah kung nasaan nang gagaling ang mga iyon at nagulat nalang kami nung hinalikan ni xander si elaine castro. So, sila xander pala

"I really really loveyou too babe" sagot ni elaine at muli niyang hinalikan si xander

Aalis na sana kami pero nung pagkaharap namin may nakabangga ako at pag-angat nang ulo ko si blake pala at nakangisi ito.

"Ano ginagawa niyo dito?" tanong niya saamin habang nakangisi parin

"Wala napadaan lang" sagot ko at iiwas na sana ako para makaalis na pero hinarangan kami nila yuen.

"Ops. Hahaha no" halakhak niya

"Kuya, leave us alone" sabi nito sa kuya niya

"Sorry lil'sis. I won't" sagot ni yuen habang nakangisi. Nakita ko naman si lance na pumunta sa pwesto nila xander at sumunod naman si zyrus

Stonyhurst University(School of Gangster)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon