Chapter 45 (I'm not that weak)

4.5K 96 2
                                    

Irish's POV

"Beeeeesssssss!" bungad ni kylie nang makarating siya saamin na nakatambay sa gym

"Tumahimik ka! Ang ingay mo" inis na sambit ko rito

"May sasabihin kase ako. Duh" ani niya kaya napalingon ako rito pati sila irene nagsilapit sakanya

"Okay, okay. What it is?" tanong ni camille

"I can't imagine this. Xander and Sky are in a relationship" seryosong ani nito

"W-what? Sky and Xander? How?" hindi kapanipaniwalang tanong ko kay kylie

"I don't know. I just heared it a while ago and I saw it too" sabay irap niya

"Then?" bitin na tanong ni trish

"And then, I saw Cedric Hyung-" nabitin ang sasabihin niya nang magsalita si irene

"Who's Cedric Hyung?" tanong ni irene

"Tss. Yung childhood friend ni sky!" inis na ani nito

"Oh I see. Yun ba yung perfect angel face yung galing sa korea?" tanong niya ulit

"Yes." tipid na sagot ni kylie

"Yun?! Emegesh. Ang pogi nun e ang perfect pa hays my Ideal man" pabebe na ani ni camille kaya binato ko siya nang maliit na bato kaya sinamaan niya ako nbg tingin

Well, pogi naman talaga yung Cedric Hyung. Actually, ang daming pogi dito sa stonyhurst pero ang mas napapansin ko lang na super pogi is yung Bsg at yung Cedric Hyung at nagkataon pa talaga na childhood friend pa ni sky yun. Hahaha oh have an idea! Pero sa susunod ko na gagawin yun. Hahaha(Devil Laugh)

"Kingina! Ituloy mo na" inis na ani ni trish

"I saw Cedric Hyung and Xander Yu na pinag-aagawan si sky a while ago at parking lot. At kinagulat ko pa ang sinabi ni Cedric kay xander na nandun daw siya para agawin ang girlfriend niya na si sky at pansin ko talaga na galit na galit si xander sa sinabi ni cedric kaya ayun nagsuntukan sila" kwento ni kylie saamin

"Argh! This can't be. Humanda ka saamin Faith Sky Jin Smith. Pagsisisihan mo na naging kayo ni Xander!" sigaw ko dito sa gym kaya yung mga tao dito nakatingin saakin

"Ano? Ano tinitingin-tingin niyo dyan?!" inis ko sa mga ito kaya umiwas sila nang tingin

"So, ano plano mo?" tanong saakin ni irene kaya tumango naman sila camille saakin

"Halika kayo dito" ani ko

Humanda ka!

--------------------

Sky's POV

@Classroom

"Kamusta ka?" tanong ko kay cedric habang hinahawakan ang pasa niya na nasa may labi niya

"Ang sakit. Ouch" pag-iinarte niya

"Masakit ba? Akala ko pinagamot mo na 'to sa clinic?" pag-aalala ko rito

"Oo. Pero mas maganda kung ikiss mo" sabay pout niya

"Dyan, dyan ka magaling!" ani ko rito at sabay gulo ko sa buhok niya kaya ayan tawa kami nang tawa ang cute niya my god

Ramdam ko nanaman na may sumipa ulit sa upuan ko kaya inis kong tinignan si xander pansin ko naman na ang sama nang tingin niya saakin

"Ang landi mo" inis na sambit nito saakin kaya inirapan ko siya

"Pake mo?" ani ko

"Pag may boyfriend ka na, wag ka nang lumandi" seryoso niyang sabi saakin kaya may nararamdaman ako na kung ano na hindi ko maipaliwanag. Fake lang naman 'to a? Hays

"Correction, fake boyfriend lang kita" ani ko dito pero pabulong lang

"Tss" tipid niyang sagot kaya inirapan ko na ito at binaling kay cedric ang atensyon ko

Lilingon sana sa likod si cedric para asarin si xander pero bago pa niya gawin yun pinigilan ko na ang ulo niya at hinarap sa harap. Mapang-asar kase 'to!

After 2hrs, breaktime na kaya lumabas na kami nang classroom namin, ang mga Bsg naman ay nauna nang lumabas. Nagalit kase saakin kanina si xander hahahaha hays!

@Cafeteria

Sila kieah,kate at cedric ang kasama ko ngayon sa cafeteria. Habang tanaw na tanaw ko naman ang Bsg sa kabilang side lalo na si xander ang sama nang tingin saakin pero ngumiti lang ako dito nang nakakaloko at inirapan naman niya ako at inuon niya ang atensyon niya sa mga kaibigan niya.

Habang nagkwekwentuhan kami at kumakain napansin ko ang mga Gsd na nakangiti nang malapad saakin at pinauunahan naman nito si Irish na may hawak nang tray

"Hi sky" ani nito habang nakangiti pero fake lang kaya tinignan ko lang siya nang 'boring look'

"May ibibigay pala kami sayo, actually peace offering 'to" kaya tumango tango naman ang mga kasama niya

"Ito oh" ani niya

Kinuha niya ang adobo na nasa plato at binuhos saakin in short pinaligo niya saakin ang adobo at sinunod naman niya ang pineapple juice. Napansin ko naman na tatayo na si kate,kieah at cedric sa upuan nila para pigilan sila irish pero pinigilan ko sila at sinabi ko na, na ako na ang bahala at wag sila mangingialam sa lahat nang gagawin ko. Pansin ko din na madami na ang tao na nakatingin saamin nakita ko din ang Bsg na pinapanood lang kami. Hays

"Ops. Hindi pa tapos yan" halakhak nila Irish

Kinuha nila ang suka sa may tabi nang table namin at binuhos ulit ito saakin kaya ayan tawa nang tawa ang Gsd.

"Ang baho hahaha" halakhak ni irene

Tumayo ako nang padabog. Kaya sinalubong ko naman ang tingin saakin ni Irish kaya hindi ako nagpatalo dito.

"Oh ano? Yan nalang ba kaya mo? Haha" ani ni Irish saakin

"Ano bang problema mo a?" inis na tanong ko rito

"Matagal na kitang problema! At dinagdagan mo pa ang inis ko sayo nung nalaman ko na kayo ni xander" ani nito

"Hahaha. How pathetic bitch! Wala ka nang magagawa dun dahil ako na ang mahal ngayon ni xander and please accept it at alam naman natin lahat na hindi ka naman talaga minahal ni xander right? Kase lahat nang meron sainyo nun ay dahil lang sa dare haha ang disperada mo masyado. Higad ka kase, ang kati mo e!" ani ko rito

"How dare you"ani niya aakmang sasampalin na niya sana ako pero pinigilan ko ito

Binigyan ko siya nang nakakalokong ngiti "Hindi ko hahayaang dapuan nang bacteria ang mukha ko kaya ilayo layo mo yang kamay mo! At hindi mo ako kilala hindi ako yung weak na inaakala mo" ani ko dito at pinisil ko naman ang pulso niya nang mahigpit para masaktan siya nang husto

"Ugh! A-aray!" yan nalang ako lumabas sa bibig niya kaya tuwang tuwa ako lalo na kapag nakikita ko ang reaction niya

After few minutes binitawan ko na din siya kaya halata sa mukha niya ang sakit at ang putla niya pa

"Mabait ako sa mabait, pero mas gago ako sa gago! Kaya ang pinakaayaw ko sa lahat yung ginagago ako. Kaya umayos ka!" ani ko dito aalis na sana kami nila cedric pero tumingin muna ako kila irish at bumalik sa harap niya

"Ops may nakalimutan ako" bitin ko dito at kinuha ang patis,toyo at ang suka sa may tabi din nang table namin

Binuhos ko sakanya ang patis,toyo at ang suka ginawa ko sakanya ang ginawa niya saakin kanina kaya ayan natulala siya at mas mabaho na siya saakin.

"Ang baho naman hahaha eww!" pang-asar ko rito at dinaanan siya at tinulak ito

Pansin ko ang dami na palang taong nanunood saamin at natutuwa ako dito. At tuluyan na din kaming umalis

Stonyhurst University(School of Gangster)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon