Xander's POV
Maaga akong gumising para pumasok. And I'm sure hinihintay na ako nila blake kaya dali dali kong pinatakbo ang kotse at agad naman ako nakarating sa school napansin ko naman na halos magkakasabay lang kami dumating nila blake at pansin ko din na ang dami nang mga babae na nakapalibot saamin at nagsisitili. Ano pa bang bago?
"A-ah, Bsg please accept this" sabay abot nang isang babae saamin nang isang large size nang cake at may lima pa itong letter na nakalagay sa taas nang box
"Oh, thankyou miss" at agad naman hinalikan sa pisngi ni lance ang babae kaya halata sa babae ang kilig at hindi kapani-kapaniwala niyang reaction kaya napangisi ako.
Iba't-ibang bulungan ang mga naririnig ko sa mga babae dahil sa ginawa ni lance sa babaeng nag-abot nang cake saamin dahil masyado daw swerte ang tulad niyang ordinaryong babae. Umalis na kami at nagtungo sa room namin sari-saring bulungan ang naririnig namin at hindi ko naman kinagulat nang marinig ko ang mga bulongan nang mga tao dito sa corridor about sa ginawang panloloko saakin ni elaine. At ngayon madami nang naiinis sakanya hahaha her fault. I just act normal
Pagkatapos namin sa room bungad saakin si sky, kate at ang childhood friend ni sky sa korea na si cedric hyung. Ngayon ko lang din ito na pansin na kaklase pala namin 'to. Naghaharutan si sky at cedric habang si kate ay nakikitawa wala silang pakialam sa mga nasa paligid nila ni pagpasok nga namin hindi nila pinansin. Kaya umupo nalang kami sa upuan namin at pinapanood ko silang naglalandian para akong nakakaramdam na ewan sa katawan ko kapag nakikita ko si sky na may kasamang ibang lalaki.
Napakaingay nila.
"Hoy! Can't you see, ang dami nang naririndi sa kaingayan niyo?" sigaw ko sakanila kaya napatingin ito saakin at sabay tingin niya sa mga kaklase namin dahil totoo naman na ang ingay nila
"Wala kang pakialam dude. Just shut your mouth" angas na sagot saakin ni cedric
"Ced, please stop" singit ni sky at sabay tingin niya saakin
Kinuha ko ang kweldo ni cedric at nilapit ang mukha niya saakin at dun ulit kami nagkasalubong nang masamang tingin
"I said, Watch your words right?" ani ko rito
"Gusto mo bang malaman nang mga tao dito na si Xander Yu ang anak nang may ari nang school na 'to, ay ang nagpakidnap kila sky? Huh?" sigaw niya sa room namin
Tinignan ko ang mga kaklase namin, pero wala silang reaction sa mukha dahil hindi na bago sakanila na makarinig nang ganun about sa bsg. Kaya ni isa sa mga tao dito sa campus ay walang kumakalaban saamin. Bumalik tingin ako kay cedric at tinignan siya nang 'what look' at sabay ngisi ko rito. Magsasalita pa sana siya pero dumating na ang prof namin
------------------
Sky's POV
"Ano ka ba ced? Hindi mo na dapat ginawa yun. Dahil hindi na bago sa kanilang lahat dito sa campus yung mga pinaggagawa nang mga bsg" paliwanag ko kay ced habang naglelecture kami
"Oh right, oh right" sagot nito
"Okay. That's good hayaan nalang natin sila xander" ani ko rito
"Oo nga kulit mo haha" halakhak niya sabay pisil niya sa pisngi ko
"Argh! Stop it ced. Hahaha" halakhak ko
"Mr.Hyung and Ms.Smith? Ano nanaman bang ingay yan?" sigaw nang prof namin
"Sorry sir" paumanhin ko nakaramdam naman ako na may sumipa sa upuan ko kaya tumingin ako sa likod nakita ko naman si xander na nakangisi, tinaasan ko lang siya nang kilay at agad na akong naglecture
--------------
Xander's POV
Nakaupo kami ngayon sa cafeteria dahil break time na namin napansin ko naman na paparating si elaine at ang boyfriend niya. Nagkasalubong naman kami nang tingin nang kasama niyang lalaki pero normal na tingin lang pero siya ang sama nang tingin. Mas pinili kong normal lang ang tingin ko dito dahil hindi naman kawalan si elaine at hindi din ako pumapatol sa lowest bacteria in short sa hindi namin kalevel kaya ako na ang umiwas nang tingin. Sakto naman na pumunta ang Gsd sa table namin
"Hey babe, Can we join?" sa malanding tonong tanong ni irish tinignan ko lang siya nang 'boring look'
"Yea. Please accept us, because look oh? There's no vacant seats here" seductive tone na sabi ni irene tinignan naman namin ang paligid nang cafeteria ang daming vacant seats dun at ang alam ko meron din silang sariling table
"Hey! Ang daming vacant seats dun. At sa pag kakaalam namin may sarili kayong table tss" ani ni yuen
"Pero gusto namin makijoin sainyo" ani ulit ni irene
"Naghihintay na kami. Nangangawit na nga kami oh?" ani ni kylie sabay pout nang mga kasama niya
"C'mon girls. Umupo na kayo boys, please move!" utos saamin ni irish uupo na sana sila pero pinigilan ko ang mga ito
"GSD! Can you please stop? Pag ayaw namin, ayaw namin! Mahirap bang intindihin yun?" sigaw ko sakanila kaya ang daming istudyante na nakatingin ngayon saamin napansin ko naman si irish na tumingin din sa mga tao rito
"What?" tanong niya sa mga tao sa cafeteria kaya umiwas nang tingin ang mga ito, lumapir saakin si irish at hinawakan niya ang pisngi ko nang dahan dahan
"Hey babe. Don't be so rude to me" sabay puppy eyes niya "I love you and you love me, so we should get back our past relationship. Huh?" ani nito
"Pag hindi ka tumigil at kapag hindi pa kayo lumayo saamin, baka hindi na kami magdalawang isip na patayin kayo!" ani ko rito without looking her napansin ko naman na umatras na sila at pumunta sa sarili nilang table. Dahil kilala na nila kami, pag sinabi namin gagawin talaga namin yun
"Nice one xander! Hahaha" halakhak nila napangisi naman ako.
Nasa kalagitnaan kami nang pagkain namin nang makita ko si sky,kate,kieah at cedric na nasa kabilang table. Naiinis ako kapag nakikita ko si sky na kasama si cedric. Ewan ko kung bakit? Bahala na. Pinapanood ko sila kung gaano sila kasama. Napansin ko din na parang may lihim na pagtingin si cedric kay sky dahil lalaki ako kaya alam ko ang mga kinikilos nang kapwa ko lalaki.
"Hey! Matunaw si sky haha" halakhak nila blake kaya binato ko sila nang isang piraso nang chip
"Guys, pansin niyo din ba na parang may gusto itong cedric hyung na 'to kay sky?" tanong ko sakanila
"Oo naman. Halata naman e" sagot ni lance
"Bakit mo tinatanong? Nagseselos ka ba? Hahaha", halakhak muli ni zyrus
"Tss" tipid kong sagot
"May plinaplano ka ba dito?" tanong ni blake
"Yea" sagot ko agad naman lumapit ang apat na unggoy saakin
"Ano yun?" tanong ni yuen
"Gagawa ako nang paraan para makapayag si sky na magpretend na kami. Para magselos nang sobra saamin si cedric ganun na din kila irish. At ganun na din kay elaine dahil sa panloloko niya saakin. In short pagseselosin ko silang tatlo" sabay ngisi ko
"Paano yan dude, ang daming mga babaeng naghahangad sayo so sigurado akong dadami ang bashers,haters at kaaway ni sky sa gagawin mo" ani ni yuen
"Akong bahala. Just chill guys haha" halakhak ko
"Wag mong hahayaan na matalo ka sa laro mo dude" sabay tapik ni blake sa balikat ko at tumango tango naman sila yuen rito at ngiti lang ako na parang devil.
Nagsimula na ulit kami kumain at sakto nagbell na kayo pumasok na kami sa room.
BINABASA MO ANG
Stonyhurst University(School of Gangster)
Genç KurguThis Story is all about gangsters. Si sky ay isang ugly bitch. Panget siya pero palaban! But she realize na hindi pwede na ganun nalang ang mukha niya kaya nagpamake-over siya kaya ayun, gumanda siya at ang mga nangbubully sakanya ay hindi makapaniw...