Chapter 40 (alaalang bumabalik)

4.3K 100 2
                                    

Xander's POV

"Hello, master" bungad nang lalaking tinawagan ko

"Tapos na ba?" tanong ko sa kanya habang kalmado akong nakaupo sa Bsg council

"Opo. Tinapon na po namin sila sa likod ng school" sagot nito

"What the fuck! Sinong nagsabing dun niyo sila itapon ah? Siguraduhin niyong malinis yang mga pinaggagawa niyo! Kung hindi, papatayin ko kayo!" agad kong inend ang tawag dahil nakakaramdam ako nang inis

"Dude, easy lang" singit ni zyrus

"Nasaan na sila kieah ngayon?" tanong ni yuen saakin tignan ko lang ito

"Balita ko, nasa clinic sila. Dahil nahanap sila nang lalaking transferee" sagot ni blake kay yuen kaya napatingin naman ako sa mga ito

"Saan mo nabalitaan yan?" tanong ko rito

"Sa restroom. Narinig ko mga kwentuhan nang mga lalaki dun" sagot niya

Bumukas bigla ang pinto nang council namin at iniluwa naman nito si elaine at ang tatlo niyang kasama

"What's now babe?" tanong ko sakanya at sabay halik ko sa noo niya

"Wala babe. Namiss lang kita and did you heared that sky and her two bestfriends is in the clinic now?" tanong nito saakin

"Yes. I know" tipid kong sagot

"Ikaw ba may gawa nun? If yes, thankyou babe!" nagpuppy eyes naman ito

"Basta para sayo gagawin ko lahat, at ayan nakabawi na tayo kay sky" sagot ko rito at binigya naman niya ako nang ngiti at sabay halik sa pisnge ko.

"I have to go" singit ni yuen

"Saan ka pupunta?" tanong ko rito

"Sa clinic" tipid niyang sagot at lumabas na siya agad

---------------

Sky's POV

Minulat ko ang mata ko dahan dahan dahil nakaramdam ako nang haplos sa buhok ko at pagtingin ko si cedric na nakatingin saakin at binigyan ko nalang siya nang matamis na ngiti

"Si kieah? At si kate?" tanong ko sakanya

"Si kieah, nandun sa isang sides binabantayan siya nung kapatid niya, and si kate, nandun sa other side binabantayan din siya nang mommy niya" sagot saakin ni ced kaya tumango nalang ako rito

Iniisip ko parin hanggang kung sino ba talaga ang nasa likod nang mga ito. Ang tanging kaaway lang namin ay ang bsg,gsd at ang grupo nila elaine. Mahirap mangbentang kaya ang hirap malaman kung sino talaga ang may gawa ne'to.

Ilang oras kaming nagpapahinga at nagpapagaling dito sa clinic hindi na nga kami umuuwi e. Ayaw ko naman magpadala sa hospital dahil ayoko malaman nila mommy 'to baka umuwi sila nang biglaan.

Nang bigla akong makaramdam nang sakit nang ulo ko at pagtingin ko sa relo ko 10:08pm na pala at si cedric naman ay nakahiga sa may sofa malapit sa kama ko.

Pinilit kong matulog pero hindi ko magawa. Dahil sa sakit nang ulo ko pinilit ko muli na pumikit pero may nakikita akong something na hindi ko maipaliwanag, nakikita ko ang sarili ko nung bata pa siguro mga teenager pa ako nun 15 or 14? Nasa isang malaking table kami at kamukha ito nang table sa bahay nakikita ko din sila mommy at daddy at may isang babae pa at lalaki na nakaharap kila mommy at nakita ko din dito yung lalaking kasing age ko lang. Iniisip ko na baka si cedric yun? Pero hindi kamukha ni cedric ang lalaking ito dahil alam ko ang mukha ni ced nung bata pa kami. Iba ang mukha nito, looks familiar parang nakikita ko ito araw-araw? Pero hindi ko lang matandaan kung saan at kung sino 'to. Lalong sumakit ang ulo ko kaya dumilat na muli ako.

Nanatili akong dilat at nakatulala sa nakaharap kong tv dahil iniisip ko parin kung sino ang mga tao doon na hindi ko kilala lalo na ang lalaking yun. Pinilit ko ulit pumikit pero hinfi na ulit 'to lumabas sa paningin ko. Hindi ko alam ang nangyayari saakin parang past ko yata 'to? Bumabalik na ba yung alaala ko? Dahil sa car accident nagka-amnesia ako. Sana nga para maliwanagan na ang mga tanong sa isip ko.

Hindi ko madiretsyo ang tanong ko kila mommy about sa mga gumugulo sa utak ko. Pero promise ko sa sarili ko malalaman at malalaman ko din ito. Maybe this is not the right time

Ilang minuto akong nakatulala, hanggang sa dapuan na ako nang antok

Stonyhurst University(School of Gangster)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon